Ina't-inat ang katawan ni Amanda. Kagigising niya lang. Nakahiga pa siya sa kama habang napahibak ng ibuka ang bibig niya. Nakapatong ang isang kumot sa binti niya. Nakatulog na pala siya ng ganun ang kanyang itsura. Natatandaan niya kagabi ng makipag asaran siya kay Arthur at hindi talaga siya tulungan sa kanyang pag-akyat sa kwarto. Bwisit siya sa hindi pa rin pagbabago ng ugali ng isang iyon. Sabagay mabait naman si Arthur talagang mapang asar lang kung minsan at ang madalas nito asarin ay siya. Hindi siya titigilan nito sa pang-aasar pag nasimulan na nito at makita na napipikon na siya sa mga sinasabi nito o nilalabas ng bibig nito. Badtrip ka talaga, Kuya Arthur... Nabulong niya ng maalala ang ginawa nito sa kanya kagabi after nito maloko na sinabuyan siya ng malamig na tubig sa mukh

