Minabuti ni Attorney Sanchez na sa mismong sa opisina na niya babasahin ang Will and Testament ni Jovito Dy. Kaya naman kinontak niya ang mga nakalagay sa testamento. Bukod kay Lalaine na anak ni Jovito, naroon din ang mayordomang si Erna. Maging ang tagapangasiwa ng bahay ampunan na si Santa. "May hinihintay pa ba tayo, attorney?" tanong ni Lalaine na katabi sa upuan si Nanay Erna. Halos sabay-sabay dumating ang mga ito maliban lamang sa isa. "May hinihintay pa tayo, hija. Don't worry, parating na rin siya," sagot naman ni Attorney na ngayon ay prenteng nakaupo sa kanyang upuan. Hawak niya ang dokumento. Ngunit lumipas na ang labin limang minuto na palugit na binigay niya kay Adrian ay hindi pa rin dumarating ang lalaki. Wala man itong subalit sa texr niya ay umasa siyang darating it

