Nagpupuyos sa galit si Adrian nang hindi makita si Lalaine sa party. Halos mabali na ang kanyang leeg sa kakalinga para mahanap lang ang babae. Wala na talaga ito. Hindi nakinig na hintayin siya. "Adi, baka umuwi na," ika ni Anika na humaplos pa ang palad sa kanyang braso. Halatang lasing na rin talaga ang babae. Napabuntong hininga siya. "I told you, hindi tayo puwedeng magtagal kanina!" iritadong saad niya rito. Nang papunta na siya kay Lalaine ay hinarang siya nito. "Alam mo naman na..." "Mauna na ako," putol niya sa sinasabi nito. Mabilis siyang naglakad pero mabilis rin siyang nasundan ni Anika. "Adi, iyong nangyari kanina..." Nagtiim bagang siya at nagngitngit ang mga ngipin. "Forget it!" asik niya at muling umiwas dito. Mabilis siyang sumakay sa kanyang sasakyan at pinaharuru

