Si Mindy ang naging representative ng school. At ang school nila ang nanalo ng dahil din sa kaniya. Nagdiwang ang buong school at binigyan pa siya ng party. Bilib na bilib sa kaniya ang lahat lalo na ang nagtatag ng contest. Ngayon lang kasi sila nakakilala ng kasing talino ni Mindy. Hindi pa kasi tapos ang tanong, sumasagot na siya. At hindi man lang siya nagkamali kahit minsan. May mga tanong pa roon na pang matataas na IQ na pero nasagot pa rin ni Mindy. Inilalaban siya sa lahat ng kumpetisyon sa larangan nang patalinuhan. At siya ang laging nag-uuwi nang karangalan. Unti unti, nakikilala na siya at sumisikat dahil sa angkin niyang galing. Dahil doon, maraming nag-offer sa kaniya ng kung ano-anong ahensiya para mas lalong mapapalawak ang kaalaman niya. Pinag-aagawan na siya kahit gra

