Sa huling araw ng burol ng matandang Dy. Dumating ang mga namamahala sa bahay aminan upang makiramay. Unti-unti na ring nakakausap si Lalaine ngunit hindi pa rin maaalis dito ang pagkabalisa. Masakit ang mawalan ng ama, hindi niya basta-basta makakaya at hindi basta-basta siya makakapag-adjust sa sitwasyong hinaharap. Her father was her shield. Pader na laging nakabakod para hindi siya masaktan. Ngayong wala na ito, nagiba na iyon at hindi lamang si Adrian ang maaring manakit sa kanya. Nakakatakot Ang mundong hinaharap niya. Isa pang alalahanin ay kung sino na ngayon ang mamahala sa kanilang negosyo? Hindi pa siya graduate at iba ang kurso niya para mapamahalaan ang negosyo ng ama. Wala siyang kaalam-alam doon. Nakadagdag pa sa kanyang dinadalang problema na mag-isa na siya at walang pami

