Bitbit ang tuhog ng ulap ko (oo yan talaga ang tawag nila!), masaya pa kaming naglilibot-libot. Ganoon pa rin ang siste. Lagi kaming nauuna ni Clara habang nasa likod naman si Scott, tahimik na nakamasid lang.
Sya rin ang palaging nagbabayad sa mga binibili namin ni Clara. Hindi naman sya nagrereklamo. Para akong bata rito na ngayon lang nakalabas ng bahay.
Ang saya-saya!
Minsan rin ay nakatatanggap ako ng mga libre dahil ako raw yung 'dayo' mula sa ibang mundo.
Alam nyo ba nong una ay akala ko pambabash ang matatanggap ko? Yun pala special treatment pa. Medyo awkward nga lang dahil hindi ako sanay sa atensyon huehue.
Dumaan pa kami sa tindahan ng robe, charms, at iba't ibang magical items. Sobrang naaamaze talaga ako sa mga nakikita ko. Papasok na sana kami sa isang pet shop nang biglang may tumawag kay Scott.
"Ginoong Scott!" Tawag ng isang grupo ng kalalakihan.
Apat silang lahat. Mga kumakaway ang mga ito habang papalapit sa direksyon namin.
"Dito pala kayo maglilibot sa bayan," nakangiting sabi nung tumawag kay Scott nang tuluyan na silang makalapit sa amin.
Kapansin-pansin ang kulay grey na buhok nito. Hindi rin maipagkakaila ang kakisigan nya.
Nakita ko namang may ibinulong yung isa pang lalaki na may peklat na hiwa sa kilay kay Scott na ikinailing lang nito.
Halos maestatwa ako nang dumako ang atensyon nila sa akin. I never felt this conscious before. Tignan ba naman ako ng limang makikisig na nilalang. Baka malaglag bigla underwear ko, nakakahiya. Joke 1/2.
Unang lumapit sa akin ay yung lalaking may hiwa sa kilay.
"Magandang araw. Ako si Lumus. Ikinagagalak kitang makita," pormal na pakilala nito sabay aboy ng kamay nya.
Inabot ko naman ito. "Malik," pakilala ko with awkward smile. "Anong magic mo?" curious na tanong ko pa na ikinatawa lang nya.
Nakakatawa ba yon? Ngumuso na lang ako sa hiya.
"Ang cute mo haha," natatawa pa ring sabi nya. "Kumokontrol ako ng kidlat," kaswal na sagot naman nya sa tanong ko.
"Wow! Thor ka ghorl?" Manghang sabi ko. Natawa ulit sya. Malamang di nya naman naintindihan yung sinabi ko.
Sumunod na lumapit ay yung dalawa pa nilang kasama.
"Rane," pakilala nung asul ang mata sabay kaway sa akin.
"Stowne," sabi naman nung isang malatsokolate ang kutis.
Nginitian ko lang rin silang dalawa. "Malik po hehe," pakilala ko.
"Pwede pong malamang magic nyo?" Pag-uulit ko sa tanong sa nauna.
They just nod.
"Water," maikling sabi ni Rane.
"Earth," sagot naman ni Stowne.
Wow ha, tugma sa mga pangalan nila. Natatawang isip ko.
Syempre naamaze na naman ako. "Ang galing naman!"
Ang huling nagpakilala naman ay yung may grey na buhok na kanina pa nakatingin sa akin. Out of all, siguro sya ang pinakaattractive. Nakakadagdag points yung buhok nya.
"Ako si Ace." Nakangiting pakilala nya.
Shet. Pigilan nyo po ako. Ayoko na pong magkasala sa bagong mundong ito.
"Malik po," I introduced shyly.
Halos manginig ang tuhod ko nang lumapit sya sa akin para bumulong. Putasjgjabsbaxs!
"Ang bango-bango mo," bulong nya sa akin sabay singhot sa leeg ko.
Napakapit pa ako kay Clara sa tabi ko dahil tataob na ata ako.
Nakita kong napalitan ang expression ni Ace dahil sa action ko. Mula sa cute na ngiti nya, napalitan ng pag-aalala.
"Ayos ka lang?" he asked sincerely.
Tumango lang ako. Si Clara na ang nagsalita para sa akin. "Paumanhin po Ginoong Ace subalit hindi ho kasi sanay si Malik sa mga intimeyt na aksyon," natatawang sabi ng ate mong Clara.
Tila naliwanagan naman si Ace. "Ipagpaumanhin mo ang aking ginawa," nakangiting sabi nya sa akin. "Hindi ko na iyon uulitin sa isang purong kagaya mo," dagdag pa nya.
Enebe! Nagsweet-talk pa pereng tenge.
"Ayos lang hehe," sabi ko sa kanya at ibinalik ang mga ngiti nya.
Natigil lang ang ngitian naming dalawa nang may umubo sa tabi ko.
"Tara na." Malamig na utos ni Scott.
"Maaari ba kaming sumama?" tanong ni Ace kay Scott. Tinitigan lang sya nito. "Ano kasi.. hhm... diba mas maganda kung marami kayong majikeros na kasama?"
Binigyan lang sya nito ng malamig na titig. Takot naman ang nagregister sa muka ni Ace. "Sabi ko nga eh hehe. Sa susunod na lang! Paalam," nag-aalangan na turan nito sabay alis. Takot kayo ghorl?
"Bakit naman di mo sila pinayagan?" Medyo inis na tanong ko kay Scott nang makapasok kami sa pet shop. Sayang naman, nag-offer na si Ace oh!
Tinignan ako nito. "Kaya ko naman na," he just said coldly.
Inirapan ko lang sya at nagtingin-tingin na.
Nawala ang inis ko nang makakita ng iba't ibang cute na creatures na hindi ko mawari.
"Ang cute naman!" gigil na sabi ko doon sa parang ibon pero may paa ng pusa.
Pero napahinto ako sa paglapit nang biglang magsalita si Scott sa tabi ko.
"Huwag kang lumapit masyado. Baka makagat ka." Nagtaka ako kung bakit ito ang nasa tabi ko ngayon. Nasan ang gagang Clara na yon? She's nowhere to be found!
"Ibon? Nangangagat?!" Natatawang sabi ko.
"AY LOLO MONG PANOT!!" Napasigaw ako nang bigla itong tumahol at naglabas ng mga pangil. Binabawi ko na! Hindi sya cute!
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng ubo sa tabi ko.
"Ehem," doon ko lang narealize kung gaano kadikit ang katawan naming dalawa. Hutangina! Nakakapit pa ko sa robe nya.
Agad naman akong lumayo. "Sorry. Scared lang."
Naglibot-libot pa kami. Sobrang dami at weird na mga creatures dito shet. Pero sa huli, isang creature lang ang kumuka ng atensyon ko. Para itong pusa na raccoon na cub.
"Ang cute. Gusto ko nito," nilingon ko si Scott. Para akong batang nagpapabili ng laruan sa nanay nya.
Tinignan nya lang ako ng parang 'seryoso ka ba?'-look.
"Huwag na yan. Iba na lang. Pumili ka nung natuturuan na kaya kang protektahan."
"Ihhh, kailangan ba yon? Dali na!" Pagpupumilit ko.
"Palamunin lang yan. Yun na lang. Natuturuan naman yon." Suhestion nya sabay turo doon sa parang ibon na tumahol kanina.
Nanlaki ang mga mata ko. "Yuck. No!" Sorry for calling that creature 'yuck' pero kasi-- gets nyo naman.
After some time of debating ay napilit ko rin syang bilhin ang isang Jieza. Yun pala ang tawag nila dito. Kung may counterpart ito sa atin, asong askal/aspin. Ganon kacommon ito sa mundong 'to.
Kinuha ko na yung cage na pinaglalagyan ng Jieza at masaya ko itong dinala sa counter para bayaran. Tahimik lang naman na nakasunod si Scott sa akin.
"Bakit iyan ang napili ng Outlander?" Nakangiting tanong ni manong sa akin.
Napatingin tuloy ulit ako sa Jieza.
Napangiti na lang ako nang makita kong nakatingin din ito sa akin na tila ba sinusuri ako.
"Feeling ko po may koneksyon eh," natatawang sabi ko kay manong.
After magbayad ni Scott at makapagpasalamat kay manong ay nilisan na rin namin ang pet shop na 'yon.
Nakasalubong namin ni Clara nang makalabas kami. Pinagtawanan nya pa ko nang makita na isang Jieza ang bitbit ko pero hindi ko na lang ito pinansin.
Napagdesisyunan na naming umuwi nang papalubog na ang araw.
Masaya naman akong naglakad bitbit-bitbit si Bulak. Tinanggal ko na sya sa kulungan nya. Oo! Bulak pinangalan ko. Bakit ba? Parang bulak yung balahibo nya eh. Plus, miss ko na rin ang Bulacan huehue.
Natapos ang araw na iyon nang nakangiti ako. Buong buhay ko ngayon lang ata ako naging ganon kasaya.
Salamat kay Clara na walang sawa sa pagdaldal sa akin buong tour ko dito. Syempre kay Scott din na nagsponsor nang walang angal sa lahat ng pinabili namin.
Natulog ako nang gabing yon habang yakap-yakap si Bulak sa tabi ko.