Three

4450 Words
TWO weeks. Dalawang linggo na lang at exhibit subalit hanggang ngayon ay bigo pa rin si Christine na makahanap ng subject para sa nude painting niya. Salungat sa sinabi ni Imee, hindi pumayag ang kaklase nito na maging subject ng painting niya. Kahit ang mga kaibigan ni Evan sa APO ay tinanong na rin nila, subalit wala siyang napapayag ni isa man sa mga ito. And now, she was left with no choice but to come back to Adam! Hindi niya gustong kainin ang kanyang mga sinabi subalit wala na siyang ibang pagpipilian. Hindi niya kayang magkaroon ng bagsak na grades sa finals. Si Adam na lang ang pag-asa niya. Come on, Christine… Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya pagdating sa tapat ng indoor pool. “Uh, Manong Guard, may practice po ba ngayon ang swimming team?” “Oo.” Bahagyang nagtagal ang tingin nito sa kanya. “Ikaw iyong girlfriend ni Adam, di ba?” “Uhm, ano po…” Gusto niyang itama ang sinabi nito subalit kapag ginawa niya iyon ay baka hindi siya makapasok sa loob. Sa huli ay ngumiti na lang siya. “Sige, pasok ka na sa loob—O, tapos na pala ang practice, eh.” Natanawan niya ang pamilyar na bulto ni Adam. Kasama nito ang dalawang lalaki na naabutan niya noong una niyang puntahan si Adam. Pare-parehong may nakasabit na gym bag sa balikat ng mga ito. Nag-uusap ang mga ito habang si Adam ay pinaglalaruan ang hawak na mansanas sa isang kamay. Hindi napigilan ni Christine na pasadahan ng tingin ang lalaki. He was wearing a black jeans and a white v-neck shirt. Pagbalik niya ng tingin sa mukha nito ay saktong bumaling sa direksiyon niya ang binata. Nagtama ang mga mata nila. Awtomatikong nagwala ang puso niya. Lalo pang naghuramentado iyon nang bigyan siya ng lalaki ng isang malapad na ngiti. Relax...heart! Binalingan nito ang dalawang kasama bago lumapit sa kanya. Dumiretso palabas ang dalawang lalaki habang si Adam ay huminto sa harap niya. Ngayong kaharap niya ang lalaki ay napansin niyang bagong ligo ito. Basa pa nga ang buhok nito. Bukod sa napakaguwapo ay napakabango rin nito. His scent lingered on her nose. Pasimpleng kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling singhutin ang mabangong amoy nito. “Adam, uhm…” Hindi niya napaghandaan kung paano babatiin ang lalaki. Would she say hi? “Christine,” he greeted her with that suave voice of his. “Kanina ka pa?” Umiling siya. “Kadarating ko lang. Uhm, puwede ba tayong mag-usap?” “Hmm. Tungkol saan?” Bahagyang umangat ang mga kilay nito, subalit sa kabila niyon, nanatiling nakangiti ang mga mata nito. Sasagot na sana siya nang may babaeng lumapit kay Adam. “Adam!” malambing na bati ng babae kay Adam sabay hawak sa braso ng lalaki. “Finally, naabutan din kita!” “Ysa,” bati ni Adam sa babae. “I'll have my party this Saturday,” malambing na wika ng babae kay Adam. Inabot nito ang isang card sa lalaki. Pumunta ka, ha?” Ngumiti si Adam sa babae. “Sure. I'll go If I'm not busy.” Hindi niya napigilang pagmasdan si Adam habang kausap nito ang babaeng lumapit dito. Her assumption was right. Adam was a player. Walang duda. Sigurado na ba talaga siya na papayag siya sa kasunduang gusto ni Adam? Hindi ka na puwedeng umatras, Christine! Pag-alis ng babae ay ibinalik ni Adam ang tingin sa kanya. “I'm sorry for that,” wika nito sa kanya. “Okay lang.” “So… ano nga iyong gusto mong sabihin sa 'kin?” “Ano…” Nilunok niya ang bikig na bumara sa lalamunan. “Pumapayag na ako sa lahat ng kondisyong sinabi mo.” “Pumapayag ka nang magpahalik sa 'kin?” Awtomatikong namula ang mukha niya. Kailangan pa ba talaga nitong sabihin ang bagay na iyon? “O-oo.” Lumapad ang ngiti sa mga labi nito. Tila pa nga kumislap ang abuhing mga mata nito. “So, can I ask for an advance payment?” Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. “I’m just kidding.” He chuckled and winked at her. “So, it's a deal, then?” Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. “Deal.” Tinanggap niya ang kamay ng lalaki. Muli niyang naramdaman ang paggapang ng maliit na boltahe ng kuryente nang magdaop ang mga palad nila. Sinubukan niyang bawiin ang kamay subalit hindi siya pinakawalan ni Adam. Nagtatakang sinalubong niya ang mga mata ng lalaki. “Wala ka na bang gagawin ngayon?” nakangiting tanong nito sa kanya. “Wala na.” “Good,” tila nasisiyahang sagot nito. “Wala na rin akong gagawin. Why don't we spend this free time together to get to know each other?” “Ha?” Was he asking her to go out with him? “Kailangan pa ba iyon?” “Oo naman. Mas maganda na kilalanin natin ang isa't-isa para wala na tayong ilangan kapag nagsimula na tayo sa project mo.” Umangat ang isang sulok ng labi nito. “Remember, you are going to paint me on my birthday suit.” Muling nag-init ang mukha niya nang marinig ang salitang ‘birthday suit’. Bumalik sa isip niya nang mga sandaling iyon ang walang saplot na imahe ni Adam. “O-okay...” “CIVIL engineering. Fourth year,” wika ni Adam kay Chris habang diretsong nakatingin sa kanya. “Fine Arts major in painting. Third year.” sagot niya sa lalaki. Magkaharap sila sa isang mesang pabilog sa isang pizza house sa loob ng isang mall malapit sa campus. Kumagat si Adam sa hawak nitong isang slice ng pizza bago nagpatuloy. “Birthday?” “August twenty-nine.” “Hmm, the virgin…” “H-ha?” Namula ang mukha niya sa narinig. Ano raw? His lips curved up in a lopsided grin. “Your zodiac sign's Virgo. The virgin.” “Uh, right…” Nag-iinit ang pisnging ngumiti siya rito. My goodness! Zodiac sign lang pala. Akala niya ay kung ano na. “Mine's Sagittarius, the archer.” wika nito. “I was born on December twenty.” Tumango siya bago kumagat sa hawak na slice ng pizza. Pilit niyang itinatago ang nararamdamang pagkailang. Naiilang siya sa guwapong mukha ng lalaki. Naiilang siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Adam's eyes were deep and penatrating. Sa tuwing sinasalubong niya ang mga mata nito ay…bumibilis ang t***k ng puso niya. Pero sa kabila ng matinding pagkailang na nararamdaman niya sa harap ni Adam, hindi niya maikaila na interesado siyang makilala ang lalaki. “What's your favorite color?” he asked. “Brown...” wala sa loob na sagot niya habang nakatingin sa mga mata ng lalaki. “Brown? Really?” Bakit ba kasi brown ang sinabi mo, Chris? Eh, blue ang favorite color mo? Tumikhim siya. “Oo, bakit? Anong problema sa brown?” “Nothing. I just find it odd.” Umangat ang sulok ng mga labi nito. “Ikaw?” “I really don’t have a particular favorite color. It changes depending on my mood. Right now, my favorite color is the color of your lips.” Mula sa mga mata niya ay lumipat ang tingin nito… sa mga labi niya. Muntik na siyang mahulog sa inuupuan sa sinabi ng lalaki. Napaawang ang mga labi niya. Kasabay niyon ay paghuhuramentado ng dibdib niya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang sinabing iyon ni Adam. Ilang segundo itong nakatitig sa mga labi niya bago nito ibinalik ang tingin sa mga mata niya. “What's your favorite food?” Muli siyang lumunok para kalmahin ang nagwawalang sistema. “Pepperoni pizza.” Ngumiti siya at bahagyang itinaas ang hawak na slice ng pizza. “Mine’s roasted chicken.” “Marami ka nang nude painting na nagawa?” Natigilan siya sa akmang pagkagat ng pizza sa tanong ng lalaki. “Actually... first time kong gagawa ng nude painting,” pag-amin niya rito. “So, I'll be your first?” “Yeah.” “Wow. I feel honored.” Nag-init ang pisngi niya sa sinabi ng lalaki. “Now, I can’t wait for our session to start.” He winked at her. Pakiramdam niya ay may kung anong nabuhay sa tiyan niya nang kindatan siya ng lalaki. Darn. Adam Saavedra was really a shameless flirt. And you shouldn't flirt with him, paalala sa kanya ng isang bahagi ng utak niya. Kahit aminado siyang crush niya ang lalaki, hindi siya dapat magpadala sa kaguwapuhan at pambobola nito. Sa huli, siguradong siya ang talo. Kapag nahulog siya sa lalaki, para na rin siyang nahulog mula sampung palapag na building na walang safety net. Tumikhim siya. “Can I ask you a favor?” “What favor?” “Stop flirting with me.” Bahagya itong natigilan subalit mabilis ding bumalik ang dating ekpresyon ng mukha nito. “Why?” “Because I'm not like any others girl. I won't fall into your charms...” pagsisinungaling niya sa lalaki. Of course, kahit ang totoo ay crush niya ang lalaki, kailangan niyang ipakita rito na wala siyang ni-katiting na interes dito. “Really?” “Fine. Guwapo ka, matangkad, maganda ang katawan. But you're a playboy...” “And how did you know I’m a playboy?” “Because I know one when I see one,” sagot niya. “At hindi ka lang playboy, pa-fall ka pa.” “Pa-fall?” tila naaaliw na gagad nito. “Yes. Pa-fall. Iyan ang tawag sa mga lalaking magaling lang manlandi, magaling lang mambola. Pero kapag nahulog na sa inyo ang mga babae, wala kayong balak saluhin. In short, mga pa-fall.” Not all playboys are ‘pa-fall’. Pero kapag ang isang lalaki, playboy na at pa-fall pa? Naku, diyan dapat pinakamag-ingat. They’re the deadliest. “So, spare me because I tell you, wala akong balak ma-fall sa 'yo.” The least thing she wanted to do with her life is to fall in love with a player like Adam. Ngayon pa lang ay sinigurado na niyang nakakadena na ang puso niya. “Hmm.” Umangat ang sulok ng labi nito. “We'll see about that...” Muli itong kumagat ng pizza. “s**t!” Nabigla siya nang magmura ang lalaki. Sa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. He suddenly looked troubled. “Adam…?” nagtatakang untag niya sa lalaki. “Did you see that girl in the counter, Chris? The one with the red dress?” Sinundan niya ng tingin ang mga mata ng lalaki. Nakita niya ang tinutukoy ni Adam. Isang matangkad na babaeng naka-red dress ang pumasok sa loob ng pizza house. “She's my stalker.” Nakaawang ang mga labing ibinalik niya ang tingin kay Adam. “May stalker ka?” Bumuntong-hininga ito. “Downside of having this face.” He looked apologetic as he looked at her. “I'm sorry, Chris. But I'm afraid we have to go now…” Hinintay nilang makapuwesto ang ‘stalker’ nito sa isang mesa bago sila tumayo ng lalaki. Subalit bago pa sila makalabas ng restaurant ay may humabol na sa kanila. Hindi ang babaeng sinasabi ni Adam na stalker nito kundi ang waiter ng restaurant. “Sir, iyong bill niyo po.” Nagkatinginan sila ni Adam. Nag-init ang mukha niya sa hiya habang si Adam ay mahinang napamura. Bago pa niya makuha ang wallet sa shoulder bag ay nailabas na ni Adam ang wallet nito mula sa bulsa ng pantalon. He handed the waiter a couple of blue bills. “Keep the change.” “Adam!” Isang matinis na boses ng babae ang umalingawngaw sa loob ng pizza parlor. “Damn!” Bago pa makalapit sa kanila ang stalker ni Adam ay kinuha na ng binata ang kamay niya at hinila siya palabas ng restaurant. “S-saan tayo pupunta?” nabibiglang tanong niya sa lalaki. Ibinaba niya ang tingin sa kamay niyang hawak ng binata. He was holding her hand tightly. Tumatagos ang mainit na palad nito sa balat niya. She could feel the small amount of electricity traveling her veins. “Away from that girl.” Lumingon sa kanya si Adam. Diretso siya nitong tiningnan sa mga mata. “In the count of three, we're gonna run, okay?” “Chris…” Natagpuan niya ang sariling tumatango habang nakatingin sa abuhing mga mata ng lalaki. “Okay…” “One, two, three…run!” Magkahawak ang kamay na tumakbo sila ni Adam papunta sa escalator. Pagdating sa third floor ng mall ay lumingon siya sa baba. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang pasakay na rin ng escalator ang babae. Muli silang tumakbo ng lalaki. “Teka, Adam,” pigil niya rito nang may maalala. Huminto ito at lumingon sa kanya. “Okay ka lang, Chris?” Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Tumango siya. “Nakalimutan ko iyong share ko sa bill natin kanina.” “I don't let a girl pay for me, Chris.” Bahagya siyang ngumuso. “Paano iyan? I don't let a guy pay for me, too.” Umangat ang isang sulok ng mga labi nito. “Next time, I'll let you pay for the both of us. Sounds fair?” “May next time pa…?” “I'll make sure there'll be a next time.” Kumindat ito bago siya muling hinila. Tila may mga nabuhay na paru-paro sa tiyan niya sa kindat na iyon ni Adam. Hinahabol na nga sila ng stalker nito ay nakuha pa nitong kumindat sa kanya ng ganoon. “Teka…Adam.” Natigilan siya nang matanggal ang suot na doll shoes sa kaliwang paa. Muli siyang nilingon ni Adam. “Hmm?” “Iyong sapatos ko!” Nagmamadali niyang isinuot na ang nahubad na sapatos. “Adam!” Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang siyang binuhat ni Adam. Bridal-style. Lalong nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. “A-adam—” Bago pa siya tuluyang makapag-react ay ipinasok na siya ng lalaki sa department store ng mall. Dumiretso ito sa fitting room. Pagdating sa loob ng maliit na silid ay saka lang siya ibinaba ng lalaki. “Damn, Bridget!” Pagkatapos nitong magpakawala ng malalim na buntong-hininga ay bumaling ito sa kanya. “Chris, okay ka lang?” Lumambot ang boses nito pagdating sa kanya. Tumango siya bago nagpakawala ng malalim na hininga. “Okay lang ako...” Medyo hiningal lang siya ng konti sa biglaang pagtakbo nila. “Paano mo ba naging stalker ang babaeng iyon?” “She's one of flings before.” “Fling?” Bahagyang umangat ang kilay niya. “Hindi girlfriend?” “I…I don't do girlfriend, Chris.” “Oh.” Napatango na lang siya. “Halata nga sa ‘yo. So, ano’ng nangyari? Bakit naging stalker mo siya?” “Hindi niya matanggap na tapos na kami kaya hinabol-habol niya ako ngayon.” “Kasalanan mo naman pala.” Umangat ang kilay nito. “Kasalanan ko na ganito ako kaguwapo?” “Hindi ka rin naman mayabang, ano?” natatawang wika niya rito. She hated conceited guys. Subalit hindi niya maintindihan kung bakit wala siyang maramdamang inis sa kayabangan ng lalaki. Instead, she finds him conceitedly charming. Siguro’y dahil alam niyang may karapatan naman kasi talaga itong magyabang. Sa halip na sumagot ay nanatiling nakatingin sa kanya ang lalaki. “Lalo ka palang gumaganda kapag tumatawa ka,” nakangiting wika nito sa kanya. Darn. Muntik nang malaglag ang panga niya sa sinabi ni Adam. Sa isang iglap, naghuramentado ang dibdib niya. Her heart was beating so loud and fast. At alam niyang hindi iyon dahil sa naging pagtakbo niya. Tumikhim siya. Pilit niyang itinago ang epekto ni Adam sa sistema niya. “Huwag mo akong bolahin, Adam. Hindi tatalab sa 'kin iyan.” “Huwag kang mag-alala, hindi naman kita binobola.” Lalo pang bumilis ang t***k ng puso niya sa sagot nito. Idagdag pang kung makatingin ito sa kanya ay tagos hanggang sa kaloob-looban niya. Nanlaki ang mga mata niya nang hubarin nito ang puting t-shirt na suot. “Adam, a-anong gagawin mo?” naeeskandalong tanong niya sa lalaki. Napalunok siya nang tumambad sa kanya ang katawan nito. Gusto niyang mag-iwas ng tingin subalit hindi niya magawang alisin ang mga mata mula roon. “Adam…” Nagwala ang dibdib niya nang lumapit pa sa kanya ang binata. “Bakit ka—” Nabitin sa ere ang sasabihin niya nang idampi nito ang hawak na damit sa noo niya. “Sorry, wala kasi akong panyo.” Napakurap-kurap na lamang siya habang masuyo nitong pinupunasan ng t-shirt nito ang pawis sa noo niya. “I'm sorry, Chris…” he softly said while wiping the sweat off her forehead. “It's fine... Adam.” Sinubukan niyang ngumiti sa kabila ng naghuhuramentadong dibdib. Dalawang dangkal lang yata ang layo nila mula sa isa’t-isa. Natatakot siyang baka marinig nito ang malakas na t***k ng puso niya. Napatalon siya sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng dressing room. “Ay!” Bumungad sa kanila ang saleslady na nanlalaki ang mga mata. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at sa h***d barong si Adam. “Sir...ma'am, bawal po iyan dito.” “WELCOME to my unit,” wika ni Chris kay Adam. Ngayon ang unang araw ng 'session' nila ng binata. Pinasadahan nito ng tingin ang condo niya. Nagtagal ang mga mata nito sa mga kuwadrong nakasabit sa dingding ng unit niya. “Are these your works?” Nilapitan nito ang pinakamalaking painting na naka-display sa sala. “No. It was my mother's.” Lahat ng painting na naka-display sa unit niya ay obra ng kanyang ina. “Uhm, may gusto ka bang kainin? O inimun? Juice, iced tea, cofee?” “Ikaw.” Bumaling sa kanya si Adam. “Ha?” “Ikaw sana ang gusto ko, eh.” Muntik nang malaglag ang panga niya sa narinig. “I'm just kidding,” nakangising kumindat ito sa kanya. “Water's fine with me.” “S-sigurado ka? Tubig lang?” “Yup. Water's fine with me.” Iniwan niya sandali ang binata para kumuha ng tubig sa kusina. Pagbalik niya ay naabutan niyang nakaupo sa sofa ang binata. “Thank you.” Dinala nito ang baso ng tubig sa mga labi nito. Hindi niya napigilang pagmasdan si Adam sa pag-inom. He couldn’t take her yes off him. Especially from his adam's apple that was moving up and down. Darn! Bakit kahit simpleng pag-inom ng tubig ay 'hot' pa ring tingnan si Adam? Natauhan siya nang ibaba nito ang baso sa coffee table at ibaling ang tingin sa kanya. One corner of his lips was tugged up in a kind of mischievous smile. Tumikhim siya at mabilis na ibinaling ang tingin. Darn. Kahit hindi niya nakikita ang sarili sa salamin, alam niyang namumula ang mukha niya. Titingin ka na nga lang, magpapahuli ka pa. “U-uhm, I'll show you my workroom.” Binuksan niya ang pinto ng silid at pinapasok si Adam. Iginila nito ang mga mata. Nilapitan nito ang mga painting niya sa isang bahagi ng silid. “I’m guessing these are your works?” lingon sa kanya ni Adam. “Uh, yes.” “They're beautiful…” he said in awe. She could see genuine admiration in his eyes. Hindi niya maintindihan kung bakit tila may mainit na palad na humaplos sa puso niya. Hindi iyon ang unang beses na pinuri ang kakayahan niya sa pagpipinta subalit hindi niya alam kung bakit ganoon ang epekto ng puri ni Adam sa kanya. “Thank you…” Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi. “So, let's start now?” “Ha? Ah, yes!” Inayos niya ang gagamitin sa pagpipinta. Natigilan siya sa pagkuha ng gagamiting canvas nang biglang hubarin ni Adam ang suot na t-shirt. Halos higitin niya ang hininga nang muling tumambad sa harap niya ang katawan ng lalaki. Damn. His body was really like of a greek god. Dalawang beses na niyang nakita ang h***d na katawan ni Adam subalit hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang epekto niyon sa kanya. Remember Chris, puwede humanga, puwede maglaway, pero bawal ma-in love. “Where would I put this?” tanong sa kanya ni Adam habang hawak ang hinubad na t-shirt. “Ha? Akin na.” Kinuha niya ang damit nito. Bago pa niya maamoy iyon ay ipinatong na niya iyon sa bakanteng silya sa tabi niya. “Teka, teka!” Nanlalaki ang mga matang wika niya kay Adam nang makita niyang ibinababa nito ang zipper ng suot na pantalon. “Ano’ng ginagawa mo?” “Taking off my pants?” kaswal na sagot nito. “Teka, teka!” Natatarantang itinaas niya ang isang kamay para pigilan ang lalaki. “Don't take off your pants yet!” Ngayon pa lang ay nag-iinit na ang mukha niya. Paano pa kaya kapag naghubad pa ito ng pantalon? She didn't think she was ready to see him n***d again. “Why?” “Basta! Huwag kang maghuhubad ng pantalon!” “Why, naiilang ka?” Umangat ang kilay nito. “But you already seen me n***d?” Ngayon, ang isang sulok ng mga labi naman nito ang umangat. “You don't have to take all your clothes now. Iyong upper body mo lang ang ipipinta ko ngayon.” “Sigurado ka?” He was directly looking at her while he was holding his pant's zipper. “You don't want me n***d now?” His voice suddenly turned husky. Napalunok siya. Inaakit ba siya ni Adam? Ang tanong, naaakit ka ba? Yes… N-no! Itinaas niya ang kilay at nagpanggap na hindi apektado ng nanunuot na tingin nito. “No.” “Ooohkay.” Nagkibit-balikat ito at isinara ang zipper ng pantalon. “So, how would I pose?” “Turn your back on me. I want a full view of your tattoo.” “So, you won't paint my face?” Lumapit siya rito para ituro rito ang puwestong gusto niya. Pagkatapos niyang patalikurin ang lalaki ay bahagya niya itong pinalingon paharap sa kanya. “I will only paint a portion of your face.” “So, you won’t paint my… thing?” nakaangat ang isang sulok na tanong nito. “No! Of course not,” namumula ang mukhang sagot niya. “Akala ko ba nude painting ang gagawin mo?” “Kapag sinabing nude painting, hindi naman necessarily kailangang ipinta ang private parts ng subject. The subject only needs to be naked.” “Sayang.” Pumalatak ito na tila dismayado sa narinig. “B-bakit?” Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. “G-gusto mong i-paint ko iyang…ano mo?” “Of course. It would be a pleasure for me,” nakangising sagot nito. “Sinong tatanggi sa magaling na painter na tulad mo?” “Don't praise me too much. Baka mamaya ma-dissappoint ka sa kalabasan ng painting na ito.” “I don't think so. I trust you, Chris.” He gently smiled at her. Darn. Tila may mainit na pakiramdam na bumalot sa puso niya nang mga sandaling iyon. She couldn’t help but answer his smile. “Sabihin mo lang sa 'kin kapag nangangalay ka na.” Pumuwesto siya sa likod ng canvas. “Okay.” Inihanda niya ang mga painting materials na gagamitin bago nagsimulang magpinta. She started with the back of his head, his nape, then the portion of his face. Habang ipininpita ang isang parte ng mukha ng lalaki ay lalo niyang napagtuunan ng pansin kung gaano kaperpekto ang bawat parte niyon. Bahagya niyang nakagat ang ibabang labi nang bumaba ang mga mata niya sa balikat nito. He’s really got a body of an athlete. Kahit hindi diretsong nakatingin sa kanya si Adam dahil sa posisyon nito, pakiramdam niya ay kitang kita pa rin nito kung paano niya pagnasaan ang katawan nito. Hindi ko siya pinagnanasaan, ah. Sige lang. Deny pa more, Christine. Kahit anong pilit niyang sabihin na hindi niya dapat tingnan ng may pagnanasa ang katawan ni Adam ay hindi niya magawa. Oo, inaamin na niya na pinagnanasahan niya ang katawan ni Adam. Kahit naman isa siyang artist ay babae pa rin siya. Kahit sinong babae ay maaakit sa ganito kaperpektong katawan. “Chris…” She was almost finished putting his tattoo on her canvas when she heard him spoke. Tumingin siya rito. “What?” Itinuro nito ang wall clock na nakasabit sa dingding ng workroom niya. Si Imee ang naglagay ng orasan doon. Tuwing nagpipinta daw kasi siya ay lagi niyang nakakalimutan ang oras. “One hour’s over.” Tulad na lamang ngayon, hindi niya namalayan na isang oras na pala ang lumipas. “Oh…” Ibinaba niya ang palette at paintbrush sa bakanteng stool sa tabi niya. Habang inililigpit niya ang gamit ay lumapit sa kanya si Adam. “Can I see your work?” Bago pa nito makita ay tinakpan na niya ng tela ang canvas. “Sorry, saka ko lang pwedeng ipakita kapag tapos na.” Nagkibit-balikat ito bago ngumiti. “Okay. I won’t press anymore.” Mula sa tinakpan niyang canvas ay diretso nitong ibinaling ang tingin sa kanya. “So…Are you ready for my payment?” His eyes moved its way to her lips. “H-ha?” “The payment, Chris.” Ibinalik nito ang tingin sa mga mata niya. His lips might be smiling but his eyes were seriously intense. Pakiramdam niya ay may unti-unting natutunaw sa kanya sa klase ng tinging ibinibigay sa kanya ng lalaki. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya masalubong ang mga mata nito kaya ibinaba niya ang tingin. Subalit lalo lang naghuramentado ang dibdib niya nang tumama ang mga mata niya ang katawan ng binata. “T-teka...” Napalunok siya. “Puwedeng magbihis ka muna?” Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. “Alam mo na…baka magkasakit ka.” Bago pa ito makasagot ay nagmamadali na siyang lumabas ng silid. Napahawak siya sa kumakabog na dibdib. What would I do first? “Relax, Chris,” wika niya sa sarili. “Relax, it's just a kiss.” Right. “Adam!” Muntik na siyang mapatalon nang bumukas ang pinto ng workroom at si Adam. He already put his t-shirt on. “Ready ka na?” Sa kabila ng nagwawalang dibdib, sa pagkakataong iyon ay buong tapang na sinalubong niya ang mga mata nito. Bahala na. “Alright. Let's get this done and over with.” “Okay...” His voice turned husky. He stared directly at her eyes before his eyes traveled down to her lips. Hindi siya humihinga habang unti-unting bumababa ang mga labi nito sa kanya. Isang pulgada na lang ay magdidikit na ang mga labi nila…nang biglang tumunog ang tiyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD