Description
Minahal mo siya hindi dahil gusto mong sumubok kung hanggang saan ang relasyon n'yong dalawa. Minahal mo s'ya dahil 'yon yung gusto ng puso mo.
Sometimes.... you have to pretend that you're okay even if you're not. Hindi naman lahat dapat alam nila, hindi ba? Hindi naman masamang sarilihin yung nararamdam mo lalo na't alam mong mahirap ipaliwanag lalo na kapag hindi mo alam kung saan ka magsisimula.
——————————
Hindi masamang umibig lalo na't nahuhulog ka na sa taong iyon.
Hindi masamang pumasok sa relasyong walang kasiguraduhan kung pang hanggang dulo na ba iyon.
Hindi rin masamang masaktan kapag binigay mo yung buong tiwala mo sa taong iyon pero nasira lang dahil sa isang bagay.
Kapag ba nasira ka na ng isang beses, hindi ka na magbibigay agad ng tiwala sa ibang tao?
Walang perpekto sa isang relasyon dahil lahat ng relasyon ay may kamalian. Nasa dalawang tao na iyon kung itatama pa ba nila yung maling nagawa nila o bibitawan nalang agad at hahanap ng iba.
——————————
Simple lang ang gusto ni Venice, ang subukan ang magmahal. Pinangako niya sa sarili niya na kapag umiyak siya ng dahil sa taong iyon, tatanggapin at kakayanin niya.
Ngunit bakit parang hindi naman yata?
Bakit parang nagbago yata?
Masyado lang ba talaga n'yang binigay lahat ng tiwala n'ya sa lalaking iyon kaya ngayon walang-wala na siya.
Sabi niya tatanggapin at kakayanin niya, pero bakit hindi man lang niya inunawa at inintindi ang paliwanag sa kan'ya ng taong dahilan kung bakit nasira ang tiwala niya.
Magulo ba?
Oo nga at magulo pero normal lang iyan sa isang relasyon, lalo na't hindi mo alam kung hanggang saan ba talaga ng kaya niyong panindigan.
——————————
"In a relationship, when you make a mistake, wait for the explanation. You can’t make the right decision if you don’t get the explanation"