Chapter 8

1277 Words
Matapos ang mahabang araw na ito ay umuwi na kami sa condo ni Boss Sungit pagdating namin sa unit ni Boss Sungit ay agad siyang umupo sa maganda niyang sofa, tumabi naman ako sa kanya. "Nakakapagod," sabi ko habang nakasandal. "Ikaw pa ang napagod?" Nakangising sabi ni Boss Sungit. "Oo naman aba, 'di biro ang pagiging P.A 'no, try mo kaya ako boss mo ta's ikaw P.A ko." Nakangiting ko sabi. "Wala kang sahod kapag nangyari 'yon!" Kunot noo na sabi ni Boss Sungit. "Sabi ko nga, 'wag na lang," sabi ko. Napatayo ako bigla sa sofa ng maalala ko ang kapatid ko. "Boss Sungit, ba-bye na muna, ha? Bibisitahin ko kapatid ko baka magtampo sa akin 'yon kasi 'di ko na bisita kahapon," sabi ko sabay kuha ng bag ko at derederetsong lumabas ng unit ni Boss Sungit 'di ko na hinintay ang sasabihin niya baka 'di ako payagan, iba na ang sigurado 'no! Siguradista lang ako. Nang makarating na ako sa hospital ay tumawag agad si Boss Sungit. "Boss Sungit, miss mo agad ako, sorry 'di kita na miss, e!" Nakangiti kong sabi. "What the--" "Packing tape, oo na," sabi ko. "Wala akong pagkain dito, bakit ka umalis agad 'di pa kita pinapayagan?!" Tanong ni Boss Sungit, tanong pa ba kung sumisigaw na siya? "Aba, kasalanan ko ba 'yon boss?" Tanong ko habang naglalakad. "Anong ibig mong sabihin?!" Sigaw niya sa akin. "Kasalanan ko ba kung 'di ka pa nakakain, bakit dala ko ba ang kaldero, ay mali rice cooker mo? Hindi naman, 'di ba? So matuto kang maging independent, malaki ka na Boss Sungit at isa pa wala na ako sa trabaho ngayon kaya ba-bye!" sabi ko narinig ko na may sinasabi pa siya pero binabaan ko na agad siya. Bahala siya buhay niya. Masaya akong naglakad papunta sa ward kung nasaan kapatid ko mabuti na lang at 'yong nababaan ko kanina ay kaharap lang ng mga prutas kaya bumili ako ng orange at apple. Maraming ganito sa unit ni Boss Sungit dapat kumuha na lang pala ako roon, sayang 'di bale next time kukuha ako. Nang makarating ako kung nasaan ang kapatid ko ay nagulat ako nang wala siya roon, agad naman akong kinabahan, nilapitan ko naman ang nurse na nagche-check sa pasyente, mabuti na lang ay sinabi sa akin na nilipat daw sa private room ang kapatid ko kahit nagtataka ako kung paano na punta sa private room ang kapatid ko, pinuntahan ko na agad ang room ng kapatid ko pagdating ko roon ay nakita ko agad si Aling Nina at ang kapatid ko na natutulog pa. Agad naman akong lumapit kay Aling Nina. "Sino po naglipat dito sa private room?" Tanong ko agad kay Aling Nina, 'di naman ako ang nagbayad kasi wala pa akong pera. "Ha? Hindi ba ikaw?" Tanong ni Aling Nina. Umiling naman ako. "'Di ko pa po nakukuha sahod ko kaya 'di ko pa pwedeng mailipat ang kapatid ko, paano nangyari 'yon?" Tanong ko rin. "Hay, kung sino 'man 'yon magpasalamat na lang tayo dahil dito mas makakapagpahinga ng maayos si Angela," sabi ni Aling Nina. "Tama po kayo, ay Aling Nina okay na po ako rito. Ako naman po ang magbabantay, pasensya na po talaga sa abala, si Angel pa pala kamusta?" Tanong ko. "Okay naman si Angel at isa pa ayos lang ito Vannie, tayo-tayo rin naman ang magtutulungan, 'di ba?" Tumango naman ako. Mayamaya ay nagpaalam na si Aling Nina na uuwi na raw, ako naman ay inalok na ihahatid siya kaso sinabi na bantayan ko na lang daw si Angela baka raw magising at umiyak ng walang kasama. Nang ako at si Angela na lang ang nasa kwarto na 'yon ay naupo ako sa tabi ni Angela at tinitigan ito, napatingin ako sa relos ko at alas nwube na pala, pinatay ko muna ang ilaw at sumobsob ako sa may gilid ni Angela at natulog, pagod din kasi ako ngayong araw kaya kailangan ko mag pahinga para sa trabaho ko bukas. Kinabukasan ay nagising ako ng gisingin ako ni Angela. "Bakit kambal gutom ka na ba?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Kambal dito ka muna ha, bibili lang ako ng makakain mo, baka kasi mamaya pa dumating 'yong pagkain dito manood ka na lang muna ng tv diyan ha, bibili lang ako ng makakain mo," sabi ko tumango naman siya ako naman ay lumabas na ng kwarto at dumeretso sa cafeteria ng hospital, bumili ako ng tapsilog na tinda roon dalawa na ang binili ko para tig-isa na kaming dalawa ni Angela. Nang may makita akong kape ay bumili na rin ako, bago bumalik sa kwarto ni Angela. Nang nasa labas na ako ng kwarto ni Angela ay may na rinig ako na parang may kinakausap si Angela. Naisip ko naman na baka si Aling Nina lang 'yon, pumasok na ako sa loob at nakita ko naman agad doon si Boss Sungit na masayang nakikipag-usap sa kapatid ko. "Ikaw ang boss ng ate ko?" Masayang tanong ni Angela. "Oo ako," nakangiting sabi ni Boss Sungit, aba himala ngumingiti si Boss Sungit. Ang gwapo ngumiti kaya naman natulala ako. "Ang g'wapo niyo po sa personal, lagi po kitang nakikita sa tv, tapos ang galing niyo po kumanta." Masayang sabi ni Angela. Tumawa lang naman si Boss Sungit na lalong nakapagpatulala sa akin, tumatawa talaga siya. Ang g'wapo niya sana ganiyan na lang siya lagi. Buti pa kapatid ko kilala itong si Boss Sungit, ako 'di ko talaga kilala, sikat pala talaga siya. "Alam mo ba na baliw ang ate mo?" Tanong ni Boss Sungit kay Angela. Bigla naman nanglaki ang mga mata ni Angela. "Hala, 'di po siya baliw!" sabi ni Angela kaya tumawa naman ulit si Boss Sungit, kaya naman ako tulalang-tulala, kakagatin ko sana ang hintuturo kong kamay ng nakalimutan kong may hawak pala akong kape kaya ayon natapunan ako, napaso pa ako. "Ang init, ang init!" sabi ko habang hawak-hawak na ang damit ko na natapunan ng kape. Bigla naman napatingin sa akin ang dalawang nag-uusap at nakakunot noong nakatingin sa akin si Boss Sungit. "Ate, siya raw boss mo?" Masayang tanong ni Angela, ngumiti lang naman ako kay Angela habang hawak-hawak ang damit ko na natapunan ng kape. "Ano nangyari?" Kunot noong tanong ni Boss Sungit sa akin habang nakatingin sa damit kong natapunan ng kape. "Ikaw, ikaw ang may kasalan, bakit ka kasi tumawa? Bakit?" Tanong ko habang nakaturo sa kanya, bigla niya naman akong kinunutan ulit ng noo bago ngumisi. "Packing tape ka Boss Sungit, nakakainis ka, teka-teka, paano ka napunta rito at paano mo nalaman ang hospital na 'to wala akong sinasabi sa'yo, stalker kita 'no?" Tanong ko habang naka turo sa kanya. "'Wag ka ngang asumera, I have my ways kaya 'wag kang mag-assume na ini-i-stalk kita, mahiya ka nga." Masungit na sabi ni Boss Sungit. "Sungit!" Sigaw ko sa kanya. "Dapat nga pasalamatan mo pa ako, e," sabi ni Boss Sungit. "At bakit naman?" Nakapamaywang kong sabi. "Ako lang naman ang nagpalipat dito sa private roon sa kapatid mo," sabi niya natigilan naman ako. "Talaga?" Tanong ko. Tumango naman siya. Dali-dali akong tumakbo sa kanya at niyakap siya. "Salamat, Boss Sungit!" sabi ko habang yakap-yakap siya at nagtatalon pa ako, mayamaya ay napalayo ako sa kanya napatingin naman ako sa damit niyang may mansya na napapeace sign naman ako sa kanya. "Sorry lalabhan ko na lang," sabi ko tiningnan niya lang naman ako ng masama. "By the way, day off mo muna ngayon," masungit na sabi ni Boss Sungit. "Talaga? Salamat boss, salamat," sabi ko sabay yakap ulit sa kanya bumitiw naman agad ako. "Sorry," nakapeace sign kong sabi. Mabait din talaga si Boss Sungit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD