Naabutan namin si Daniel na naghihintay habang nasa labas ng sasakyan n'ya. Napansin ko yung mapang-asar n'yang ngiti matapos makita na nasa likod ko si Keon at Austin na nag-uusap tungkol sa ginawa kanina ni Austin. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Austin para suntukin nito si James, but I'm sure James did something wrong to him. "Sweetheart!" mahinang sigaw ni Daniel pero sapat na para marinig ni Austin, alam kong hinuhuli lang niya kung may feelings pa ba sa akin si Austin dahil halata naman sa ginagawa nito na pinagseselos niya ito kahit hindi naman tumatalab. "Kio let's go!" sigaw na naman n'ya kay Keon na palapit sa kan'ya kasama si Austin na hawak-hawak nito "But tito-daddy mas gusto kong kasama si tito Austin!" reklamo ni Keon habang nakaturo kay Austin na nakatingin ng seryo

