Hindi makapaniwala si Carmela nang sabihin ni Johnny ang mga nalalaman tungkol sa mahiwagang dayo. Siyempre, nagduda siya dahil hindi naman talaga kapani-paniwala ang mga pinagsasabi nito. Nanatili siyang gising sa higaan. Hindi pa sila tapos nito mag-usap kanina dahil nasa tapat na sila ng kanilang bahay. Bukas na lang daw dahil gabi na rin. Pinilit niyang matulog. Pagtingin niya sa orasang nakasabit sa dingding, mag-aala una na. Hanggang makatulugan niya ang pag-iisip kung sino ba si Shanaya sa buhay ng mga kaklase at kaibigan niya? *** "Oh my god! Bakit?" "Saan daw? Tara dali!" Nagulat si Carmela nang nagtatakbuhan ang mga estudyante papasok ng gate. Halos mabangga na nga siya ng dalawang babae buti na lang, nakagilid siya kaagad. Nagtatakang tinanong niya si manong guard. Dalawa

