DAYO 14

1271 Words

"Mauna na ako, I need beauty rest." At tumayo na si Mindy pagkatapos ng hapunan na salad lang naman ang kinain niya. Nagkibit-balikat lang ang ilan at ang iba naman ay hindi siya pinansin. Siguro, dahil sanay na sila sa ugali nito. Nagulat lang sila ng si Shelley naman ang tumayo at nagpaalam. "Mauna na rin ako." Diretso ito sa pinto ng kusina ng walang imik. Napakunot-noo si Karl. "May problema ba si Shelley. Kanina ko pa napapansin na tahimik siya. Dati ang ingay-ingay niya, kahit kumakain." Tumingin pa ito kay Carmela na parang dito humihingi ng sagot. "Sabi niya pagod daw siya." Napasulyap pa si Carmela sa plato ni Shelley na hindi naubos ang pagkain. "Ang sabihin ninyo, tumatakas din 'yan gaya ni Mindy. Palusot lang 'yan. Pagod? Tsk..." nakaismid na sabi ni Bella na tinapos na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD