Chapter 6

1388 Words
Matapos kong ubusin ang mga hinanda kong pagkain ay nilinis ko na ang pinagkainan. At oo inubos ko lahat, si boss sungit kasi kaunti lang ang kinain baka gutumin 'yon mabuti na lang at nag-ready ako ng makakain kanina. Matapos ko malinis ang pinagkain namin este ko pala ay pumasok ako sa kwarto ni boss sungit mabuti na lang at nakadamit na siya ng mga panahon na 'yon pero sayang! "Boss Sungit!" Tawag ko kay boss sungit, kunot noo naman siyang tumingin sa akin. "Bakit ba lagi mo na lang akong tinatawag na Boss Sungit?" Tanong niya. "Bakit mabait ka ba?" Tanong ko, kunot noo lang naman siya at tiningnan ako ng masama. "Boss Sungit may extra ka ba riyang damit?" Tanong ko napatingin naman siya sa akin mula ulo hanggang paa. "Tingnan mo sa closet ko baka may damit!" Masungit niyang sabi sabay kuha ng backpack niya. "Salamat Boss Sungit, makikiligo na rin ako ha," sabi ko. 'Di naman siya sumagot, pumunta ako sa closet niya at naghanap ng damit nang makita ko roon, 'yong paper bag na nasa pinakababa ay tiningnan ko. Tamang-tama may damit at undies na rin. "'Yan ang mga dadalhin mo mamaya," sabi ni Boss Sungit sabay turo sa akin na nakalagay sa kama niya, parang mga damit nga 'yon e, nakaplastic lahat siguro nasa limang damit 'yon ta's may katabi pang may kalakihan na shoulder bag. "Aye! Aye captain," sabi ko habang nakasaludo ba 'di niya naman ako pinansin at lumabas na ng kwarto niya, dali-dali naman akong pumasok sa banyo ni Boss Sungit napa-wow ako ng makita ko 'yon. Ang laki ta's ang ganda, may nakita akong towel doon kaya kinuha ko 'yon at inamoy medyo basa pa 'yon ng kaunti. Amoy Boss Sungit siguro towel niya 'to. Magamit ko nga! Pumasok agad ako sa shower at nagsimulang naligo. Nang matapos na akong maligo ay binalot ko ang katawan ko ng tuwalya ni boss sungit bago ko suotin ang undies, ang 'yong jeans at damit, matapos akong maligo ay humarap ako sa salamin at inamoy ang hininga ko. Kadiri, wala pa pala akong toothbrush. Napatingin ako sa toothbrush na nakita ko napangiti naman ako at kinuha 'yon, inamoy ko muna 'yon. "Ang bango!" sabi ko, nakangiti akong nilalagyan 'yon ng toothpaste. "Hello toothbrush, ako nga pala si Vannie pahiram ako, pagamit na rin 'wag mo ako sumbong kay Boss Sungit baka magalit 'yon!" sabi ko habang nakatingin sa toothbrush, matapos kong kausapin ang toothbrush ni boss sungit ay tinoothbrush ko na 'yon. Nang matapos na ako magtoothbrush ay nilagay ko na ulit siya sa lalagayan bago ako lumabas ng banyo, tumingin ako sa salamin ni boss sungit at nakita ko na magulo ang buhok dahil bagong ligo lang ako. "Hey! Can you make it faster!" Sigaw ni boss sungit, kaya naman dali-dali ko na agad kinuha ang shoulder bag at 'yong mga damit sabay labas ng kwarto ni Boss Sungit tiningnan niya lang ako saglit bago siya magsalita. "Tara na!" Masungit niyang sabi. "Wait!" Pigil ko, agad naman akong tumakbo papuntang kusina at kinuha 'yong nakasupot na pagkain bago ko ilagay sa bag na dala ko, agad naman akong tumakbo kay Boss Sungit na kunot noo na naman nakatingin sa akin. "Gora na tayo boss!" sabi ko, 'di niya naman ako pinansin mabilis naman agad siyang lumabas ng unit niya kaya naman agad akong sumunod, syempre nilock ko na rin 'yong unit niya, mamaya manakawan pa 'yon ako pa masisi, masesante pa ako naku kailangan ko pa naman ng pera ngayon nasa hospital ang kapatid ko. Nakasunod lang ako sa boss ko na nakapokerface lang, bakit ba ayaw nito ngumiti? Ang gwapo pa naman ni Boss. Nang nakarating na kami sa parking lot ay sumakay naman agad siya sa kotse niya ako naman ay sumakay na sa passenger seat at nilagay sa likod ng kotse niya ang mga gamit niya nakangiti naman akong nakatingin sa kanya at siya naman ay nakatitig sa akin. "Tara na boss sungit!" sabi ko. "Baba!" sabi niya, napatingin naman ako sa kanya. "Ha?" sabi ko. "Sabi ko baba!" Sigaw niya, kaya naman bumaba ako, pagkababa ko agad niya pinaandar ang kotse niya. Kaya naman nagsisigaw ako sa parking lot. "Bastos kang masungit ka! Nakakainis ka!" Sigaw ko. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon?! Gwapo sana masama naman ang ugali! Wala na akong nagawa kun'di ang sumakay sa jeep papuntang studio. Pagkababa ko sa tapat ng studio ay nakasimangot ako habang naglalakad papasok. Ngayon, anong floor ko hahanapin ang Boss Sungit na 'yon! Alangan naman isa-isahin ko bawat floor. May nakita naman akong lalaking may hawak na drumstick kaya lumapit ako sa kanya. "Kuya!" Tawag ko habang kinakalabit si Kuya. Humarap naman siya sa akin. Wow, ang wafo naman nito! "Hi!" Nakangiti niyang sabi. Buti pa 'to mabait, 'di gaya ng masungit kong boss, madapa sana siya mamaya. "Kuya magtatanong lang ako, alam mo ba kung na saan si Boss Sungi--este si Nathan Vergara?" Tanong ko sa kanya bigla naman siyang ngumiti sa akin. "Si Hugh, oo naman tara sabay ka na sa akin, ako nga pala si James, ikaw siguro bagong P.A ni Hugh 'no, pagpasensyahan mo na 'yon kung iniwanan ka noon," sabi niya sabay tawa. "Paano mo nalaman?" Tanong ko habang naglalakad kaming dalawa pasakay ng elevator. "Ganoon kasi 'yon," sabi niya. "A," tumatango kong sabi. "Ano pala pangalan mo, Miss Ganda?" Tanong niya, nahiya naman ako tinawag akong ganda raw. "Ako si Vannie, twenty-three years old," sabi ko ngumiti naman siya sa'kin at inalok 'yong kamay niya tinanggap ko naman 'yon. "Ako si James Nate Robles, ang drummer ng Nights Rock," sabi niya. "Nights Rock?" Tanong ko. Bigla naman siyang natulala sa akin. "'Di mo alam 'yon sikat kaya kami, si Hugh ang vocalist namin," sabi niya. "Ka-band ka niya?" Tanong ko habang tumatango. "Pasensya na ha, 'di kasi ako updated about sa showbiz na 'yan busy ako sa mga raket ko e, wala na akong time para roon," sabi ko tumango-tango naman siya. Nagkukwentuhan lang kami habang naglalakad papunta sa dressing room daw nila dahil may TV show nga silang pupuntahan ngayon sabay kaming pumasok doon at may nakita akong tatlong lalaki naggagandahan kasama na doon ang masungit kong boss na kunot noo na naman nakatingin sa akin, inirapan ko naman siya 'di ko siya bati. May hinangis siya sa akin kaya naman sinalo ko 'yon at tiningnan nakita ko na susi 'yon ng kotse niya. "Kunin mo 'yong mga gamit sa sakyan!" Nakangisi niyang sabi, nagpapadyak naman ako sa harap niya at inis na tiningnan siya. "Packing tape ka, madapa ka sana mamaya!" Sigaw ko sa kanya sabay baba sa parking lot para kunin 'yong mga gamit niya nang makuha ko 'yon ay agad naman akong bumalik sa dressing room, nakita ko naman na 'yong mga kabanda ni boss sungit derederetso lang akong pasok doon at sinabit sa sabitan 'yong damit ni boss sungit, nang matapos ko na 'yon ay humarap ako kay Boss Sungit at kinuha 'yong supot na nilagay ko shoulder bag at binigay sa kanya. "Ayan kainin mo, kaunti kinain mo kanina!" sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya, kinuha niya naman 'yon at binuksan ang laman, dali-dali naman nakisilip 'yong kabanda niya. "Oy pagkain pahingi," sabi noong isang lalaking pogi na kulay green ang buhok. Green? Ang weird naman! "Ako rin, oy miss ganda salamat," sabi naman noong lalaking naka eye liner ng makapal. Tumango lang naman ako pati si James ay nakisali na rin sa pag-agaw ng pagkain mabuti na lang at medyo marami akong ginawang sandwich. "By the way, Miss Ganda, ako pala si Stephen," sabi noong kulay green ang buhok. "Vannie," sabi ko sabay nakipagkamay sa kanya. "Ako si Aeron," sabi noong naka eye liner ng makapal. "Hello Vannie nga pala," sabi ko ngumiti naman siya sa akin at nagpatuloy kumain. Mayamaya ay tinawag na sila kalalabas na raw sila. 'Di ko naman pinapansin ang boss kong masungit, 'di ko siya bati kaya bahala siya sa buhay niya. Nang matapos na sila roon sa pag-guest nila ay inabangan ko agad si Boss at inabutan ng mineral water. "Vanessa!" Tawag niya sa akin, 'di ko naman siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya, galit ako sa kaniya kahit na ito ang unang beses na tinawag niya akong Vanessa bahala siya, 'di ko talaga siya bati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD