"Wear this!"
Napaatras siya nang abutan siya ni Anika ng maiksing skirt at spaghetti strap top. Napangiwi pa siya dahil mababa ang neckline ng damit. Sigurado siyang kita ang hindi man kalakihang dibdib niya ay alam niyang sapat na upang makakuha ng atensiyon ng iba. Muli siyang napatingin kay Anika at napailing nang bahagya. Tinaasan siya ng kilay nito nang makita ang reaksiyon niya.
"Ayaw mo? Why?" tanong nito at napatingin sa hawak na damit.
Nakagat niya ang kanyang labi. Hindi makaapuhap ng sagot sa tanong ng kaibgan. Ito naman ang napangiwi at muling pinasadahan ng tingin ang closet.
"Mukha nga yatang hindi ka sanay sa mga damit na ganito," muling saad nito habang kinakalkal muli ang damitan. "Here, hindi daring at mahaba rin." Nakangiting itinaas nito ang isang black satin dress. Mahaba nga ang manggas nito at mukhang mahaba rin sa baba. "Pahiramin sana kita ng jeans kaya lang, mukhang mas payat ka sa akin kaya eto na lang. I'll wear dress too. Para parehas tayo."
Matipid siyang ngumiti. Nag-aatubili pa rin siya nang itulak na siya nito para magbihis sa banyo. Ayaw man niya ay napilitan siyang isuot iyon.
Halos gusto niyang palitan agad ang damit na iyon nang maisuot na niya. Hapit kasi sa katawan niya ang tela. Lagpas lang sa tuhod ang haba kaya pakiramdam niya ay hubad ang kanyang nga paa. Nasanay talaga siyang halos hanggang talampakan ang haba ng mga suot niyang palda.
"Ayoko nito," saad niya sa sarili. Huhubarin na sana niya iyon nang bumukas ang pinto at iluwa roon si Anika na walang atubiling pinasadahan siya nang tingin.
"Wow!" palatak nito na may ningning sa namimilog na mga mata. Halata ng paghanga roon samantalang halos segu-segundo kung hilain niya pababa ang tela na para bang hahaba iyon sa ginagawa niyang paghila. Pinigilan ni Anika ang mga kamay niya.
"Bakit mo itinatago ang ganitong ganda? Grabe! Maglalaway nito lalo si Allen!" palatak nito na lalong ikinapula ng kanyang mukha.
Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Hindi nga ba niya nagugustuhan ang nakikita? Ganito ang tipo ni Adrian, hindi ba? Baka mapansin na siya nito kapag nagkataong iyon ang suot niya. Baka sakaling tignan na siya nito na hindi galit ang mga mata at hindi laging iwas sa kanya. Kahit...tingin ng pagnanasa. Handa naman niyang ibigay ang sarili dito. Si Adrian lang naman ang gusto niya. Si Adrian lang ang tanging mahal niya.
"Doon ka sa labas, magbibihis muna ako bago kita ayusan," utos ni Anika.
Pinagtulakan siya nito palabas ng banyo. Wala siyang kagana-ganang naupo sa pang-isahang sofa. Nang tumambad sa kanya ang mga hitang may kaunting pilat mula sa mga sugat na nagawa niya sa sarili. Hindi naman marami iyon dahil may ipinapahid siya para kahit paano ay mawala ang bakas na gawa ng kanyang mga kuko.
Hinila niya ang suot na nalislis para takpan ang mga hita. Nasa ganoong ayos siya nang lumabas na si Anika. Namangha siya sa kagandahang tumambad sa kanya. Kung sa tingin nito ay maganda siya. Para sa kanya, isang diyosa ang nasa harap niya. Maganda, sexy at napakagaling magdala ng sarili. Halata sa lakad nito palapit sa kanya ang confidence sa sarili.
Nakasuot rin ng itim na dress si Anika. Iyon lang, mas maiksi ito at sleeveless ang suot. Hapit din sa hubog ng katawan kaya lalong nagpatingkayad sa kagandahan ng kaibigan.
Napahalakhak si Anika nang magtama ang kanilang nga mata. Hindi niya kasi maitago ang labis na paghanga rito.
"Paki-close ang bunganga Lalaine Marami pa namang insekto rito," saad nitong hinawakan ang kanyang baba at itinulak para itikom niya ang bibig na nakabuka. "Halika rito sa harap ng salamin, ayusan na kita," utos nito pagkatapos. Sumunod naman siya agad.
"I will be your fairy God mother, Cinderella!" palatak nito.
Inumpisahan nga siyang ayusan ni Anika. Ang buhok niya ay itinaas nito nang buo at hinayaang nito na may mga bumagsak na buhok sa gilid ng kanyang teynga. Ang make-up na ginawa nito sa mukha niya ay light lang. Nagustuhan naman niya ang ginawa nito pero noong akmang lalagyan na siya ng mapulang lipstick ay natakpan niya agad ang bibig.
Tumayo si Anika para harapin siya. Pinameywangan siya nito at nakataas pa ang kaliwang kilay habang nakatitig sa mukha niya.
"Lalaine, let me put some lipstick!"
Marahas siyang umiling. Pakiramdam niya magmumukha na siyang pokpok kapag nailagay iyon.
"It will enhance your beauty, friend. Ang pale ng kulay ng mukha mo. Hindi ko na nga kinapalan ang make-up dahil alam kong ayaw mo. Just this one!" pangungumbinsi nito sa kanya at pilit inaalis ang kamay niyang nakatakip sa sariling bibig. Nakipagmatigasan siya rito. Bahala nang hindi sila makadalo.
"Lalaine! Isa!" Minulagatan siya nito ng mga mata at nagbabanta ang mga tingin. Wala siyang nagawa kundi ang sumuko sa kaibigan.
Papasok pa lang sila sa garden area ng bahay nila Jeanne ay pinagtitinginan na sila ng mga taong naroon na at nagkakasiyahan. Masyado na silang late kaya napakarami na ng mga tao. Gaya nila, todo outfit din ang mga babae. Mas grabe pa manamit ang iba. Sa tingin niya, pa-sexy-han ang labanan.
Napakapit siya kay Anika dahil sa hindi niya mawaring tingin ng nadadaanan nila. Hinawakan naman siya nito sa kamay.
"Relax, nabibighani lang ang mga iyan sa iyo. Walk and talk naturally," payo ni Anika na lalong nagpakaba sa kanya. Hindi siya kailan man masasanay sa kakaibang atensiyon na ipinupukol sa kanya ngayon.
Hindi naman ito gaya ng dati na pinagtatawanan siya at halos kutyain sa kanyang itsura. Ibang-iba sila makatingin. Itinaas niyang muli ang kanyang makapal na salamin. Hindi ikinapanalo ni Anika ang pagtanggal ng kanyang salamin. Wala itong nagawa noong magpumilit siyang huwag na iyong pakialaman pa ng babae.
Maraming bumati kay Anika at masayang binati naman nito pabalik. Habang tinatapunan lamang siya ng kakaibang tingin at hindi magawang kausapin.
"Chin up! Huwag kang paapekto sa titig nila, naninibago lang ang mga iyan dahil ibang Lalaine ang kanilang nakikita," bulong nito at hinila na siya ni Anika sa isang kumpulan ng mga taong alam niyang estudyante sa kanilang paaralan. Kumpulan kung nasaan su Jeanne.
Hindi niya mapigilang makaramdam ng inggit.Naiinggit na naman siya kay Anika dahil kahit bago ito sa kanilang unibersidad ay agad itong naging kilala at tila halos lahat na ng mga estudyante ay ka-close nito. Mataas man o mababa ng taon sa kanila.
"Hi! Salamat sa pag-imbita!" sigaw nito at humalo na sa kumpulan. Nabitiwan rin siya nito dahil nakipagbeso-beso ito kila Jeanne. Halatang maayos na ang dalawa. Sa ilang araw niyang absent, marami na pala ang nangyari.
Nanatili siyang nakatayo sa likuran ng mga ito at minabuting tumahimik para hindi mapansin. Gusto niya rin sanang umatras na lamang at lumayo sa kumpulan. Ngunit bigla, may naramdaman siyang lumapit sa kanya.
"Buti naman at okay ka na?" Napapitlag siya nang may magsalita mula sa kanyang likod. Nang harapin niya ito, nakangiting si Allen ang kanyang nakita.
"Ah, e..."
"You look great!" muling saad nito at pinasadahan siya ng tingin. "Really great!" bulong nito na lumapit pa ang mukha sa kanya.
Pinamulahan siya ng mukha dahil sa lantaran ang pagpapakita nito ng paghanga sa kanya. Bagay na lagi niyang iniignora dahil kilala niya ito bilang babaero. Alam niyang isa lamang taktika ang mga kunwaring paghanga nito sa kanya. At dahil doon, gusto niyang sundin si Adrian, ang layuan si Allen.
Alam niyang gagawin lamang siyang pampalipas oras ng lalaki. Katulad ng ginagawa nilang magkaibigan sa mga babaeng nais paglaruan. Hindi niya kailanman papaniwalaan ang sinabi ni Anika. Malabong mangyaring gusto talaga siya ni Allen.
"Look who's with me!" Narinig niyang anunsiyo ni Anika. Mula sa kumpulan ay hinanap siya nito at hinila palapit sa mga kausap.
Nanlalaki ang mga mata nina Jeanne nang mapagsino siya. Hindi nga ito nakapagsalita agad. Pinasadahan lamang siya ng tingin nang paulit-ulit. Hanggang sa ang tingin ay nanatili sa kanyang mukha. Hanggang sa nakangising lumapit ito sa kanya.
"Nadamitan ka
lang, hindi pa rin naman nagbago ang pangit na mukha!" palatak na bulong nito pero rinig pa rin ng iba na siyang ikinatawa ng mga ito.
"Stop that!" asik naman ni Allen sa mga kasamahan dahilan upang tumigil ang mga ito sa pagtawa. Ngunit hindi naalis sa mga ito ang kakaibang ngisi.
Nakuyumos ni Lalaine ang gilid ng kanyang damit. Napatanong tuloy siya sa sarili kung bakit napasama pa siya kay Anika? Insulto rin lang naman pala ang mapapala niya roon. Akala niya, mababago ng itsura niya ngayon ang pananaw ng iba sa kanya.
Nag-aalala ang mga mata ni Anika nang lingunin niya ito. Nagtatanong kung ayos lang ba siya. Ayos nga lamang ba? Sa totoo lang ay hindi, pero pinilit niyang ngumiti na parang wala lang ang narinig. Sanay na siya dapat, 'di ba?
"Are you okay?" tanong ni Allen nang tumayo ito sa harap niya. Napatingala siya rito. Ngumiti rin na parang wala lang. Na kahit sa kanyang kalooban ay napanghihinaan na siya ng loob at nasasaktan.
Magsasalita sana siya nang magulat siya dahil may pumulupot na kamay sa kanyang beywang. Agad siyang napatingin sa may-ari noon.
"Why you're here?" bulong ni Adrian at lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang beywang. Halata ang iritasyon sa boses nito. Tila galit na naroon siya.
"Adrian!" tawag ni Anika kaya bumitiw si Adrian kay Lalaine "Ako ang nagdala kay Lalaine dito."
Nagdilim ang paningin ni Adrian pero hindi niya ipinahalata. Bumati siya sa mga naroon. Wala naman talaga siyang balak dumalo, pero nang tawagan siya ng matandang Cua at sinabing dumalo nga si Lalaine sa isang party kasama ang kaibigan at pinapasunod siya ay kumulo ang kanyang dugo sa galit. Hindi na nagtanda ang babae na laging napapahiya. At talagang doon pa dumalo. Sa party na alangan dito.
"Adrian! Akala ko hindi ka dadalo?" singit ni Allen na seryoso at nawala na ang ngiti sa labi. "Mukhang, pagod ka? You can go and rest. Ako na ang bahala sa kanila..."
"I will take them home..."
Hinawakan niyang muli si Lalaine sa kamay. Pero agad siyang pinigilan ni Allen. May ngisi sa labi pero halata ang dilim ng mukha nito.
"Let her enjoy the night, Adi. Sayang naman ang effort na baguhin ang sarili niya para lamang umuwi agad..."
Ramdam ni Lalaine ang paghigpit nang pagkakahawak ni Adrian sa kanyang kamay na tila ba doon nito ibinubuhos ang tensiyon na namamagitan sa kanila ni Allen. Kakaiba ang kinikilos ng dalawa sa harapan niya. Sa harapan ng ibang naroon.
"Hey! Let's party! Huwag niying sayangin ang gabi sa walang kuwentang bagay!" palatak ni Jeanne na lumapit sa kanila at sinadyang sa gitna nila ni Adrian pumuwesto. Nabitiwan tuloy siya ni Adrian. "Adi, you mqy need a drink. Kontra sa pagod mo sa trabaho," malandi nitong saad kay Adrian.
Yamot na napatingin si Adrian sa babae. Wala siya sa mood makipaglaro dito ngayon. Tama ang mga ito. Pagod siya.
"I want to talk to you, bro," muling saad ni Allen kay Adrian. "Importante," dagdag nitong nagpatiuna na.
Pasimple niyang iwinaksi ang kamay na hawak ni Jeanne para sundan si Allen. Pero bago niya gawin iyon ay muli niyang binalingan si Lalaine na ngayon ay kasama na ni Anika.
"Stay here!" utos ni Adrian na nakatingin ng seryoso kay Lalaine. Tumango na lamang siya. Hindi niya magawang magsalita.
Pinanood niya ang likod ni Adrian habang papalayo at sinusundan si Allen. Ano man ang pag-uusapan ng mga ito ay alam niyang wala naman iyon kinalaman sa kanya.