DAYO 23

1066 Words

Iyak nang iyak si Carmela habang inaalo naman siya ni Johnny. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Karl. Pinauwi muna ang mga estudyante at bukas na lang sila pinapasok dahil sa nangyari. Hindi naman napilit ng guidance na magsabi si Karl ng problema. Nangako na lang ito na hindi na 'yon uulitin. Sila Carmela at Johnny na ang naghatid kay Karl sa bahay nito. Hindi ito umiimik hanggang sa ihatid nila sa kuwarto nito. "Nasaan ang nanay mo, Karl?" Parang wala namang narinig si Karl at dumiretso sa kama. Nakabaluktot itong humiga habang yakap ang mga tuhod. Impit din itong umiiyak habang tinatawag ang ina. "Mama... bumalik ka na, patawad." Paulit ulit ito sa mga ganoong salita. Hinawakan siya ni Johnny sa braso at iginiya na palabas ng kuwarto. Pagdating sa salas, doon na hindi napigilan ni Ca

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD