SAVE by her growling stomach.
“Uhm...”
Hindi alam ni Christine kung ano ang sasabihin kay Adam nang mga sandaling iyon.
Humakbang siya paatras at mabilis na ibinaling ang tingin sa mga painting na naka-display sa sala niya. Isang bahagi niya ang nakahinga ng maluwag. Sa kabilang banda, hindi rin niya maitanggi na may isang maliit na bahagi sa kanya ang nakadama ng panghihinayang…
“You should eat first.”
Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin kay Adam.
“Me and my lips can wait,” pabirong sagot nito. “Eat first. Baka magalit iyong mga alaga mo sa tiyan.”
Tila nananadyang muling tumunog ang tiyan niya.
“See?” Ngumuso ito na tila nagpipigil ng ngiti.
Hindi niya napigilan ang pamumula ng mukha sa kahihiyan.
Bago pa siya makasagot ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa kusina. Nakaawang ang mga labi niya habang nakatingin sa magkadikit na kamay nila. Mabilis na binawi niya ang kamay mula rito nang maramdaman niya ang paggapang ng kuryente sa balat niya.
Tumikhim siya at unanahan ang lalaki sa kusina. Binuksan niya ang ref. Napangiwi siya nang makitang ubos na ang pizza na binili niya kagabi. Napilitan siyang kumuha ng cup noodles sa cupboard.
“Cup noodles?” Natigilan siya sa pagbubukas ng noodles nang marinig ang boses ni Adam.
Bumaling siya sa lalaki. “Gusto mo?”
Kumunot ang noo nito.
Noodles, really, Chris? Iyan ang iaalok mo kay Adam?
“Uh, sorry.” She gave him an awkward smile. “Ano’ng gusto mong kainin? Magpapa-deliver ako.”
Lumapit ito sa kanya. “Kung hindi mo ako kasama ngayon, iyan lang ang kakainin mo?”
“What's wrong with cup noodles?” nagtatakang sagot niya.
“It's unhealthy,” kunot-noong sagot nito.
“Health concious ka pala,” komento niya.
“I'm an athlete so I need to take care of my body.”
Well, halata naman na maalaga ito sa katawan. Sa abs pa lang nito.
“Madalas kang kumakain ng noodles?”
“Kapag tinatamad akong magluto,” sagot niya. “Hindi naman noodles lang ang kinakain ko,” dugtong niya nang makitang lalong lumalim ang kunot nito sa noo. “Kadalasan, nagpapa-deliver ako ng pizza.”
“That's still unhealthy.” Pumalatak ito. “Kaya pala ang payat mo.”
“Excuse me?” Umangat ang kilay niya.
“Your thin,” wika nito habang pinapasadahan ng tingin ang katawan niya.
Namula ang mukha niya.
“I bet you'd be more attractive kung madadagdagan ka ng konting timbang.”
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay bumaling ito sa ref at binuksan iyon. Habang siya ay nakaawang ang mga labi at namumula pa rin ang magkabilang pisngi sa sinabi ng lalaki.
“A-anong ginagawa mo?” tanong niya rito nang makabawi. Inilabas nito mula sa ref ang karne ng manok at gulay.
“I'm cooking you something delicious and healthy.” Dinala nito ang manok sa sink.
Muling umawang ang mga labi niya. “B-bakit?”
Tumingin ito sa kanya. “I can't stand seeing you eating that cup of unhealthy noodles.”
Pakiramdam niya ay may mainit na palad na humaplos sa puso niya. “Bakit?”
“Because I care about your health.”
Bakit…?
At bakit walang ibang matinong tanong na pumapasok sa isip niya kundi bakit?
“Where's your apron?”
Kinuha niya ang apron at inabot sa lalaki.
“Puwedeng ikaw na ang magsuot sa akin?” Bahagya nitong itinaas ang dalawang kamay na basa mula sa paghuhugas ng karne ng manok.
“Okay.”
Bahagya itong yumuko para maisuot niya sa ulo nito ang apron. “Tumalikod ka. Ibubuhol ko iyong tali sa likod.”
“Nah. Puwede mo namang ibuhol kahit hindi ako tumatalikod, di ba?”
“O-oo.” Kinuha niya ang tali ng apron at ibinuhol sa likod ng lalaki.
Namula ang mukha niya nang mapagtantong para niyang niyayakap ang binata sa posisyon nila. Ilang pulgada na lang ay halos magdikit na ang katawan nila.
“O-okay na.” Mabilis siyang lumayo sa lalaki.
“Thank you, Chris.” Malapad na ngumiti ito sa kanya.
“W-welcome.” Tumikhim siya at inabala ang sarili sa mga kasangkapang gagamitin nito sa pagluluto. “A-ano bang iluluto mo?”
“Depende. Ano bang paborito mong putahe ng manok?”
“Ako ba? Ano, sweet and sour chicken.” Huwag nitong sabihing iyon nga ang iluluto nito?
“Sweet and sour chicken it is.”
“Marunong kang magluto no'n?”
“Yup,” he said, popping the p. “Parang wala ka yatang tiwala sa akin, ah?”
“Hindi naman. Nakakabigla lang malaman na marunong kang magluto.”
“Bakit? Nakakabigla ba na sa guwapo kong ito, marunong pa akong magluto?” Ngumising umangat ang kilay nito.
“Hindi ka rin talaga mayabang, ano?” mahinang wika niya sa sarili. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling mapangiti. “Tutulungan na kita.”
“No. Just sit down and watch me. Kayang-kaya ko na ito.” He even winked at her.
She watched him in awe. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang isang playboy na tulad ni Adam ay marunong sa kusina.
“Adam…”
“Hmm?” Mula sa binabalatang patatas ay ibinaling nito ang tingin sa kanya.
Parang may paru-parong nabuhay sa tiyan niya nang magtama ang mga mata nila. “Paano ka natutong magluto?”
“My dad's a chef. We own a couple of restos in the Metro.”
“Really?” Kaya naman pala. “How about your mother?”
“She's a writer. I have an older sister. Her name's Athena.” He smiled at her. “How about you, Chris?”
“Well, I’m originally from Cagayan de Oro. My father’s a businessman. While my mom’s a landscape artist. I have an older brother. He’s in CDO and is helping Dad manage the family business.”
“So, it was your mother’s talent that you inherited.”
“Yup.”
Mula sa niluluto ay bumaling ito sa kanya. “Come here, Chris.”
Umalis siya sa breakfast bar at lumapit sa lalaki. “Bakit?”
Kumuha ito ng karne ng manok sa kawali gamit ang tinidor at bumaling sa kanya. Iniangat nito ang tinidor at inumang sa kanya. “Tikman mo. O, wait, mainit pa pala.” Hinipan nito ang karne.
Habang ginagawa iyon ng lalaki ay diretso itong makatingin sa mga mata niya. His brown eyes were penetrating her soul. Parang may kung anong natutunaw sa loob niya habang nakatingin sa mga mata nito.
“Here. Pwede na.”
Binuksan niya ang mga labi at isinubo ang karne ng manok na nakatapat sa bibig niya. Natigilan siya habang nginunguya ang laman ng bibig.
“So, what’s the verdict?”
Nag-thumbs up siya. “It's good. Masarap ka palang magluto.”
“I’m glad you like it.” Ngumiti ito habang diretso pa ring nakatingin sa kanya.
Bago pa tuluyang maghuramentado ang dibdib niya ay lumayo na siya sa lalaki. “I’ll…prepare the table.”
Inabala niya ang sarili sa paglalagay ng mga kubyertos sa mesa. Ibinaling lang niyang muli ang tingin kay Adam nang ilapag nito sa dining table at bowl ng nilutong ulam.
“Let’s eat?”
They sat across each other. Akma niyang kukunin ang bowl ng kanina pero naunahan siya ni Adam. Natigilan siya nang lagyan nito ng kanin ang plato niya.
“Hindi mo na kailangang gawin iyan...”
“Nah. It's fine.” Ngumiti ito bago lagyan ng kanin ang sariling plato. “Sarap ‘no?” Malaki ang ngiting wika nito sa kanya habang kumakain sila.
“Yeah.”
“Hindi lang luto ko ang masarap sa akin.” Kumindat ito.
Bahagya siyang nabilaukan sa narinig.
“Chris,” bago pa siya makakuha ng tubig ay naunahan na siya ni Adam. “Thank you, Adam.”
“Dahan-dahan lang sa pagkain,” masuyo itong ngumiti sa kanya.
Muntik-muntikan na siyang masamid sa ngiting ibinigay sa kanya ng lalaki. Hindi tuloy mapigilang isipin kung ganito rin kaya si Adam sa mga babae nito? Kung ganoon ay talagang hindi niya masisisi kung bakit maraming babae ang nahuhumaling dito.
Hindi lang ito ubod ng guwapo, maasikaso rin ito at sweet. Kung hindi lang siguro niya alam na ubod ng playboy ang lalaking kaharap, na-inlove na siya rito.
“Bakit ganyan ka makatingin?” nakaangat ang isang sulok ng mga labi nito.
“Ha?”
“Kung makatingin ka, parang...naiinlove ka na sa akin, ah.”
“Hindi, no!” mabilis na sagot niya. “M-may…sauce ka kasi sa gilid ng labi mo.” Inabutan siya nito ng table napkin.
Subalit sa halip na tanggapin iyon ay dinilaan nito ang sulok ng labi. Nanlalaki ang mga matang napalunok siya.
“Wala na ba?”
“W-wala na.” Napatingin siya sa mapupulang mga labi nito. Kinuha niya ang baso ng tubig at sunod-sunod na lumagok doon. Darn. Bakit pakiramdam niya ay sinasadya siyang akitin ng lalaki sa bawat kilos nito? O siya lang talaga itong sadyang nagpapaakit at nagpapaapekto?
Sino naman ba kasing hindi maapektuhan sa mga mata nitong kung makatingin ay para siyang tinutunaw? Sa mga labi nitong kung makangiti ay nakakatulala. Sa perpektong katawan nito na bato lang siguro ang hindi maaakit.
‘Di bale, ilang araw lang naman silang magsasama ng lalaki.
“Thank you, Adam.” Halos tatlumpung minuto matapos nilang kumain ay nagpaalam na rin sa kanya si Adam. Inihatid niya ito sa labas ng kanyang unit.
“You're welcome, Chris.” He smiled at her. “Good night.” Tumalikod ito subalit muli ring pumihit paharap sa kanya. “May nakalimutan ka ba?”
“Yeah. I forgot this.” Sa isang iglap ay lumapat na ang mga labi nito sa kanya. It was a very short kiss. Bago pa siya makabawi sa pagkabigla ay wala na ang mga labi nito sa kanya.
“Good bye, Chris. We’ll see each other tomorrow.”
Nakaawang ang mga labing napahawak siya sa kumakabog na dibdib.
Shut up, heart! Bawal ma-inlove.
“GOOD afternoon po,” bati ni Chris sa guard na nakapwesto sa labas ng indoor pool ng kanilang eskwelahan. “Hindi pa po ba tapos ang practice ng swimming team?”
“Hindi pa, Miss,” sagot ng gwardiya sa kanya. “Pumasok ka na sa loob.”
“Salamat po, Manong.” Natigilan siya nang tumunog ang cell phone. Isang text ang na-receive niya mula sa kaklaseng si Mika.
Chris, naiwan mo iyong notebook mo dito sa classroom.
Matapos basahin ang text ay bumaling siya sa gwardiya. “Manong, paglabas ni Adam, pakisabi naman po na hintayin ako. May babalikan lang ako.”
Pagbalik niya ay nasa labas na si Adam. Kausap nito si Manong Guard.
“Sige, Kuya Allan,” ani Adam sa guard. “Alis na kami.”
“Sige, Adam, ingat kayo ng girlfriend mo.”
Nawalan ng dugo ang mukha ni Chris nang marinig ang sinabi ng guwardiya. Gusto niyang pumikit at lumubog sa kinatatayuan.
“So, girlfriend, huh?”
Napilitan siyang humarap kay Adam. Nakaangat ang kilay ng lalaki. There was a mischievous smile on his face. “Akala ko ba hindi mo ako type. Pero nagpakilala kang girlfriend ko?”
“Huwag kang assuming! Nagpakilala lang akong girlfriend mo dahil ayaw akong papasukin ng guard.”
“But why are you so defensive?”
“I'm not defensive,” giit niya. Nagpapaliwanag lang.”
Natigilan siya nang marinig ang mahinang tawa nito. “Ang cute mo pala kapag naiinis ka na.” Pinisil nito ang tungki ng ilong niya.
Napanganga siya sa ginawa ng lalaki. Hangang sa makarating sila sa parking lot ay patuloy sa pagwawala ang puso niya. Bumalik siya sa katinuan nang matanaw ang isang pamilyar na babae sa parking lot.
“Adam, di ba, iyon iyong stalker mo?” Pasimple niyang itinuro kay Adam ang babae.
“Damn,” mahinang mura nito. “Let's go.”
Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng gate. Habang tumatakbo sila ng lalaki ay palingon-lingon siya sa likod. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakasunod sa kanila ang babae.
“Adam, nandiyan na siya!”
Tumawid sila ni Adam ng kalsada. Saktong huminto ang isang jeep sa tapat nila. Sumakay sila roon ng lalaki. Pagpasok nila sa loob ay saka lang niya napagtanto na isa na lang ang bakanteng upuan sa jeep.
“Isa na lang ang kasya,” wika sa kanya ng driver.
“Okay lang ho, Manong,” balewalang sagot ni Adam. Naupo ito sa bakanteng upuan. “Kakandungin ko na lang itong girlfriend ko.”
Muntik nang malaglag ang panga niya sa narinig. Girlfriend?
“Come, baby.” Tinapik ni Adam ang hita nito.
Baby? Tila may kung anong kumiliti sa puso niya sa narinig. Teka…teka? Anong girlfriend? And why was he calling her baby?
“Baby, sit down.”
Pinandilatan niya ang lalaki. Huwag nitong sabihing uupo siya sa kandungan nito. “Come on, baby, huwag ka ng mahiya,” malapad ang ngising kumindat ito sa kanya.
“Miss, dito ka na lang sa puwesto ko, ako na lang ang kakandong kay kuyang pogi.”
Bumaling siya sa parehong nagsalita. Lalo siyang pinamulahan ng mukha nang mapagtantong halos lahat ng pasahero ay nakatingin sa kanila ni Adam.
Humugot siya ng malalim na hininga at napilitang maupo sa mga hita ng binata.
“B-baka mangalay ka.” Bahagya siyang lumingon sa binata. Sumalubong sa kanya ang perpektong mukha nito.
“Ako, mangangalay sa 'yo? Sa payat mong iyan?”
Hindi niya napigilang mapaismid. “Oo na. Ako na ang payat.”
He chuckled. “Don't worry, cute ka pa rin naman.”
Napahawak siya sa railing ng jeep nang bigla iyong pumreno. Akala niya ay masusubsob siya subalit naramdaman niya ang pagyakap ng matipunong braso ni Adam sa tiyan niya.
“Don't worry, I got you, Chris,” bulong nito sa kanya.
Muntik na siyang mapaigtad nang maramdaman ang pagtama ng hininga nito sa likod ng tainga. Her hot breath sent shivers down her spine and butterflies in her stomach. Nang mga sandaling iyon, hindi niya maipaliwanag ang napakabilis na t***k ng puso niya.
Ibinaling niya ang tingin sa mga kasamang pasahero. Bakit wala man lang ni isa sa mga ito ang bumababa at nang sa gayo’y makaalis na siya sa kandungan ni Adam?
“Para po!”
“Teka! Kayong dalawang mag-dyowa!” pigil sa kanila ng driver. “Huwag muna kayong bumaba.”
Namumula ang mukhang nilingon niya ang driver. “Bakit po, Manong?”
“Hindi pa kayo nagbabayad.”