Eight

3078 Words
“WAIT, anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Chris. They were at the NAIA Terminal 1. “Did you bring your passport?” “Yes—” Nanlaki ang mga mata niya. “Wait! Don’t tell me, lalabas tayo ng bansa?” “Why do you think I ask you to bring your passport? We're going to Singapore.” Muntik nang malaglag ang panga niya sa narinig. “Singapore?” “Don't panic. Hindi naman kita itatanan.” He winked at her. “I'll make sure we get back before the day ends.” He grabbed her hand. “Come on, we have a flight to catch.” Wala siyang nagawa kundi magpatianod kay Adam. “Teka, teka, ano’ng gagawin natin sa Singapore?” “Magde-date.” “Sa Singapore?” “Yes, baby.” Baby. Darn. Hanggang ngayon ay hindi mapigilang mamula ng pisngi niya sa tuwing ginagamit nito ang endearment na iyon sa kanya. That common endearment sounded extraordinary sweet coming from him. “Teka—teka, Adam!” kinakabahang pigil niya sa lalaki nang sabihin nito sa driver ng taxi kung saan sila pupunta: Marina Bay Sands. “A-akala ko ba uuwi rin tayo mamaya?” “Oo nga.” “Eh, bakit kailangan pa nating mag-hotel?” “Do you trust me, baby?” “Yes.” Hindi naman siya sasama kay Adam kung hindi niya pinagkakatiwalaan ang lalaki. Pagdating nila sa hotel, sa halip na sa front desk ay sa elevator na sila tumuloy. “Where are we really going, Adam?” hindi mapakaling tanong niya sa lalaki. “Just wait and you'll see.” He smiled and winked at her. Dumiretso sila sa isang function room ng hotel kung saan…kung saan nagaganap ang art exhibit ni Janela Mazumi, isa sa pinakasikat na landscape painter sa buong Asya. “Surprise, baby,” malambing na bulong sa kanya ni Adam. “Oh my God!” malakas na suminghap siya bago bumaling kay Adam. “Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na ito pala ang pupuntahan natin?” “Kung sinabi ko sa 'yo, eh, di hindi kita na-surprise.” “But we’re underdressed, Adam.” Napatingin siya sa babaeng dumaan sa harap nila. She was wearing a red cocktail dress and a pair of black pumps. Nag-aalangang ibinaba niya ang mga mata sa pink long sleeve dress at wedge sandals na suot. She looked out of place. “You may be a bit underdressed, but still you're the most beautiful girl here.” Indeed, Adam was looking at her like she's the prettiest girl. And that made her feel confident. “So, shall we?” inilahad nito ang kamay sa kanya. Matamis ang ngiting iginanti niya sa binata kasabay ng pagtanggap sa kamay nito. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita niya ang mga painting na naka-exhibit sa loob ng bulwagan. Muntik naman siyang mapatalon sa tuwa nang makaharap niya si Janela. “Thank you so much, Adam,” buong pusong pasasalamat ni Chris kay Adam. She was just expecting a dinner or a movie date on their first date. But Adam gave her the best date she could ever have in her life. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. She wanted to kiss him and throw her arms on him right now. “I told you I'll do anything to make you happy, Chris. I'm happy you’re happy right now…” “I'm more than happy right now, Adam. Thank you, again and again…” “Well, if you're really wanna thank me, I accept kisses, baby,” he playfully said. Kahit alam niyang nagbibiro lang si Adam nang mga sandaling iyon, hindi niya napigilan ang sariling mapatingin sa mapupulang mga labi ng lalaki. Naalala niya ang utang niyang halik sa binata, hanggang ngayon ay hindi pa siya sinisingil ng lalaki. Damn. She couldn't deny that she missed his kisses. She missed his sweet lips— “Chris, please don't look at me like that.” “L-like what?” “Like you're dying to be kissed.” Namula ang magkabilang pisngi niya. Gusto niyang itanggi ang sinabi ng binata subalit hindi niya ginawa. It was the truth, anyway. “Stop looking at me like that before I can control myself from kissing you in front of these people,” he husky said while looking straight through her eyes. His sexy voice sent electrons down her spine while his instense stare sent butterflies in her stomach. “Well, you can kiss me later, Adam. May utang pa ako sa 'yo, di ba?” Hindi niya alam kung paano niya iyon nagawang sabihin sa binata habang diretsong nakatingin sa mga mata nito. “I won’t kiss you again until you’re mine, Chris. I want our next kiss to be as a couple.” Sa pagkakataong iyon ay tila may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. “The auction will now start.” Pareho nilang ibinaling ang tingin sa host na nagsalita sa mini stage. Ipapa-auction ang lahat ng painting na kasama sa exhibit. Ang perang malilikom ay mapupunta sa mga charity na sinusuportahan ni Janela Mazumi. “And now, the bidding will start for the ‘Sakura.’” Inakyat sa stage ang naturang painting. It was a painting of the famous cherry blossoms of Japan. Sa lahat ng mga painting sa exhibit ay iyon ang pinakanagustuhan niya. “The bidding will start with one thousand dollars.” “One thousand five hundred dollars.” Lumipad ang tingin niya sa babaeng nagsalita. Kinagat niya ang ibabang labi at itinaas ang isang kamay. “Two thousand dollars.” “Two thousand dollars for the lady in pink. Is there anyone who can bid higher than that?” “Five thousand dollars.” “Ten thousand dollars.” Bahagyang bumagsak ang balikat niya. Kahit gustong-gusto niya ang painting na iyon ay hindi na niya kayang makipagsabayan sa mga kasama sa bidding. Oo nga at may trust fund at may savings naman siya subalit hindi naman niya kayang gastusin iyon para lang sa isang painting. “Twenty thousand dollars.” Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang nagsalita. Si Adam. “I CAN'T believe you spent almost a million for a painting, Adam,” wika ni Chantry kay Adam. They were inside the famous Singapore Flyers. Mula sa puwesto nila ay tanaw na tanaw nila ang buong Singapore. “Akala ko wala kang hilig sa art?” “Wala naman talaga.” “Eh, bakit...” “It was all for you, Chris. I bought that painting for you.” Her mouth dropped in disbelief. “A-adam.” “I know how much you wanted that piece of art, baby. And I want to give you everything you want.” “Adam, I can't accept that. That's too much…” “I am willing don't mind spending to spend all my fortune for the girl I love.” Sa isang iglap ay nabalewala ang magandang tanawin na nakikita niya. Nang mga sandaling iyon, tanging kay Adam lang nakapokus ang mga mata niya. “I love you, Christine…” madamdaming pahayag nito habang diretsong nakatingin sa kanya. “Adam, I…” She cupped his face and captured his lips with a kiss. Halatang nabigla ang lalaki sa ginawa niya. Subalit nang makabawi ay walang pag-aalinlangan nitong tinugon ang halik niya. “I'm in love with you, too, Adam,” nakangiting pag-amin niya habang nakasandal ang noo nila sa isa’t-isa. “And my feelings for you is greater than my fear…” “GOOD morning, baby,” malambing na bati kay Christine ni Adam nang tawagan siya ng nobyo habang lulan siya ng taxi papasok sa university. Nobyo. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti nang mag-echo sa utak niya ang salitang iyon. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay boyfriend na niya si Adam. “Good morning, baby,” malapad ang ngiting bati niya sa binata. Pagbaba sa taxi ay agad niyang natanawan si Adam sa entrance ng campus. Awtomatikong nagwala ang mga paru-paro sa tiyan niya nang magtama ang mga mata nila. He was holding a bouquet of red roses. “For my beautiful girlfriend,” malambing na wika nito habang iniaabot sa kanya ang hawak nitong bulaklak. “Thank you, baby.” Natigilan siya nang mapansin ang naka-print sa t-shirt na suot nito. Personal property of Christine Tolentino. “Adam! Ano iyang nakasulat sa t-shirt mo?” “Personal property of Christine Tolentino,” malapad ang ngising wika nito sabay kindat. Halos lahat ng dumadaan ay napapatingin sa kanila ni Adam. “Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan tayo, oh!” “Baby, ano namang nakakahiya kung ipangalandakan ko sa lahat na pag-aari mo ako?” “Pag-aari talaga?” “Yes. From now on, I'm all yours, baby. Body, mind and soul.” Kinagat niya ang ibabang labi para itago ang matinding kilig na gumapang sa katawan niya. “See you later,” paalam niya sa binata pagdating nila sa tapat ng classroom niya. ““I love you, baby. See you later.” Nanlaki ang mga mata niya nang kintalan siya ni Adam ng halik sa sulok ng mga labi. Bago pa siya makapag-react ay nakalayo na ito sa kanya. “DO I look fine?” kinakabahang tanong ni Chris kay Adam habang lulan sila ng sasakyan nito papunta sa bahay ng mga magulang nito sa Alabang. “Baby, kahit basahan pa ang suot mo, maganda ka pa rin, okay?” “Adam naman, eh,” nakangusong wika niya. “Seryoso ako.” “Bakit? Seryoso din naman ako doon, ah.” He looked at her and smiled. “Baby, you don’t have to impress my parents, okay?” Kinagat niya ang ibabang labi. “Eh, paano kung hindi nila ako magustuhan?” “Magustuhan ka man nila o hindi, wala namang magbabago. Mahal pa rin kita.” Binalot ng mainit na pakiramdam ang puso niya sa sinabi ng nobyo. “Christine,” malapad ang ngiting wika ni Athena nang salubungin sila ni Adam. Adam's sister welcomed her with a warm hug. “Welcome.” “Thank you, ate.” “Kapag sinaktan ka ni Adam, sabihin mo lang sa ‘kin.” “That will never happen, ate. I will never ever hurt Chris.” Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa mga labi nito. Pagdating nila sa malawak na dining room ay tumambad sa kanya ang mga magulang ni Adam. “Parents, I want you to meet my girl, Christine Tolentino.” Matamis ang ngiting bumaling sa kanya si Adam. “Baby, this is my mom, Cherry Saavedra. And my dad, Lex Martin Saavedra.” “Welcome, hija.” Adam’s parents welcomed her wholeheartedly. Sa isang iglap ay nawala ang kabang nararamdaman niya kanina. At halos ma-speechless siya nang tikman ang mga pagkaing niluto ng daddy ni Adam. Ngayon ay alam na niya kung saan nakuha ni Adam ang talento nito sa pagluluto. Pagkatapos nilang kumain ay dinala siya ni Adam sa likod ng bahay ng mga ito kung saan naroon ang isang olympic size pool. “Do you want to swim, baby?” “Nah. Wala akong dalang damit, eh.” Nanlaki ang mga mata niya nang hubarin nito ang suot na t-shirt. “Come on, baby.” “Next time na lang, baby,” sagot niya habang ang mga mata ay nakapako sa likod ng lalaki. “Baby?” “Hmm?” “When did you get your tattoo?” “Second year college, baby. My cousin dared me to get a tattoo.” “Can I touch it?” “Baby, you already own my body,” pilyo nitong sagot sa kanya. “You can do whatever you want on it. You can even kiss and lick—” Namumulang pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Adam!” “Aw, my baby is such a prude,” he teased. She planted her fingers on his tattoo. Dahan-dahan niyang pinagapang ang mga daliri sa bawat linya ng tattoo nito pababa. “It's really beautiful,” sambit niya. “And you’re much more than beautiful.” Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa mga labi nito. “I never thought it's possible to fall in love this hard. I love you, baby.” “I love you, too, baby.” “WHAT did you paint, baby?” curious na tanong ni Chris kay Adam habang nakatingin sa kulay pulang imaheng ipinipinta nito. Magkatabi silang nakaupo ng nobyo sa mga dyaryong inilatag niya sa sahig ng workroom niya. “You first, baby.” “Fine.” Iniharap niya rito ang hawak na canvas. “Your eyes. My favorite part of you,” Malaki ang ngiting wika niya. “Your turn, Adam.” Iniharap nito ang hawak na canvas sa kanya. “I also painted my favorite part of you. Your lips...” “Bakit parang hindi naman mukhang lips iyan?” biro niya rito. Bahagya itong ngumuso. “I know I sucked at this...” Natawa na lang siya. “Pero may alam akong art kung saan ka magaling.” Itinaas niya ang isang kilay. “Sa art of flirting.” “Baby, I know I'm a big flirt before. But I'm a change man now. Wala na akong ibang babaeng gustong landiin kundi ikaw lang…” “I know, baby.” “I have a confession to make, baby.” Inilapag nito ang hawak na canvas sa sahig. “Confession?” “Remember Evan?” Tumango siya bago ito nagpatuloy. “Alam ko na kinausap mo siya para maging subject ng painting mo. And I ask him to say no… Kinausap ko rin ang iba na tanggihan ka.” Umawang ang mga labi niya. “Kaya naman pala…” Pinalo niya ito sa braso. “You manipulative freak.” “But now, you love this manipulative freak.” Bahagya siyang umingos. “Pasalamat ka, mahal kita.” “Pero mas mahal kita.” Napangiti na lang siya. “I have a confession to make, too. The truth is…you are my first kiss.” “I know, baby.” Napaawang ang mga labi niya. “How…?” “Because, you don’t know how to kiss…” Namula ang pisngi niya sa sinabi nito. “Eh, ngayon…?” “Hmm, you still need a lot of practice…” Pilyo itong ngumiti. “And speaking of practice…” Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya. He kissed her nose first, then her cheeks before his lips finally captured her lips. Napahigpit ang kapit niya sa balikat ng lalaki. Namalayan na lang niyang nakasandal na siya sa pader habang marubdob silang naghahalikan ni Adam. Mula sa balikat ni Adam ay bumaba ang palad niya sa malapad na dibdib ng binata, pababa sa matigas na tiyan nito. “Stop, baby...” Adam caught her hands and withrew from the kiss. “Let’s stop baby…” Isinandal nito ang noo sa kanya. “Before I lose control.” Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Damn. Nahihiya siyang isipin na siya ang mas naging agresibo sa kanilang dalawa ni Adam. He was really a walking temptation. He made her lose all her senses. “I'm sorry I ruin your shirt,” wika niya habang nakatingin sa puting t-shirt na ngayo'y puro mantsa na ng pintura. He just chuckled before planting a chaste kiss on her lips. “Come on, baby, let's eat.” Dinala siya ng lalaki sa kusina. “Kumusta nga pala iyong stalker mo?” naalala niyang itanong sa lalaki sa gitna ng pagkain nila. “I don't see her anymore. Natauhan na siguro,” sagot nito. Sinubuan siya nito ng meatball spaghetti na ginawa nito. “Adam…” “Yes, baby?” “Tuwing anniversary ba ng APO, lagi kang sumasama sa parada?” “Actually, ito ang unang aniversary ng APO na sumali ako parada.” “Next year, sasali ka?” Kahit malayo pa ang susunod na taon, hindi na niya mapigilang makadama ng pagngingitngit kapag naiisip na muli nitong ibabalandra ang katawan sa madla. “Bakit mo itinatanong, baby?” “Ha? Wala lang,” kunwa'y pasimple siyang nagkibit-balikat. “Wala lang?” Nakaangat ang kilay na gagad nito na tila hindi kuntento sa sagot niya. “Fine.” Bahagya siyang ngumuso. “I'm your girlfriend now ‘di ba? Siyempre, ayokong makita ng ibabang babae ang katawan mo.” Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. “Don't worry, baby. Hanggang tingin na lang naman sila.” “Kahit na, ayoko pa rin na makita nila.” “Possessive.” He grinned before placing a chaste kiss on her lips. “Don’t worry, baby. Sa ‘yo ko na lang ibabalandra itong katawan ko.” Namula ang mukha niya. “Do you have plans for this weekend, baby?” tanong sa kanya ng nobyo. “Wala naman. Bakit, baby?” “Good. We're going somewhere...” “Where?” “Secret, baby.” He winked at her. “Sige na, baby,” nakangusong pangungulit niya rito. “Fine.” He then again captured her lips in a chaste kiss. “We're going to Sagada.” OMG! You're really going to Sagada? Iyon ang text message na na-receive ni Chris mula kay Imee habang lulan sila ni Adam ng bus pa-Baguio. Paano mo nalaman? reply niya sa kaibigan. Sumulyap siya sa bintana. Hindi niya alam kung nasaan na sila nang mga sandaling iyon. Nasa Pampanga sila kanina nang makatulog siya sa bisig ni Adam. Paggising niya ay ang nobyo naman ang tulog habang nakasandal ang ulo sa kanya. Nag-post ng picture si Adam sa IG niya. Nagpunta siya sa i********: account ni Adam. Nakita niyang naka-post doon ang selfie nila kanina bago umalis ang sinasakyang bus. Binasa niya ang kasamang caption ng larawan. The best picture of me is a picture with her. #offtoSagadawithmygirl Kung noon ay puro sasakyan at mga lugar na napuntahan nito ang mga larawang naka-post sa i********: nito, ngayon ay puro larawan na niya ang naroon. Sumabog ang puso niya sa kilig dahil sa isang partikular na larawan. It was a stolen shot of her while she was in her work room painting. Binasa niya ang caption na kasama niyon. My baby. Ibinaling niya ang tingin sa natutulog na nobyo. He was really the sweetest boyfriend ever. Malapad ang ngiting pumikit siya at isinandal ang ulo sa balikat nito. She was really one lucky girl for having him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD