Chapter 9

1156 Words
Matapos ang isang araw na binigay sa akin ni Boss Sungit na day off ay balik ulit ako sa trabaho. At sa ngayon ay kasalukuyang nasa dance studio kami, kasama ang kabanda ni Boss Sungit. Nagtataka nga ako, e. Kasi nga 'di ba rocker siya tapos magpapractice ng sayaw, anong connect noon? Trip lang? Lakas din ng tama nitong sila Boss Sungit, e. Nasa may gilid lang ako na nanonood sa kanila. Pero in fairness ang galing sumayaw ni Boss Sungit, may talent din siya sa pagsasayaw, e 'di siya na ang talented. Ako rin naman a, talented mamaya sasamplan ko sila ng tunay na talent makikita nila. Mayamaya ay nagbreak na sila Boss Sungit lumapit naman siya sa akin at inabot ko naman ang hawak kong mineral water. Tumayo naman ako nang umupo si Boss Sungit sa tabi ko kunot noo naman na nakatingin sa akin si Boss Sungit. Bigla akong nakarinig ng kanta na trumpet, kaya naman nagsasayaw-sayaw na ako sa harap ni Boss Sungit, sa 'di naman pagmamayabang may talent din ako sa pagsayaw 'no, katunayan nga dati noong may pacontest sa barangray namin sumali ako sa dance contest at ako ang nag-champion, o 'di ba ang galing ko, sabi ko sa inyo talented din ako. Mayamaya ay may humila sa akin sa gitna pagtingin ko ay si Stephen na nakikisayaw na rin, mamaya-maya ay sumali na si James at si Aeron kaya kaming apat na ang sumasayaw, nakaharap kami sa malaking salamin at ako ang nasa gitna nila. Bigla naman dumating na sa chorus, kaya na todo sayaw na ako. Aba nandito na ako ipakita ko na rin ang sayaw ko, narinig ko naman na nagpapalakpakan ang mga tao, ngumiti lang naman ako napatingin naman ako kay Boss Sungit na tulalang nakatingin sa akin habang nakaupo at hawak-hawak ang tubig sa kamay niya na nasa tuhod niya. Todo bigay ako sa pagsayaw ko, mabuti na lang at medyo maluwag ang damit na sinuot ko kaya malaya akong nakakagalaw. Nang matapos na 'yong togtog ay nagpalakpakan ang mga tao ako naman ay nag-bow. "Salamat! Salamat!" sabi ko habang nakataas pa ang isang kamay at magba-bow. Lumapit sa akin si Manager Love na pumapalakpak. "Wow, ang galing mo!" sabi ni Manager Love. "Ay 'di naman, tama lang," sabi ko. "Sus, pa-humble ka pang bakla ka," sabi ni Manager Love "Syempre manager, ika nga ang mga tao, humble lang daw ang nakakaakyat sa langit, so makakaakyat na ako sa langit, makakasakay na ako sa escalator papuntang langit!" Nakangiti kong sabi. "Ay ganoon pala 'yon," sabi ni Manager Love. "Oo 'di mo alam? Naalala ko lang 'yon sabi kasi 'yon ng math teacher ko noong high school ako kaya dinala ko hanggang ngayon humble ako," sabi ko habang nakangiti pa. "E 'di ikaw na." "Salamat," sabi ko. "Pero ang galing mo sumayaw, ha? Marunong ka pala." Natutuwang sabi ni Manager Love. "Naman, kaya nga kapag may dance kid na ulit na pa-audition, sasali ako," sabi ko. "Dance kid? 'Di ba pangbata 'yon?" Tanong ni Manager Love. "Ay pangbata ba? Akala ko p'wede ako roon, 'di kasi ako nakapanood noon na rinig ko lang sa kapatid ko, 'di bali sa dance adult sasali ako." Nakangiti kong sabi bigla naman nangunot ang noo ni Manager Love. "Mayroon ba noon?" Tanong ni Manager Love. "Ewan?" Patanong kong sabi. "Alam ko wala e," sabi ni Manager Love habang nag-iisip. "Ay wala pala, sa The Voice na lang ako sasali," sabi ko habang nakahawak sa baba ko. "The Voice? Anong connect noon sa sayaw?" Gulat na tanong ni Manager Love. "Bakit? 'Di ba 'yon dance contest? Pwede naman sumayaw doon 'di ba?" Inosente kong tanong. "Jusko Vannie, maloloka ako sa'yo," sabi ni Manager Love na nakahawak na sa noo niya at hinihilot-hilot 'yon. E? Pwede naman sumali sa The Voice 'di ba? Pero teka The Voice? Baka singing contest 'yon, 'di bale kakanta na lang ako ta's sasayaw ako o 'di ba solve. "Aw, kawawa ka naman Manager Love," sabi ko. Inirapan naman ako ni Manager Love sabay walk out habang hawak-hawak ang noo niya. Naramdaman ko naman na may umakbay sa akin pagtingin ko si James pala. "Vannie, 'yong The Voice singing contest 'yon," sabi ni James. "Sabi na e, singing contest sasali na lang ako ta's sasayaw ako." Masaya kong sabi. "Marunong ka ba kumanta?" Tanong ni James. "Oo naman," sabi ko. "E 'di sali ka, ano kakantahin mo sa audition?" Tanong ni James. "Harlem Shake!" Masaya kong sabi bigla naman natulala sa akin si James. Bakit may mali ba sa sinabi ko? E gusto ko kantahin Harlem Shake, e. Mamaya search nga sa google ang lyrics ng harlem shake, nang mapag-aralan ko. "Vanessa!" Sigaw ni Boss Sungit, kaya naman napatingin ako kay Boss Sungit na masamang nakatitig sa akin. "Yes, Boss Sungit!" Sigaw ko rin. "Come here, now!" Sigaw niya at umalingawngaw 'yon sa loob ng studio, grabe mala megaphone boses ni Boss Sungit siguro nakalunok 'yan ng megaphone. Kawawa naman siya nakalunok ng megaphone. Humarap naman ako kay James na ngayon ay tulala pa rin tinapik ko ang pisngi niya. "Ba-bye na muna puntahan ko lang si Boss Sungit," sabi ko sabay alis ng kamay niya sa balikat ko. Naglakad naman ako papunta kay boss sungit habang nakangiti, siya naman ay masamang nakatingin sa akin. Bakit ba laging galit 'to sa akin? Insecure? Baka bakla siya? Tapos naiingit siya sa akin kasi ako tunay na babae? Kaya pala. Kaya pala lagi siyang galit sa akin, bakla pala siya, nagtatago lang siya sa masungit na Boss Sungit, kasi nga sikat siya malaking kakahiyan 'yon. Nakaramdam naman ako ng awa kay Boss Sungit. 'Di bale safe sa akin si Boss Sungit, 'di ko pagsasabi na bakla siya. Nang makalapit na ako kay Boss Sungit ay agad niya naman akong hinila palabas, kaya naman dali-dali kong hinablot 'yong bag ko ng may mga gamit ni Boss Sungit. "Oy Boss Sungit, 'di pa yata tapos practice mo? Bakit umalis agad tayo tsaka teka lang 'yong braso ko naman," sabi ko pero derederetso siya sa paghila sa akin. "Boss Sungit may tanong ako?" Tanong ko. 'Di naman siya sumagot at patuloy lang akong hinihila. "Bakla ka ba Boss Sungit?" Tanong ko bigla naman siyang napatigil at galit na humarap sa akin. "Hindi ako bakla!" Matitigas na sabi ni Boss Sungit, imbes na matakot ako ay naawa ako. Naiintindihan ko naman siya na ayaw niya aminin. "Okay lang Boss Sungit," sabi ko habang nakangiti, kaya hinila niya ulit ako. "Boss Sungit, pagamit ng laptop mo mamaya may ise-search lang ako," sabi ko. "Ano?" Tanong niya. "Lyrics ng Harlem Shake sasali ako sa the voice e, ta's sasayaw ako o 'di ba. Ang ganda ng naiisip ko!" Nakangiti kong sabi natigilan naman si boss sungit at kunot noong humarap sa akin. Binitawan niya ang braso ko at hinilot ang noo niya bago naglakad papalayo sa akin. E? May nasabi ba akongmali? Wala naman di'ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD