Six

3666 Words
TODAY is the day. Hindi maialis ni Chris ang mga mata kay Adam na kasalukuyang naghuhubad ng suot na t-shirt. Iyon na ang huling araw ng ‘session’ nila ng lalaki. At dahil iyon na ang huling araw nila, kailangan na niyang ipinta ang ibabang bahagi ng katawan ni Adam. Hindi na siya puwedeng umiwas. “T-teka!” She immediately stopped him when he reached his fly. “May kukunin lang ako.” Nagmamadali siyang lumabas ng silid at dumiretso sa kuwarto niya para kumuha ng tuwalya. She handed him the white towel. “Gamitin mo muna kapag hinubad mo iyong pantalon mo. Mamaya mo na alisin kapag nagsimula na tayo.” Bago pa makasagot si Adam ay muli siyang lumabas ng workroom. This time ay dumiretso siya sa kusina para uminom ng malamig na tubig. “Calm down, Chris,” wika niya sa sarili habang idinadampi ang hawak na baso ng malamig na tubig sa kanyang namumulang pisngi. “Ano naman ngayon kung makikita mo ang lahat-lahat kay Adam? Nakita mo na iyon, di ba? Isa pa, you're an artist. You should behave as an artist. Be professional!” Matapos niyang kalmahin ang sarili ay binalikan niya si Adam. “Go, Chris. Kaya mo iyan.” Isang beses pa siyang bumuntong-hininga bago buksan ang pinto ng workroom. Subalit lahat ng pagpapakalmang ginawa niya sa sarili ay nabalewala nang makita niya si Adam. The only piece of clothing that's left on his body was the towel that she gave him. Napalunok siya nang humarap ito sa kanya. “Ang tagal mo.” His cherry red lips were almost pouting. “Malapit na akong lamigin dito.” He crossed his arms over his chest. Kitang-kitang niya kung paano nag-flex ang muscle nito sa ginawa nitong paghalukipkip. Damn. Pinigilan niya ang sariling paglakbayin ang mga mata sa katawan nito. “S-sorry. I'll turn off the AC.” “Don't. Baka uminit naman.” Right. Dahil kahit nakatodo ang aircon, pakiramdam niya ay napakainit ng paligid. Kung ganitong katawan ba naman ang makikita mo, malamang kahit Antarctica ay mag-iinit. “So, am I allowed to take off the towel now?” Nanlaki ang mga mata niya nang hawakan nito ang buhol ng tuwalya. “T-teka! Pumuwesto ka muna bago mo tanggalin iyong tuwalya.” Hangga't maaari, iniiwasan niyang makita ang 'future' nito. Kahit pa sabihing nakita na niya iyon, hindi niya alam kung kakayanin niyang makita ulit iyon sa ikalawang pagkakataon. “K-kapag nagsimula tayo, huwag kang haharap, ah?” He playfully c****d his brow. “Why do I have this feeling that you’re afraid to see my thing?” “Nakakatakot naman talaga,” she blurted out. “Bakit ka natatakot?” natatawang sagot nito. “Hindi ka naman tutuklawin nito.” Her cheeks turned beet red. “Basta, huwag kang haharap—” Nabitin sa ere ang sinasabi niya nang malaglag sa sahig ang puting tuwalyang bumabalot sa ibabang bahagi ng katawan ni Adam. Nalaglag sa sahig ang panga niya nang tumambad sa kanya ang matambok na puwit ng binata. His eyes couldn't help but linger at his lower sexy back, down to his firm buttocks all the way to his long muscular legs. Everything about his body was sexy and perfect. Damn hell. “Chris, punasan mo iyong laway mo.” Sa isang iglap ay bumalik siya sa katinuan. “Oh, shut up, Adam—” Muling nanlaki ang mga mata niya nang gumalaw ito paharap sa kanya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “Adam, sabi ko huwag kang haharap!” Isang naaaliw na tawa ang isinagot nito sa kanya. “You can open your eyes now.” Una niyang iminulat ang kanang mata. Tila nakahinga siya ng maluwag nang makitang nakatalikod na sa kanya ang lalaki. Doon na lang niya napansin na wala na ang tuwalya sa sahig. Nakapatong na iyon sa isang bakanteng stool malapit dito. “Look at your face right now, baby. You're as red as tomatoes.” “It's your fault. Pinagti-trip-an mo ako, eh.” Inirapan niya ang lalaki bago siya pumuwesto sa harap ng canvas niya. Subalit hindi niya maikaila ang pagtalon ng puso sa endearment na ginamit nito sa kanya. “Sorry, baby. I'll behave now.” Her heart made another leap when she heard the word 'baby.' Stop calling me baby, she wanted to tell him. Subalit sa halip na ibuka ang bibig ay hinawakan na niya ang palette at paintbrush. Humugot siya ng malalim na hininga at sinimulang ipinta ang ibabang bahagi ng likod nito. She couldn’t help but bit her lower lip when she started painting his buttocks. Ano kaya ang pakiramdam na mahawakan ang matambok nitong puwit? Chris! Namumula ang mukhang ipinilig niya ang ulo. Hiyang-hiya siya sa itinatakbo ng utak niya. “Chris...” “Hmm?” “What do you want for dinner?” You. “Ha? K-kahit ano. Kung ano’ng gusto mo.” Bago pa makasagot si Adam ay muli siyang nagsalita. “Adam, puwedeng huwag ka munang magsalita? Hindi ako makapag-concentrate...” Hindi makapag-concentrate saan? Sa pagtitig sa katawan niya? Shut up! Isa ka pa! Kailangang matapos niya ang painting sa araw na iyon. Pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin kapag muli niyang makita ang katawan ni Adam sa susunod na araw. Isang napakalalim na hininga ang pinakawalan niya pagkatapos ng isang oras. Para siyang nabunutan ng napakalaking tinik sa lalamunan ngayong tapos na niya ang nude painting ng binata. Tinakpan niya ang canvas bago ibinaling ang tingin sa lalaki. “Lalabas muna ako para makapagbihis ka...” “Okay.” Adam was already fully dressed when she entered the room. “So, tapos na iyong painting?” tanong sa kanya ng lalaki. “Yes,” malapad ang ngiting sagot niya. Subalit hindi niya maitanggi na may isang bahagi niya ang hindi masaya na iyon na ang huling session nila ng binata. “Gusto mong makita?” nag-aalangang tanong niya rito. Nag-aalala siya na baka hindi niya nabigyan ng hustiya si Adam sa painting niya. Pigil niya ang hininga habang hinihintay ang reaksyon ni Adam. She even secretly crossed her fingers. “Just…wow!” His mouth was dropped open. “I don't know what to exactly say, Chris…” His eyes traveled from her canvas up to her face. “This is perfection.” Parang may mainit na palad na humaplos sa puso niya sa papuri ng lalaki. “Baka naman biased ka lang dahil ikaw iyan, ah.” “Believe me, Chris, this work is a perfection…” “Thank you, Adam.” “It feels like I should be the one thanking you, Chris,” he softly said while looking straight at her. His eyes pierced through her heart, straight to her soul. Her heart beat automatically quickened when his head slowly moved toward her. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata at hinintay ang halik nito. Subalit sa halip na sa mga labi niya ay sa tuktok ng ulo niya lumapat ang mga labi ni Adam. “Thank you, Chris.” “LET’S eat?” Malaki ang ngiti sa mga labi ni Chris habang nakatingin sa pagkaing nasa harap nila. Adam cooked paella for tonight. Subalit nawala ang ngiti niya nang maisip na iyon na ang huling beses na ipagluluto siya ni Adam. Iyon na ang huling pagkakataon na makakasabay niya itong kumain. Maaaring iyon na rin ang huling araw na makakasama niya ito. Parang may kung anong napunit sa loob niya kapag iniisip na pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na niya makakasama ang lalaki. Hindi niya maitanggi ang kirot na gumuhit sa puso niya. Sa loob ng ilang araw na nakasama niya si Adam, napalapit na sa kanya ang lalaki. No. Hindi lang siya basta napalapit dito. The truth is… she almost… she almost fell with him. Siguro, tama lang na pagkatapos ng araw na iyon, putulin na rin niya ang koneksyon nila sa isa’t-isa. Natatakot siya na baka kapag nanatili silang mapalapit ni Adam, tuluyang mahulog ang puso niya. “’Fine dining meets lutong bahay’ talaga ang dating ng mga luto mo,” puri niya sa lalaki. “I'll...definitely miss it,” hindi niya napigilang idugtong. “You don't have to miss it. I can still cook for you if you want to.” “Nah. Baka ma-in love pa ako sa luto mo…” biro niya. “Bakit? Natatakot ka bang ma-in love sa ‘kin?” Sinalubong niya ang mga mata nito. “Bakit, kapag nahulog ba ako sa 'yo, sasaluhin mo ako? Hindi naman, 'di ba?” He stared back at her. His eyes were dark and serious. “Paano kung oo?” Daig pa niya ang nakikipaghabulan sa kabayo sa bilis ng t***k ng puso niya. “Stop it, Adam. Please…” Nanatili itong nakatingin sa mga mata niya bago nito ibinalik ang atensyon sa pagkain. Natapos sila sa pagkain na walang isang nagsasalita sa kanila. Si Adam ang bumasag ng katahimikan nang magpaalam ito sa kanya. “Good bye, Adam,” wika niya nang ihatid niya ito sa labas ng kanyang unit. Tila may pumiga sa puso niya matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. May kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa lalaki dahil biglang nag-init ang sulok ng mga mata niya. “This is not the end, Chris.” Napilitan siyang salubungin ang mga mata nito. “We’ll see each other again.” He smiled at her. “You still owe me a kiss, afterall.” NAPAHINTO si Chris sa ginagawang pagpipinta nang tumunog ang cell phone niya. Ibinaba niya ang palette para kuhanin ang cell phone niya na nakapatong sa isang bakenteng silya. It's time to eat your lunch, baby. Natigilan siya nang mabasa ang note na naka-display sa screen ng cell phone niya. It was the note Adam made for her. Naiiling na napangiti na lang siya habang inililigpit ang gamit. Simula nang gawin ni Adam ang reminder na iyon, hindi na niya nakaliligtaang kumain sa tamang oras. Kinuha niya ang adobong manok na natira niya kagabi at ininit sa microwave. Subalit napalis ang ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa microwave. Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang matapos ang 'session' nila ni Adam. Simula noon ay hindi na sila muling nagkita ng lalaki. May pa-‘we'll see each other again’ pa siyang nalalaman, ni magparamdam kahit sa text, hindi niya magawa! bulong niya sarili. Bumuntong-hininga siya. Isang bagay lang ang hindi niya kayang itanggi nang mga sandaling iyon. She missed him. Nami-miss niya ang masarap na luto nito, ang presensya nito, ang boses nito, ang ngiti nito, ang tawa nito— In short, you missed everything about him. Kagat-kagat niya ang ibabang labi habang nakatingin sa numero ni Adam sa screen ng cell phone niya. She wanted to call him. Then call him! hindi niya alam kung saang bahagi ng utak niya nanggaling ang boses na iyon. Ano naman ang sasabihin ko kapag nagtanong siya kung bakit ako tumawag? Sabihin mo nangungumusta lang. O pwede ring itanong mo sa kanya kung kailan niya ike-claim ang utang mong halik sa kanya? Right. Sasabihin ko sa kanya na nangungumusta lang ako? Wala namang masama kung mangusta siya. May pinagsamahan naman na sila kahit papaano... “Bahala na nga.” Humugot siya ng malalim na hininga bago i-d-in-ial ang numero ni Adam. “Hello?” Natigilan siya nang sa halip na ang pamilyar na boses ni Adam ay isang boses babae ang sumagot sa kanya sa kabilang linya. Subalit mas ikinabigla niya ang kirot na gumuhit sa dibdib niya. Sa isang iglap ay tila may mga karayom na sabay-sabay na tumusok sa puso niya. “U-uhm, s-sorry…” “Miss, ikaw ba si Christine?” “Ha? O-oo,” puno ng pagtatakang sagot niya. Bakit siya kilala ng babaeng nasa kabilang linya? “I'm Athena, Adam's sister.” Sister. Kapatid ni Adam ang babae. Sa isang iglap ay naglaho ang bigat na nakadagan sa dibdib niya. “Oh...” Nasabi nga sa kanya ni Adam na may isa itong kapatid na babae. “I'm sorry kung ako ang sumagot ng tawag mo, Christine,” wika ng kapatid ni Adam sa kabilang linya. “May sakit kasi si Adam. He's still asleep right now.” “M-may sakit si Adam?” Napuno ng pag-aaalala ang dibdib niya. “Ano’ng sakit niya?” “Don't worry, trangkaso lang naman.” Sa kabila ng sinabi nito ay hindi pa rin nabawasan ang pag-aalala sa dibdib niya. “Christine, may ginagawa ka ba ngayon? Can I ask you a favor? Kailangan ko kasing umuwi sa bahay. I have no choice but to leave Adam alone here in his unit. Okay lang ba kung samahan mo muna siya rito?” “Sige. Pupuntahan ko si Adam,” walang pag-aalinlangan niyang sagot. Pagkatapos sabihin ang address ng unit ni Adam ay umalis na siya. “Christine!” malapad ang ngiting bungad sa kanya ng kapatid ni Adam. Adam's sister was a female version of him. Tall, beautiful and fair-skinned. She looked like a fashion runway model. Bigla tuloy siyang nahiya sa hitsura niya. She was only wearing a skinny pants and a spaghetti strap blouse. “Nice to finally meet you.” Her smile was so warm. “Adam has told me a lot about you.” Muntik nang mapaawang ang mga labi niya sa narinig. Ikinukuwento siya ni Adam sa ate nito? “And he was right, you're really beautiful.” Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang bumuka ang bibig niya. “By the way, pasensya na kung naabala kita.” “Naku, okay lang po...” “Call me Ate Athena,” nakangiting wika nito sa kanya. Pinasadahan niya ng tingin ang unit ni Adam. It was a typical bachelor's pad. “Kumain ka na ba?” She nodded at her. “Nagluto ako ng pagkain. Pakainin mo na lang si Adam kapag nagising siya. Nasa lamesa na rin iyong gamot niya.” “Sigurado po bang hindi na kailangang dalhin si Adam sa ospital?” hindi niya napigilang itanong nang malamang dalawang araw na ang lagnat ni Adam. Nag-aalala siya na baka hindi lang simpleng lagnat ang sakit nito. “Hindi kasi puwedeng dalhin sa ospital si Adam.” Bago pa niya maitanong kung bakit ay nagpatuloy na ito. “He’s afraid of hospitals.” “Oh...” Nabigla siya sa narinig. “Yeah. But don't worry, napuntahan na siya ng family doctor namin kagabi. Simpleng trangkaso lang ang sakit niya.” Dumiretso siya sa nag-iisang silid ng pad. Adam looked peaceful in his sleep. Naupo siya sa gilid ng binata at idinampi ang likod ng palad sa noo nito. Mainit nga ito. Bumuntong-hininga siya at pinagmasdan ang natutulog na binata. Iyon ang unang beses na malaya niyang napagmasdan ang lalaki sa malapitan. He was really handsome. His perfect brows, his long thick lashes. His straight nose, his chiseled jaw, his red lips. Everything about him was perfect. “Christine?” Pupungas-pungas itong bumangon mula sa pagkakahiga. “How are you feeling?” “W-wait?” Kinusot-kusot nito ang mga mata. “You’re real?” Bahagya siyang napanguso. “Grabe ka? Ano'ng akala mo sa 'kin, multo?” “I thought you're only a dream,” mahinang sambit nito na tila para lang sa sarili nito. “I called your phone earlier,” wika niya. Ikinuwento niya rito ang pabor na hiningi sa kanya ng ate nito. “Si ate talaga...” Pumalatak ito. Sumandal ito sa headboard ng kama. “Nag-aalala lang iyon sa 'yo.” “Eh, ikaw…” nangingiting sinalubong nito ang mga mata niya. “Bakit ka pumayag na bantayan ako. Nag-aalala ka rin sa 'kin?” “H-ha?” Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso niya. “Ano… w-wala naman kasi akong ginagawa…” “Ang tanong ko kung nag-aalala ka sa ‘kin?” “S-syempre, nag-aalala!” she snapped. “Eh, ikaw, may sakit ka ba talaga?” “Ewan ko nga. Bigla na lang nawala ang sakit ng ulo ko nang makita kita...” kunwa'y nagtatakang wika nito, subalit kitang-kita niya ang kislap sa mga mata nito. “Ikaw lang pala ang gamot na kailangan ko.” “Heh, tigilan mo ako, Adam,” saway niya rito. “Diyan ka nga muna, kukunin ko ang pagkain mo.” Pagbalik niya ay dala niya ang tray na may lamang isang manggok ng chicken porridge, isang baso ng tubig at paracetamol. “Kumain ka muna.” “Ikaw? Kumain ka na ba?” “Kumain na ako bago ako nagpunta rito.” “Subuan mo naman ako…” wika nito nang iabot niya rito ang mangkok ng chicken porridge. “Demanding ka, ha.” “Demanding agad? Hindi ba pwedeng naglalambing lang?” Tila may kung anong sumundot sa puso niya sa sinabi ng lalaki. Tumikhim siya at binawi ang mangkok mula rito. “Sige na. Sige na,” kunwa’y napipilitang sagot niya. Malaki ang ngiti sa mga labi ni Adam habang sinusubuan niya ito. Para itong isang bata na napangakuan ng laruan pagkatapos kumain. He looked adorably handsome. “Cute mo pala kapag nakatayo ng ganyan ang buhok mo,” nagpipigil ang ngiting wika niya habang nakatingin sa tayo-tayong buhok ng lalaki. “Kamukha mo si Astroboy.” Naaliw na umangat ang kilay nito. “Wait…did you just call me cute?” “Huwag kang masyadong matuwa. Cute lang, hindi guwapo.” “Okay na sa ‘kin iyong cute. Alam ko na kasing matagal ka nang nagaguwapuhan sa ‘kin.” “Hoy, ang kapal mo, ah!” Isang halakhak ang isinagot nito. “Adam,” wika niya sa binata pagkatapos nitong uminom ng gamot. “Hmm?” “Takot ka pala sa ospital, ano...” mahinang sambit niya. Nakita niya kung paano ito natigilan sa narinig. “I can’t believe my sister told you that.” “Bakit? ayaw mong malaman ko?” “No. it’s just that…” Bumuntong-hininga ito. “I understand. You guys and your ego.” She smiled at him. “But it’s okay, Adam. Lahat naman tayo may kinatatakutan.” Humugot ito ng malalim na hininga. “I had an accident when I was four. I fell from a bike.” Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa ulo nito. Nakapa niya ang isang maliit na peklat sa kanang bahagi ng ulo nito. “Since that day, I never stepped in any hospital again.” “How about you, Chris?” She stared at him. “What is your greatest fear?” Bumuntong-hininga siya. Her greatest fear? “My greatest fear is to get my heart broken.” “Mayroon akong best friend na laging naloloko ng lalaki… Ilang beses siyang nasaktan at umiyak dahil sa lalaki. Natatakot akong maranasan iyong naranasan niya.” Humugot siya ng malalim na hininga. Don't give me the reasons to fall in love with you… “Kaya ba takot kang ma-in love sa ‘kin? Dapat natatakot kang masaktan?” Nag-iwas ng tingin. “Diyan ka na nga muna. Ilalabas ko lang itong pinagkainan—” Napahinto siya nang hawakan nito ang kamay niya. “I missed you, Chris...” Nakaawang ang mga labi at kumakabog ang dibdib na sinalubong niya ang mga mata ni Adam. “A-adam…” “I missed you, Chris.” I missed you, too… Dumoble ang pagwawala ng puso niya nang sa isang iglap ay bumalot sa kanya ang maiinit na bisig ng binata. “Thank you for coming here. Thank you for taking care of me. Thank you, Chris.” Halos matunaw ang puso niya sa napakalambing na boses nito. Nang mga sandaling iyon, gusto niyang ipikit ang mga mata, sumandal sa malapad na dibdib ng binata at pakinggan ang t***k ng puso nito. Subalit sa halip na sundin ang ibinubulong ng puso ay kumawala siya kay Adam. “Adam, please stop giving me reasons to fall in love with you,” pakiusap niya rito. “Itong puso ko, konting-konti na lang, mahuhulog na.” “Chris, kapag sinabi kong kaya na kitang saluhin, puwede ka na bang mahulog sa 'kin?” “Adam—” “I like you, Chris. So much…” Pakiwari niya ay pansamantalang huminto ang t***k ng puso niya sa narinig. “Unang beses pa lang kitang nakita, nakuha mo na agad ang atensyon ko… You’re so beautiful even if your face was so red. At first, I got interested because you're different from other girls. Plus, I love the taste of your lips. Hindi ko alam kung anong meron sa mga labi mo at gustong-gusto ko… “Pero habang nakikilala kita, habang nakakasama kita, lalo kitang nagugustuhan. Nagsimula akong mag-alala sa ‘yo. Nagsimula akong ipagluto ka na hindi ko naman ginagawa sa ibang babae… Nagsimula akong hanap-hanapin ka. Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita… “Two days without you was like hell. Masakit na ang ulo ko, masakit pa ito.” Itinapat nito ang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib nito. “It was the first time I like someone this deep. For the first time, I couldn't handle my own feelings...” “Adam…are you saying that you're in love with me?” “Honestly, I don't know. All I know is that I want to kiss you everyday. I want to be with you every minute of my life. All I know is that I want you to be my girl and I will do everything I can for you to be mine...” “You told me you don't do girlfriends.” “That was before I realized this crazy feelings of mine for you.” “I'm… scared, Adam.” Masuyo nitong hinawakan ang kamay niya. “Just give me a chance, Chris. Please, give me a chance. I will prove you everything I said is true…” “I…I’m not ready, Adam.” “I am willing to wait, Chris. Just please, give me a chance.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD