Mabilis silang sinalubong ng attending doctors nang makapasok na sila at natunton ang silid na pinadalhan sa matandang Dy. Nang magtama ang mga mata nila ng naturang doktor ay alam na ni Adrian, wala na ang matandang Dy dahil sa paggalaw ng ulo nito pakanan at pakaliwa. Hudyat na patay na nga ito. "I'm sorry...he was dead on arrival..." "Dad..." Halos mabuwal na si Lalaine kung hindi lamang niya ito hawak. She was shaking and really in shock. Biglang mamutla ito na tila nakakita ng multo. She was pale like paper. "Lalaine..." mahinang tawag niya rito. Hinarap niya ito at hinawakan sa balikat. Nagngitngit ang mga ngipin niya nang tumaas ang tingin nito sa kanya. Blanko ang ekspresyon nito. Hindi rin ito lumuluha gaya kanina. "Let's go..." yakag niya rito ngunit hindi ito nagpatinag sa

