"N-nakita mo ang lola?" Tango lang ang isinagot ni Carmela sa tanong ng kaniyang ina. Hinintay niyang dugtungan ang sasabihin nito, subalit nanatili itong tahimik at parang nag-iisip. Kanina, pagkatapos niyang tanungin si Aling Pilar, bigla itong umatras at patakbong umalis. Hahabulin sana ulit ni Carmela, pero hinawakan siya ni Lola Simang at inakay na sa loob. Tinanong na nila ang matatanda tungkol sa nais nilang malaman, pero hindi na pinag-usapan pa ang tungkol kay Aling Pilar. Kumuha sila ng mga larawan bilang pruweba. Nanatii namang tahimik at nag-iisip si Carmela. Maraming tanong ang gusto niyang makuhaan ng sagot. Kaya pagdating sa bahay agad niyang hinanap ang ina. Wala pa raw, sabi ni Lola Iska. Nang sumapit ang alas siyete, dumating na ang ina at hinila kaagad siya sa kuwar

