Tahimik na bahay ang sumalubong kay Shelley pag-uwi. Halos magdadalawang buwan ng ganito ang buhay nila. Simula nang tuparin ng mahiwagang dayo ang kahilingan niya, kasabay nang pagkawala ng bunso nila, halos hindi na sila nagkikita-kita. Siyam silang magkakapatid at walo na lang ngayon dahil nga kinuha na ang bunso nila, pero kahit isa sa mga kapatid niya ay wala na siyang nakikita. Naiintindihan naman niya na sabik ang mga ito sa pera at karangyaan. Ganoon din naman siya. Kaso lang, nasobrahan ata sila. Kada siya dumadating sa bahay, gaya ngayon, nasa labuyan lahat. Nasa bakasyon ang ilan, nasa bar, nasa mall. Lahat ng hindi nila nagagawa dati ng wala pa silang pera ngayon ay ginagawa nila, nang walang humpay. Pero ang magulang niya ay hindi. Simula nang mawala ang bunso nila isang um

