Chapter 7

1241 Words
Nandito na kami ngayon sa pictorial ng masungit kong boss habang kinukuhaan siya ng picture ay nakaupo lang ako sa isang tabi habang hawak-hawak ang shoulder bag, tinitingnan ko siya habang pinipicturan siya. Bakit ba walang pagbabago ang mukha niya? Laging nakapoker face may problema ba sa mundo si Boss Sungit at minsan lang ngumiti. Nang matapos na siya picturan ay lumapit ako sa kanya at inabutan ng tubig, sabay talikod sa kanya at upo ulit sa isang tabi, pag-upo sa ikinauupuan ko kanina ay muntik na akong mahulog sa inuupuan ko, dahil nagulat ako na nasa harap ko na siya, 'di ko alam na nakasunod pala siya sa akin. May power yata 'to si Boss Sungit, e. "Ano bang problema mo?!" Inis na tanong niya, tinaas ko naman ang isang kamay ko at hinarap ko sa mukha niya. "Talk to my hand!" sabi ko bigla naman siya kumunot noo at tiningnan ako ng masama sabay talikod at lakad ulit papunta roon sa pwesto niya kanina tinawag kasi siya na magsisimula na ulit, habang naglalakad siya papunta sa tinuturong direksyon ng photographer ay bigla siyang nadapa. Ako naman ay todo kagat labi na at halos magsugat na ang labi ko kakapigil ng tawa, siya naman ay confident na tumayo habang nakatingin sa paligid na 'di tumatawa, nang naglakad ulit siya bigla na naman siyang nadapa at dahil 'di ko kinaya ay tumawa ko ng sobrang lakas habang nakaturo sa kanya tiningnan niya naman ako ng masama, mayamaya ay tumawa na rin ang ibang tao sa studio at ako naman ay halos humiga na sa sahig kakatawa, siya naman ay nakatingin sa akin ng masama na para bang gusto niya akong itapon palabas. Bigla siyang lumapit sa akin kaya naman napatigil ako sa pagtawa. "Don't laugh!" Sigaw niya sa akin ako naman ay todo pigil sa tawa, hanggang sa 'di ko kinaya ay tumawa na naman ako. "Ang epic fail, Boss Sungit," sabi ko habang tumatawa bigla naman niya akong tiningnan ng masama at hinila ako hanggang sa labas ng studio. "Oy boss sungit, 'di pa tapos 'yong pictorial mo, 'di ba?" Tumatawa kong tanong. "Shut up!" Sigaw niya habang hila-hila ako sumakay kami sa elevator at tiningnan niya ako ng masama ako naman ay natawa lang sa kanya. Napaatras ako ng bigla siyang lumapit sa akin, hanggang sa nacorner na niya ako. "Alam mo bang ikaw pa lang ang unang nagpahiya sa akin ng ganyan, dahil diyan babawasan ko ang sahod mo fifty thousand na lang ang sahod mo!" Inis niyang sabi bigla naman nang laki ang mata ko. "Ano?!" Sigaw ko sa mukha niya, bigla naman siyang napapikit ang pinunasan ang laway ko na tumalsik sa mukha niya ako naman ay inamoy ang hininga ko. Good, hindi mabaho, mabango pa rin! "Walang ganiyanan Boss Sungit kailangan ko ng pera, 'yong kapatid ko nasa hospital!" Sigaw ko sa kanya. Bigla niya naman nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Wala akong paki alam!" sabi niya. "Wala kang isang salita!" sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya mas nilapit ko rin naman ang mukha ko sa kanya hanggang magdikit na ang noo namin, parehas masama ang tingin namin sa isa't isa. Nasa ganoon posisyon kami ng bumukas ang elevator at may biglang tumili kaya naman sabay kaming napatingin ni Boss Sungit, nakita namin ang isang baklang nakatingin sa amin sabay naman ulit kaming nagkatinginan ni Boss Sungit at sa inis ko hinead bang ko siya, kaya ayon napahawak siya sa noo niya, lumabas naman ako ng elevator at siya naman ay nakasunod sa akin napahawak din naman ako sa noo ko, nang may nakita akong banyo ay dali-dali akong pumasok doon, pagpasok ko ay nilock ko agad 'yon, tiningnan ko ang mga cubicle kong may tao buti na lang walang tao, dali-dali akong humarap sa salamin at napatingin sa namumulang noo ko napahawak ako roon at. "Masakit kasing tigas ng puso ni boss sungit ang noo niya, ang sakit, walanghiya ka boss sungit ang tigas ng noo mo," sabi ko na halos maiyak-iyak na ako. "I hate you talaga boss sungit!" Sigaw ko. "Hey, are you okay?!" Rinig kong may kumakatok sa may pintuan kaya naman. "Tuloy pa rin ang awit ng buhay! Yeah rock and roll!" Sigaw ko. "Okay lang ako, kumakanta lang ako!" Sigaw ko sa boses lalaking nagtanong kanina, dali-dali ko naman pinunasan ang luha ko na tumulo kanina bago buksan ang pintuan, nakita ko naman doon 'yong baklang nakakita sa amin ni boss sungit kanina, e? Boses lalaki siya kanina. "Okay ka lang?" Tanong niya. "Oo naman po, ako pa!" sabi ko napatingin naman siya sa noo ko na namumula at napangiwi, napatingin ako sa Boss Sungit ko na nakasandal sa may gilid habang nakatingin sa akin ng masama nakita ko naman na bumukol 'yong hineadbang ko. "Kayong dalawa, mabuti na lang ako ang nakakita sa inyo kanina, naku 'di ko alam gagawin ko sa inyo jusko!" Maarteng sabi ng bakla. "Ano ba ang relasyon ninyo?" Tanong noong bakla. "P.A ako ng walang puso, atay at balon-balunan niyang masungit na 'yan," sabi ko habang nakaturo pa kay Boss Sungit. Tiningnan lang naman ako ng masama ni Boss Sungit. "Ginawa mo namang manok 'yang masungit na 'yan," sabi noong bakla. "Totoo naman kasi nasilip ko na ang lamang loob niyan!" sabi ko bigla naman nanglaki ang mata noong bakla. "P-paano mo nagawa?" Kinakabahan niyang tanong napangisi naman ako. "Aswang kasi ako," sabi ko. "Weh?" Tanong noong bakla. "Awo, boo!" sabi ko bigla naman nahimatay 'yong bakla, napatingin naman ako kay Boss Sungit na nakasimangot na nakatingin sa akin. "Kakainin kitang wala puso, atay at balon-balunan ka," sabi ko habang papalapit kay Boss Sungit, ginulo ko ang buhok ko at hinarang sa mukha ko bago lumapit kay Boss Sungit. "Kakainin kita!" sabi ko habang papalapit sa kanya, siya naman ay nakapoker face lang na nakatingin sa akin. "Awo," sabi ko habang papalapit sa kanya ng medyo malapit na ako ay hinarang niya ang kamay niya sa akin kaya naman sakto 'yon sa mukha ko. "Tigilan mo ako sa kabaliwan mo," sabi niya sabay talikod sa akin at punta roon sa bakla, hinawakan nito ang isang paa nito ang pinasok sa isang pintuan ako naman ay inayos ang ang magulo kong buhok at sumunod kay Boss Sungit pagpasok ko sa pintuang pinasukan ni Boss Sungit ay nakita ko na may mini stage doon at may nakalagay na drums at microphone, dito yata nag papractice sila Boss Sungit napatingin naman ako sa may sofa at nakita ko roon sa may sahig na nakahiga ang baklang hinila ni Boss Sungit, lumapit ako kay Boss Sungit na busy sa pagkakalikot doon sa may microphones. "Boss Sungit! Sino siya?" Turo ko sa nakahiga sa sahig. "Manager namin," sabi niya. Nagulat naman ako. "Talaga? Hala baka matakot 'yan sa akin tapos maniwala na mumu talaga ako, hala," sabi ko habang nakatingin kay Boss Sungit, si Boss Sungit naman 'di ako pinansin busy pa rin siya sa pagkakalikot. Napatingin ako roon sa may sofa nakita ko naman na nakaupo na sa may sahig ang baklang manager nila, nang magsalubong ang mata namin ay ngumiti ako at kumaway. "Hello po!" Nakangiti kong sabi, saglit siyang napatingin sa akin at namutla bago sumobsob sa may sofa, agad naman akong lumapit doon at ginising kaso 'di magising nahimatay ulit yata. "Boss Sungit!" Tawag ko kay Boss Sungit, 'di naman niya ako pinansin. Hala, natakot sa akin, naniwalang aswang ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD