"T-tu-big..." Hinang hina ang pakiramdam ni Carmela at uhaw na uhaw. Parang ang layo ng kaniyang nilakbay. Pagmulat ng mga mata, tumambad sa kaniya ang inang umiiyak at si Johnny na may hawak ng isang basong tubig. Pinilit niyang tumayo, inalalayan naman siya ng ina. Iniabot ni Johnny ang tubig. Naubos niya ang laman, nang tinanong siya kung gusto pa niya, umiling na siya. "Anong nangyari?" saad ni Carmela. Inilibot pa nito ang paningin at nakita niya ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Puwera siyempre kina Mindy at Bella. Nakaismid ang mga ito habang nakahalukipkip. Kung hindi mo sila kilala, iisipin mong kambal sila lalo na sa ugali. Lumapit sa kaniya si Shelley. "'Yan nga ang gusto naming itanong, anong nangyari sa 'yo? Sabi ni Johnny, bigla ka na lang daw bumagsak?" Napakunot-

