"Nakakainis! Ang tatamad para sasamahan lang ako. Makikita nila, pagkarating namin sa Maynila, hindi ko na sila papansinin. Tingnan na lang natin. Aray, ano ba yun? Ang dami namang kulisap dito!" Yumuko siya para pagpagan ang binti dahil naka-shorts lang siya at may mga kumakagat sa kaniyang hindi niya malaman kung ano. Pag-unat ni Mindy, napasulyap siya sa kanan. Napakunot-noo siya nang makita si Aling Carmen na palinga-linga at nagmamadali. At mukhang balisa. "Saan kaya siya pupunta?" Kanina nang magising siya, narinig niyang nagpapaalam ito kay Aling Iska. Pero wala naman siyang pakialam doon kaya hindi na niya binigyan nang pansin. Susundan sana niya kaso nagkibit-balikat na lang siya. Mas mahalaga ang camera niya kesa ang alamin kung saan pupunta ang ina ni Carmela. "Saan ba banda

