Pagkalipas ng isang linggo, balik na sila sa dati. Gigising nang maaga, papasok, at uuwi ng bahay. Dalawang buwan na lang at graduation na kaya puspusan ang mga projects at exams. Kailangan makapasa, kailangan makatapos ng grade 10. Subalit, hindi inaasahan ni Carmela ang sunud-sunod na nangyari kina Shelley, Karl at Mindy. "Carmela, my god you won't believe kung anong nangyari kay Mindy." Hinihingal pa si Johnny nang lumapit kay Carmela. Nasa harap na siya ng room nila. "Bakit? Ano 'yon?" Hindi niya alam pero parang kinabahan siya sa sinabi ni Johnny patungkol kay Mindy. Ibubuka na sana ni Johnny ang bibig para sagutin ang tanong ni Carmela, nang sumilip ang teacher nila. "You two, get inside." At mabilis na pumasok ito sa loob. Nagkatinginan pa ang dalawa at sabay na pumasok sa loob

