Prologue

596 Words
"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito Austin?" lumuluhang sabi ko habang nakatingin sa mga kamay kong nanginginig dahil sa nangyari kanina "Bakit ba parang wala kang tiwala sa akin? Bakit parang ang tingin mo madali para sa akin ang ipagpalit ka ng ganun kadali?" dagdag ko habang nakatingin na sa kaniya "Bakit!? Ano bang tingin mo sa akin!? Bakit nararamdaman ko, nakakadiri ako sa paningin mo!? Bakit pakiramdam ko isa akong malanding babae sa mga mata mo!? Ganyan ka ba kagalit sa akin para sabihin iyon sa amin ni James sa harap ng maraming tao!?" sigaw ko sa kaniya habang umiiyak "Venice—" "Ano na naman bang paliwanag yung sasabihin mo? Na nadala ka lang sa selos kaya mo nagawa at nasabi iyon? Nakakahiyang humarap sa mga taong nakarinig ng mga sinabi mo kanina kahit pa wala naman akong dapat ikahiya dahil alam ko sa sarili ko kung ano yung totoo kong ginawa— pwede ba huwag mo akong hawakan kung mahirap akong paniwalaan!" bulyaw ko ng akmang hahawakan niya ako "I'm sorry" bulong niya pero sarado ngayon ang tenga ko para makinig at paniwalaan yung sasabihin niya "Austin nag-uusap lang kami, may asawa na yung tao pero bakit ganun pa rin yung reaksyon mo? Ano ba sa tingin mo yung ginagawa naming pag-uusap kanina? Na nilalandi ko siya? Na may relasyon kaming dalawa? Na gusto kong kumabit sa may asawa na?" mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na magkaibigan lang kaming dalawa? Eh ikaw ba? May narinig ka bang salita sa akin sa tuwing inuuna mo si Miel kaysa sa akin—" "Bakit naman napasok sa usapan natin si Miel? Magkaibigan lang kaming dalawa" "Kung magkaibigan kayo ni Miel, ganun din kami ni James. Ni kahit nga selos na selos na ako sa bawat galaw niyo, may narinig ka bang salita mula sa bibig ko? May naririnig ka bang reklamo sa akin!? Wala! Wala kasi may tiwala ako sayo! May tiwala ako sayo kahit pakiramdam ko mas mahalaga siya kaysa sa akin!" bulyaw ko sa kaniya "O sige, alam kong wala akong karapatan sayo, dahil ama ka lang naman ng anak ko, at wala ka ring karapatan sa akin dahil ina ako ng anak mo" dagdag ko bago ayusin yung bag sa balikat ko "May karapatan tayo sa isa't isa dahil girlfriend kita at boyfriend mo ako" hindi akong makapaniwalang natawa sa sinabi niya "Girlfriend? Ay oo nga pala boyfriend kita. Sorry ha? nakalimutan ko kasi dahil sa mga sinabi mo kanina.... mismo sa harap ko" sabi ko sa kaniya "Venice kinain lang ako ng galit kaya ko nasabi iyon" sabi niya "Wala akong rason para ipagpalit ka, pero sa tingin ko may rason na ako para iiwan ka" sabi ko, napaatras ako sa bigla niyang paglunod at mahigpit na hinawakan yung dalawa kong kamay "Please Venice huwag mo namang gawin sa akin ito.... I'm sorry.... I'm sorry.... huwag niyo naman akong iwan Venice" pagmamakaawa niya kaya tumingin ako sa taas para pigilan yung mga luhang gustong bumagsak dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko "Hayaan mo muna akong magpalamig, ikaw rin kailangan mong magpalamig dahil baka sa sobrang galit mo pati anak mo itakwil mo" sabi ko sa kaniya bago siya iiwan doong nakaluhod at tinatawag yung pangalan ko Nang makalabas na ako sa kompanya na iyon, doon ko nilabas lahat ng luhang kanina pa gustong kumawala. Sobrang sikip ng dibdib ko, wala sa desisyon ko ang iwan siya pero binigyan niya ng dahilan at rason para gawin ko iyon sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD