Five

2178 Words
IKALAWANG araw ng session nila ni Adam. Kahit na ilang beses na niyang nakita ang katawan ni Adam ay hindi pa rin niya mapigilang hindi mamangha. Hindi pa rin nagbabago ang epekto niyon sa kanya. Pagkatapos ng isang oras awtomatikong lumapit sa kanya si Adam. “So…” Ibinaba nito ang mga mata sa mga labi niya. “Yeah, I know…” Hindi tulad noong una, ngayon ay hindi na siya parang hihimatayin habang hinihintay ang paglapat ng mga labi nito sa kanya. She was still nervous as hell. Her heart was still beating like crazy. But despite that, she couldn't hide the twinge of excitement she was feeling right now. And then his lips finally captured hers. Unlike the first, his kiss was very different now. Kusang pumikit ang mga mata niya nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi nito sa kanya. His kiss was gentle and sweet. His lips were so soft and sweet against hers. Every move of his expert lips were sending waves of electrons in her veins. Butterflies were all over her stomach. Her heart was pounding hard in her chest. Parang anumang sandali ay lalabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Namalayan na lang niyang kusa nang gumagalaw ang mga labi niya para tugunin ang halik ng binata. Tila may sariling utak ang kamay niya nang umakyat iyon at kumapit sa batok ni Adam. She didn't know how long they were kissing; all she knew was that they were both gasping for air the moment their lips parted. Adam's dark deep eyes greeted her when she opened her eyes. Sa isang iglap ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Gusto niyang takpan ang mukha sa kahihiyan. Gusto niyang… Adam smiled at her. It was a gentle smile that’s enough to melt someone's heart. “That was…” Isinandal nito ang noo sa kanya. “…the best kiss I've ever experience, Chris.” Bago ito lumayo sa kanya ay pumikit ito at kinintalan ng halik ang noo niya. That move almost melted her heart. “Come on...” Hinawakan nito ang kamay niya at inakay siya palabas ng kuwarto. Namlalambot ang mga tuhod niya habang naglalakad sila patungo sa kusina. “WAIT, may kukunin ako sa ref,” wika ni Chris kay Adam habang kumakain sila. Tumayo siya at pumunta sa ref para kunin ang graham cake na ginawa niya kagabi. “Mango float?” ani Adam matapos niyang ilapag sa mesa ang Tupperware at buksan ang takip niyon. “Yup. Ginawa ko kagabi.” Ipinaglagay niya ito sa platito. “Thank you, Chris.” Agad itong kumutsara ng dessert at dinala sa bibig. “Uhm, anong lasa? Okay ba?” nag-aalalang tanong niya sa lalaki. “Sarap!” malaki ang ngiti sa mga labing sagot nito. Muli itong sumubo. “Pero, alam mo? May alam akong dessert na mas masarap dito.” Awtomatikong namula ang magkabilang pisngi niya nang mapansin ang pagtitig nito sa mga labi niya. Bumilis ang t***k ng puso niya nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila kanina. Hanggang ngayon ay damang-dama pa rin niya ang pakiramdam ng labi nito sa kanya. Subalit gaano man ito kasarap humalik, hindi pa rin siya maaaring mahulog dito. “Teka, Adam. Umuulan pa,” wika niya sa lalaki nang magpaalam ito sa kanya. Pagkatapos nilang kumain ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mag-iisang oras na ang nakalipas subalit hindi pa rin humihina ang ulan. “Hintayin mo munang huminto. Baka baha na sa daan.” Nag-aalala siya nab aka kung ano ang mangyari rito kapag sumugod ito sa ganoong kalakas na ulan. Eh, bakit sobra ka naman yatang mag-alala? Intriga sa kanya ng isang parte ng utak niya. Normal lang na mag-alala ako sa kanya. I mean…siyempre, kapag may nangyaring masama sa kanya, konsensya ko pa, di ba? depensa niya. Hindi naman por que nag-aalala ako sa kanya, eh, na-iinlove na ako sa kanya. Di ba? “Okay lang sa ‘yo na mag-stay pa ako?” “Oo naman!” mabilis na sagot. “Uhm, I mean…hindi naman kita pipigilan kung gusto na kitang paalisin, di ba?” Isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Nanood sila ng RIO Olympic Game habang hinihintay nilang huminto ang ulan. “Nakapunta ka na sa Rio, di ba?” “Yup, last year.” Bumaling ito sa kanya. “Wait, how did you know?” “Ha? Ano…nakita ko kasi sa i********: mo.” Nanunuksong umangat ang isang kilay nito. “You’re stalking me on i********:?” “Hoy, hindi ah! Ipinakita lang sa ‘kin ng best friend ko. Siya iyong stalker mo ‘no!” “Do you have an i********: account?” “Wala, eh. f*******: lang. Wala kasi akong hilig sa mga social networking sites na iyan.” Isang beses nga lang yata niya sa isang buwan binubuksan ang f*******: niya. “I already added you on f*******:. Kaso hanggang ngayon, hindi mo pa ako inaaccept.” “Talaga? Sorry, hindi ako madalas magbukas ng f*******:, eh.” Ngumisi siya. “Don’t worry, accept kita mamaya.” Ibinaling niya ang tingin sa TV screen. “Maganda ba sa Rio?” muli niyang baling sa lalaki. “Why? Do you wanna go there?” “Yup. Pero Maldives talaga ang pinakagusto kong puntahan. Pero syempre, bago ako lumabas ng bansa, gusto ko munang mapuntahan lahat ng magagandang lugar dito sa atin. The first on my list is Sagada.” “Sagada, Mountain Province?” gagad nito. “Iyong setting ng movie ni Angelica Panganiban—” “That Thing Called Tadhana?” “Yeah. That’s it.” “Wait… bakit mo alam iyon? Don’t tell me pinanood mo iyon sa sinehan?” “It’s not that I wanted to watch it,” mabilis na depensa nito. “My sister just forced me to watch that movie with her.” “Wait…” Natigilan siya nang mapansin ang tila pamumula ng pisngi nito. Si Adam Saavedra, nagba-blush sa harap niya? O imagination lang niya iyon? “I think it’s time for me to go now,” maya-maya pa’y paalam sa kanya ni Adam. Bumaling siya sa bintana. Doon lang niya namalayan na huminto na ang ulan. Hindi niya namalayan ang oras habang kausap ang binata. Habang nakakasama niya ang lalaki ay unti-unti niyang natutuklasan ang mga magagandang katangian nito. He was just not a guy with a pretty face. “Take care, Adam.” “I will, Chris. Good night and sweet dreams.” “THANK you, doc,” wika ni Chris kay Doctor Dana, ang doktor sa clinic ng St. Claire. Nagkaklase sila kanina nang bigla siyang atakihin ng matinding p*******t ng tiyan. Napilitan siyang mag-excuse sa klase para pumunta sa clinic. “Iwasan mo nang magpalipas ng pagkain, Christine,” bilin sa kanya ng doctor bago siya lumabas ng clinic. According to her, she had an acid reflux. Epekto iyon ng hindi niya pagkain sa tamang oras. “Yes, doc. Salamat.” Sumulyap siya sa suot na relo. Alas singko na ng hapon. Kailangan na niyang puntahan si Adam. Nakakailang hakbang pa lang siya palayo sa clinic ay isang lalaki ang humahangos na sumalubong sa kanya. And the guy was none other than Adam. “Adam?” Napaawang ang mga labi niya nang hawakan siya ng binata sa mukha gamit ang magkabilang palad nito. “Chris, what happened to you?” “P-paano mo nalaman na nandito ako sa clinic?” tanong niya nang makabawi. “I went to your class. May nakapagsabi sa ‘kin na dinala ka sa clinic.” Dinama nito ng palad ang noo niya. “Now tell me what happened?” “I'm fine Adam. Medyo sumakit lang ang tiyan ko kanina...” “Ano’ng sabi ni Doc Dana?” “Acid reflux daw.” Bumuntong-hininga si Adam. Pagkatapos ay seryoso itong tumingin sa kanya. “You should always eat on time, Chris. And please, stop eating unhealthy foods. Come on. Let's get you home.” Muntik na siyang mapatalon nang hawakan nito ang kamay niya. Hindi iyon ang unang beses na hinawakan ni Adam ang kamay niya, subalit naroon pa rin ang maliit na boltahe ng kuryenteng nanulay sa ugat niya sa pagdadampi ng mga balat nila. Isang bahagi ang nag-uutos na bawiin niya ang kamay sa binata subalit isang bahagi ang nagsasabing huwag. At ang isang bahagi niyon ay nagmumula sa puso niya. “Wala muna taong session ngayon. You should rest for the rest of the day...” wika sa kanya ng lalaki pagdating nila sa unit niya. Hindi na siya kumontra sa sinabi ni Adam. She wasn’t really in the mood to paint right now. “Uuwi ka na?” Tila may bumikig sa lalamunan niya sa tanong niyang iyon sa binata. “Hindi pa. Ipagluluto muna kita.” Isang bahagi niya ang natuwa sa sagot ng lalaki. Hindi niya napigilan ang pag-angat ng sulok ng mga labi. Tsk… you’re starting to get attached, Chris. Tila natauhang binura niya ang ngiti sa mukha. “What do you want to eat?” “Adam, hindi na. Kaya ko naman. Puwede ka nang umuwi. I’m sure meron ka pang ibang gagawin o pupuntahan?” He told her that he was a very busy person, right? “Bakit parang itinataboy mo yata ako?” “Ha? Hindi. Nahihiya na kasi ako sa ‘yo. Alam kong naiistorbo na kita.” “Don’t worry, ako naman itong nag-volunteer na magpaistorbo.” He smiled at her. Sa huli ay napabuntong-hininga na lang siya. “Sige. Bahala ka.” “By the way, give me your phone.” Nagtataka man ay ibinigay niya kay Adam ang cell phone niya. May kinalikot ito roon bago ibinalik sa kanya. “I set a reminder on your phone every meal time. In that way, hindi mo na makakalimutan kumain sa oras.” Binalot ng mainit na pakiramdam ang puso niya sa ginawa ng binata. “Thank you, Adam.” “You’re always welcome, Chris.” He smiled at her. “And Chris?” “Hmm?” “Kung hindi mo kayang alagaan ang sarili mo, hayaan mong ako ang mag-alaga sa 'yo.” NAGISING si Chris sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Pinasadahan lang niya ng mga daliri ang buhok bago lumabas ng silid at dumiretso sa pinto ng unit. “A-adam!” Tuluyang naglaho ang lahat ng antok sa katawan ni Chris nang tumambad sa kanya ang lalaki sa labas ng unit. “W-what are you doing here?” “Good morning, Chris,” bati sa kanya ng lalaki. “Uhm, good morning.” Gusto niyang pumikit sa kahihiyan. Kahit alam niyang wala siyang muta sa mga mata ay nakakahiya pa ring humarap kay Adam na ganoon ang hitsura. “I'm sorry. Naistorbo yata kita.” “P-pumasok ka muna.” Niluwagan niya ng bukas ang pinto para makapasok ang lalaki. Pinasadahan niya ng tingin si Adam. He was wearing a maong pants and a white shirt underneath his black jacket. Darn. Wala yatang oras na hindi guwapo ang lalaki. “Teka, maupo ka muna. Magbibihis lang ako.” aniya rito. “Gusto mo nga pala ng kape?” “Huwag na, Chris. Hindi rin naman ako magtatagal. Dumaan lang ako para ibigay sa 'yo ito.” Ibinaba niya ang mga mata sa dalawang malaking grocery bag na bitbit nito sa magkabilang kamay. “Pinag-grocery kita. Para hindi naman puro cup noodles ang laman ng cupboard mo.” Ibinuka niya ang mga labi subalit hindi siya agad nakapagsalita. She didn’t exactly know what to say. “You really don’t have to do this...” wika niya nang makabawi. “T-thank you, Adam.” “You’re welcome, Chris.” Dumiretso ito sa kusina at inilapag ang dala sa dining table. Tumingin ito sa kanya bago sumulyap sa suot na relo. “I'll go now.” “Sigrado ka?” Kinagat niya ang ibabang labi. “I mean… ayaw mo bang magkape muna?” “I want to stay a little longer, but my sister’s waiting for me in the car.” “Oh… Uhm, sige, maraming salamat ulit.” Hinatid niya ito sa labas ng unit. Pag-alis ni Adam ay bumalik siya sa kusina. Fresh milk, wheat bread, cereals, oatmeal ang laman ng unang grocery bag na binuksan nia. Sa isang grocery bag naman ay puro gulay at prutas ang nakita niya. Nakita niya ang isang note sa loob ng grocery bag kasama ng mga pinamili nito. Itapon mo na iyong mga cup noddles mo. Kinuha niya ang cell phone. She took a picture of his written note and sent it to him. Yes, Doc Adam :) Binuksan niya ang cupboard. Inalis niya ang lahat ng cup noodles na laman niyon at ipinalit ang mga pinamili sa kanya ni Adam. Habang nag-aayos siya ay naka-receive siya ng reply mula rito. Good. Btw, I love your morning face. Kinagat niya ang ibabang labi habang nakatingin sa text ng binata. You're really bad for my health, Adam. Pero hindi tulad ng cup noodles, hindi kita kayang iwasan…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD