Seven

2118 Words
"N-NANLILIGAW sa ‘yo si Adam?!” Pinanlakihan ng mga mata ni Chris ang kaibigan nang pagtinginan sila ng mga nasa katabing mesa nila sa school cafeteria. “Nililigawan ka ni Adam?” ulit nito sa mas mahinang boses. Bumuntong-hininga siya at tumango. “Oh em gee, girl!” Impit na tumili ito. “I told you, type ka niya!” Hindi siya makapaniwala na talagang tototohanin ni Adam ang sinabi nito sa kanya kagabi. Buong akala niya ay nagbibiro lang ito. Natigilan si Chris nang bumungad sa kanya si Adam sa entrance ng St. Claire. Nakatayo ito sa harap ng gate habang hawak ang isang malaking pumpon ng bulaklak. He was wearing a white polo, dark pants and pair of top sider. His face was sinfully handsome in every corner. Wala siyang makitang bahid na nagkasakit ito kahapon. May kung anong kumislot sa puso niya nang magtama ang mga mata nila. “Adam?” “Good morning, Chris.” Adam flashed her his melting smile as he handed her the bouquet of flower he was holding. “W-what's this?” “This is me courting you, Chris.” Muntik nang malaglag ang panga niya sa narinig. Hanggang ngayon ay malinaw na nakatatak sa utak niya ang lahat ng sinabi nito kagabi. “Seryoso ka ba?” “I'm serious as hell, baby.” Bukod sa bulaklak ay inabot din nito sa kanya ang hawak nitong paper bag. “I wanted to give you chocolates but I remember chocolates are bad for someone who has an acidic stomach. Instead, I prepared you sandwich.” “Girl, ito ba iyong flowers na ibinigay niya sa 'yo?” Iniharap sa kanya ng kaibigan ang Ipad nito. Tumambad sa kanya ang picture ng bouquet na natanggap niya mula kay Adam. Naka-post iyon sa i********: ng binata. May kasama iyong caption na: 'There's always a first time for everything. <3 #waitingforher Ano ang ibig sabihin ng caption nito. Na siya ang unang babaeng binigyan nito ng bulaklak? Parang may humaplos sa puso niya sa post ng binata. Kung kinikilig man siya ay hindi niya iyon ipinahalata sa kaibigan. “Girl, grabe ka, tinamaan talaga sa 'yo ni Adam!” Ibinalik nito ang tingin sa Ipad. “Ang daming likes at comment, ah. Lahat sila curious kung sino ang mystery girl ni Adam...” Kunot-noong tiningnan siya ng kaibigan. “Hoy, bakit wala ka man lang reaksiyon diyan?” Kinagat niya ang ibabang labi. “Paano kung pinagti-trip-an lang niya ako? Paano kung hindi naman pala siya seryoso?” “Girl, sa tingin mo sa lagay na iyan, eh, pinagti-trip-an ka lang ni Adam? I don't think so!” Sa kabila ng naramdaman niyang sinseridad sa ipinagtapat nito sa kanya kagabi, hindi niya magawang paniwalaan ng buo ang mga sinabi nito. Sa loob ng mga araw na nakasama niya ang binata, nakita niya kung ano ang ugali nito sa mga babae. She was aware of how playboy he is. “Eh, 'di pahirapan mo para malaman mo kung seryoso ba talaga siya sa yo. Kapag sumuko siya sa panliligaw, ibig sabihin, hindi nga siya seryoso.” Paano naman niya pahihirapan si Adam? Natigilan siya nang tumunog ang cell phone niya. Awtomatikong bumilis ang t***k ng puso niya nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. “Imee,” natatarantang ipinakita niya sa kaibigan ang screen ng cell phone niya. “Answer it!” Humugot siya ng malalim na hininga bago sinagot ang tawag ni Adam. Relax, Chris... Relax, heart. “H-hello, Adam?” Gusto niyang pasalamatan ang sarili niya. Sa kabila ng naghuhuramentadong sistema ay nagawa niyang pakalmahin ang boses. “Where you at?” “Cafeteria.” “Wait for me. I'll be there in five.” “ANO’NG ulam na gusto mo?” tanong kay Chris ni Adam. Pinasadahan niya ng tingin ang mga putahe ng ulam na nasa harap nila. Hindi na niya kasama si Imee. Pagkatapos niyang ipakilala si Adam kay Imee ay bigla na lang nagpaalam ang huli. “Itong friend chicken na lang ang sa ‘kin.” “Manang, isang order ng chopsey at dalawang pritong manok. Oh, wait...” Bumaling sa kanya si Adam. “Anong part ng manok ang gusto mo?” “Ha? Hita.” “Ako, alam mo kung anong parte ng manok ang gusto ko?” “Ano?” Nakangiting umiling ito. “Gusto ko, thigh...yong dalawa.” Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti. “Corny mo, Adam!” “Kinikilig ka naman. Namumula ka, oh!” “Heh, ewan ko sa 'yo.” Habang kumakain sila ay isang babae ang lumapit sa pwesto nila. “Adam.” Bahagyang kumunot ang noo niya nang mapagtantong pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Ito iyong babaeng nagbigay dati ng invitation card kay Adam. “Can I join you?” “Sorry, Ysa, I’m with my girlfriend.” Muntik na siyang masami sa iniinom na iced tea sa narinig. “Baby, this is Ysa, she’s my classmate before in high school.” Pagkatapos siyang ngitian ni Ysa, na halatang peke naman, ay nagpaalam na ito kay Adam. “Girlfriend? Sinagot na ba kita?” Nakaangat ang isang kilay na tanong niya kay Adam. “Sorry, baby. Advance kasi ako mag-isip.” Kumindat ito. “Let's date on Saturday…” Pahirapan mo siya, Chris. Nag-echo sa kanya ang sinabi ng kaibigan. “May klase ako tuwing Sabado.” “After class, then,” nakangiting wika nito. Napatingin siya sa maaliwalas na kalangitan. “Fine, kapag umulan sa Sabado, papayag akong mag-date tayo.” “W-wait. What?” “You heard me. Kapag umulan sa Sabado, papayag akong makipag-date sa 'yo.” “Fine.” Bumalik ang ngiti sa mga labi nito. “On Saturday, I'll make it rain.” “LISTEN, everyone. I have an announcement to make.” Natahimik ang buong klase sa sinabi ni Prof Argana. Inanunsyo ng professor nila na sa halip na sa darating na Sabado, iuurong sa susunod na buwan ang exhibit ng department nila. “Excuse me, ma’am.” Muntik nang malaglag ang panga niya nang ibaling ang tingin sa pinto ng classroom nila. Adam was there. He was standing on the doorway while holding a guitar. “Yes. Mister?” “Ma’am is it okay if I will ask a few minutes of your time?” sagot ni Adam. “May haharanahin lang po ako sa klase niyo.” Bumaling sa kanya si Adam at matamis na ngumiti. He even winked at her. Napuno ng hiyawan ang buong klase. Habang siya ay tila tuod na hindi makagalaw sa kinauupuan. Kahit hindi siya tumingin sa salamin ay sigurado siyang mas mapula pa sa kamatis ang mukha niya nang mga sandaling iyon. Hindi na rin niya mahabol ang t***k ng puso niya sa sobrang bilis niyon. “Alright. Go ahead, Mister.” Never in her wildest dreams she would expect Adam Saavedra to sing for her in front of her whole class... Pakiramdam niya ay hihimatayin siya habang unti-unting naglalakad si Adam papunta sa inuupuan niya. “O, ang isang katulad mo ay ‘di na dapat pang pakawalan. Alam mo bang ‘pag naging tayo, hinding-hindi kita bibitawan. Aalagaan…” Sa isang iglap, wala siyang ibang makita kundi ang guwapong mukha ni Adam, ang matamis na ngiti sa mga labi nito, ang kislap sa mga mata nito. Wala siyang ibang marinig kundi ang tunog na nililikha ng gitara, ang nakakabaliw na boses nito. At ang malakas na t***k ng puso niya. Bago ito umalis ay muli itong lumingon sa kanya. “Christine, may lahing Espanyol ka ba?” “B-bakit?” “Kasi, sinakop mo ang puso ko.” “I’M sorry I wasn't able to cook for you,” wika kay Chris ni Adam. Kausap niya ang binata sa cell phone. Hindi siya naihatid ni Adam pauwi dahil extended ang oras ng practice ng swimming team nang araw na iyon. “Hindi naman kita personal chef para araw-araw mo akong ipagluto.” “But I want to cook for you. I want to serve you…” Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa sinabi nito. Natigilan siya nang tumunog ang doorbell niya. “Teka lang, Adam.” H-in-old niya ang tawag ni Adam bago tinungo ang pinto ng unit. Tumambad sa kanya ang isang delivery man mula sa isang restaurant. “Good evening, Ma'am. Delivery po.” “Kuya, baka nagkakamali po kayo.” “Ma'am, kayo po si Miss Christine Tolentino?” Tumango siya. “Nagpa-deliver po si Sir Adam para sa inyo…” That made her speechless. “Nagpadeliver ka pala,” wika niya kay Adam. Inilapag niya ang paper bag sa dining table at binuksan iyon. “Kahit hindi mo ako kasama, ayoko pa rin na nagugutom ka.” His words melted her heart. “Thank you, Adam.” Mabuti na lang at hindi siya nakikita ng lalaki. Hindi niya kailangang pigilan ang malapad na ngiting gustong kumawala sa kanyang mga labi. “You should eat now…” “Okay,” sagot niya kahit sa totoo lang ay gusto pa niyang makausap ng matagal ang lalaki. “I’ll see you tomorrow, Chris. I'll pick you up after your class. Wear a dress. And bring your passport.” “Kung makapagsalita, parang siguradong-sigurado kang magde-date tayo bukas, ah.” “Just trust me, Chris,” confident na sagot nito mula sa kabilang linya. “I'll make it rain.” “Teka, teka. What's with the passport nga pala?” “Just bring it with you,” anito. “Eat well, baby…” “IMEE, sa tingin mo uulan ngayon?” tanong ni Chris kay Imee habang pabalik sila sa kanya-kanyang department building mula sa cafeteria. “Naku, malabong umulan ngayon. Tingnan mo nga ang langit, kay liwa-liwanag.” Tiningala ni Chris ang asul na langit. Mukha ngang maliit ang tsansang umulan sa araw na iyon. Bumuntong-hininga siya. “O, anong meron? Bakit gusto mo yatang umulan ngayon?” “Si Adam kasi...” Bumaling siya sa kaibigan. “Niyaya niya ako ng date ngayon.” “May date pala kayo ngayon, hindi mo sinasabi!” “Iyon na nga, eh...” Muli siyang bumuntong-hininga. “Sabi ko sa kanya, papayag akong sumama sa kanya ngayon kapag umulan.” Nanlaki ang mga mata ng kaibigan. “What?” Kinagat niya ang ibabang labi. “Sabi mo kasi, pahirapan ko siya…” “Sinabi ko na pahirapan mo, pero hindi naman gano'n,” sagot ng kaibigan. “Paano kung hindi umulan ngayon?” Hindi nga niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at sinabi niya iyon sa binata. Ngayon ay gusto niyang pagsisihan at bawiin ang sinabi niya. “Ano'ng gagawin ko, Imee?” “Ano pa? Eh, di simulan mo nang ipagdasal sa lahat ng santo na umulan ngayon.” Pagkatapos ng klase niya ay nakatanggap siya ng text mula kay Adam. I'm here outside your building. Mula sa bintana ng classroom ay sinilip niya ang langit. Still no sign of rain. Ano’ng gagawin niya? Papayag ba siyang makipag-date kay Adam kahit alam niyang malabong umulan? He was standing outside of the Arts Building, wearing a black pants and navy blue long sleeved that rolled up to his elbows. Matagal nang guwapo si Adam ngunit lalo pa itong gumuwapo sa paningin niya ngayon. Darn. He looked delectably hot right now. Awtomatikong bumilis ang t***k ng puso niya nang magtama ang mga mata nila ng binata. “Hi, Chris,” he greeted her with his sexy smile of his. Darn. Sa isang simpleng ngiti ng binata ay nabuhay ang mga paru-paro sa tiyan niya. “Adam...” Nang mga sandaling iyon, sigurado siyang hindi niya kayang tanggihan si Adam. Eh, ano ngayon kung hindi umulan? She wanted to date this beautiful man in front of him and not even the freaking sky could stop her— Suddenly, petals of red roses fell from above. Nakaawang ang mga labing tumingala siya. Mula sa third floor ng gusali ay may mga lalaking nagsasaboy sa kanila ng mga rosas. Hindi makapaniwalang ibinalik niya ang tingin kay Adam. Halos matunaw ang puso niya sa ngiting nakapaskil sa mga labi nito. “I told you I'll make it rain, baby.” Nang mga sandaling iyon, literal na umuulan ng mga rosas. “I...” She was rendered speechless. Her heart was racing too fast. Butterflies were all over her stomach. Humugot siya ng malalim na hininga at buong tapang na hinawakan ang kamay ng binata. “Come on.” “Wait—” Nakaangat ang isang sulok ng mga labing nilingon niya ito. “O, akala ko ba may date tayo ngayon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD