Bago mag-ala una ng hapon, nakarating na sila sa lugar. Dinala muna nila ang sasakyan at ang driver sa bahay nila. Walang tao, kaya malaya silang nakapag-park sa loob. Binuksan nila ang bahay gamit ang susing kinuha ni Carmela sa gamit ng ina. "Kuya, pahinga ka muna rito. May pupuntahan lang kami. Kung magutom po kayo, 'yong ibang dala nating pagkain inilagay na po ni Johnny sa ref. Kayo na po ang bahala." Inihatid niya ang driver sa isa sa mga kuwartong naroon. "Ayos lang ako 'wag n'yo akong intindihin. Sige na, kaya ko na rito," natatawang sabi ni Kuya Ramon. Pagkatapos nilang maisarado ang pinto, bumaba na ng hagdan sila Johnny at Carmela. "Saan tayo?" Pagkalabas ng gate na tanong ni Johnny. "Hmm... pumunta na tayo roon?" Tumango si Johnny at sabay na silang naglakad papuntang gu

