Dahan-dahang hinawi ni Mindy ang halamang tumatakip sa lagusang papunta sa falls. Maingat siyang sumilip, inilibot ang paningin sa paligid. Nang matiyak na walang tao, kaagad na pumasok. Nanginginig ang tuhod at kalamnan niya. Hindi niya alam kung dahil sa excitement o takot na nararamdaman. Totoo nga kaya ang sinasabi ni Aling Pilar? Sana.. "Ano kaya ang sinasabi para magpakita siya?" nakapamewang na saad ni Mindy. Inilibot niyang muli ang paningin. Napakaganda talaga sa lugar na iyon. Napakalinaw ng tubig. Halos lahat ata ng mga bulaklak mayroon dito. Ang iba nga, ngayon pa lang niya nakikita. Mayamaya pa, napasulyap siya sa may kanang bahagi niya. Napakunot-noo siya ng may kumislap dahil sa tama ng araw. Dahan-dahan niyang nilapitan ito habang nakayuko para tingnan iyon. Lumiwanag

