Chapter 24

1839 Words

"Jusko, Lalaine! Anong ginagawa mo?" tanong ni Nanay Erna nang mabungaran siyang may hawak na gunting. Hubo't hubad siya ngayon na nakaharap sa salamin. Bakas ang takot sa mukha ng matanda na baka saktan niya ang sarili. "Akin na iyang gunting..." nanginig ang boses nitong nilapitan siya ngunit napatigil nang iangat niya ang gunting sa may leeg niya. "Anak!" sigaw nito nang gumalaw ang mga kamay niya. Hindi siya nagpatinag sa sigaw ni Nanay Erna. Sa isang iglap, bumagsak ang mahabang buhok na pinutol niya hanggang sa kalahati sa kanyang leeg. Ang pinakaiingatan niyang buhok ay tuluyang niyang pinutol. Hindi siya tumigil sa paggunting. "Lalaine..." Humarap siya sa matanda nang tuluyang maputol ang kanyang buhok at walang matirang mahaba. Ngumiti siya sa matanda ngunit hindi nagsalita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD