Nagulantang ang lahat sa naging usapan at pagtatanong ni Thomas ng makita ulit niya si Marco. Si Amanda napahinto sa pagkain habang naghihintay ng sagot mula sa pinakamatandang— kapatid nila na until now ay ngumiti lang kay Marco. Inaya nito lumakad papunta sa lamesa si Marco upang sumabay ng agahan sa kanila. Hindi na din nakatanggi pa si Marco. Sumama siya kay Thomas na ikinaurong ng upuan ni Amanda ng paupuin ito sa tabi niya. Umupo si Marco tulad ng utos ng mga kapatid ni Amanda. Tahimik siyang naupo nang abutan siya ng isang plato na walang laman ni Clarisse. Ito na ang tumayo upang kumuha ng mga plato para sa mga kapatid na kabababa lang mula sa mga kwarto. “Kumain ka, wag kang mahiya." sambit ni Clarisse ng inabot niya kay Marco ang bowl na may lamang kanin. Pinapakuha rin ni Clari

