Chapter 1

1595 Words
"HOY DANIEL MAMAYA KA TALAGA SA'KIN PAG NATANGGAL KO 'TO" sigaw ni Hazel "Sino ba kasing nagtali nito" naiiritang bulong ni Bea Napailing nalang ako sa dalawa kong kaibigang lalake na nagbubulungan habang nakatingin sa dalawang babaeng pilit tinatanggal yung bag nilang nakatali sa taas ng puno,alam ko namang sila lang yung may gawa nun. Fourth year high school na kami pero parang pang elementary parin yung ugaling meron kami. Padabog na umupo sa tabi ko si Margaret, habang nakatingin sa boyfriend nyang kaharutan nanaman yung girl best friend. Napansin ko yung pag taray nung babae kay Margaret kaya lalo itong nainis. "Magsama sila ng aso nya !!" nanggigigil na bulong nito habang nakatingin sa dalawa Okay para hindi kayo malito ipapakilala ko sila sa inyo isa-isa. Pero bago yan, I need to introduce myself first. I'm Venice Ortega ,3rd year high school. I love music but I can't sing. I love my mother so much, lahat ng gusto ko binibigay nya wala eh only child, about kay papa?tanungin nyo si author. May lima akong kaibigan, tatlong babae at dalawang lalaki. ( Hazel Mae Gozon, sya yung may malakas na boses saming anim. Yung tipong konting galaw mo lang na hindi nya nagustuhan sisigawan ka agad nyan. Sya din yung babaeng never magpalit ng crush, actually grade 3 sya nung magsimulang magka crush, simula nung magustuhan nya yung lalaking yun, hanggang ngayon hindi na n'ya pinakawalan. Crush lang nya pero kung umakto parang nobya. Alam naman nung crush nya yung feelings ni Hazel sa kanya, kaya yung gaga ayon lalong kumapal yung mukha ) ( Beatriz Vasquez, si Bea naman yung may pinaka magandang aura samin, yung kahit nasa bahay lang maayos yung mukha at kasuotan. May maganda din syang boses, mabunganga din s'ya gaya ni Hazel, pero walang makakatalo sa lakas ng boses ni Hazel. S'ya yung pinaka matalino saming lahat, muntik na nga syang malipat sa first section pero umayaw sya, dahil desisyon kami ) ( Margaret Hernandez, si Garet lang yung may jowa sa min, oh diba sana all? Pero hindi sya gaya ng iba, mas may oras sya sa'min kaysa sa boyfriend nya. Ayaw nya sa seryosong relasyon, kaso nahulog sya kaya yun hindi magawang iwan yung nobyo ) ( Daniel Vasquez, ito naman yung kuya namin. Sya yung nagawa ng way kung sakali mang may hindi pagkakaintindihan ang bawat isa. Siguro kung wala sya, hindi na kami ngayon magkakasama.) ( PJ Lee, sya yung funny sa grupo namin. Like every time na boring nagawa sya ng reasons para mawala yun. Para syang clown, napaka totoo nya sa sarili nya at sa amin. Yung tipong may ayaw sya or may say sya sa amin, inaamin nya talaga sa paraang hindi kami masasaktan.) "Ouch !! I already sorry" bulyaw ni PJ. Biglang sulpot nung apat dito, malamang natanggal na nila yung bag. Jusko ka Venice pupunta ba sila dito kung nandun pa yung bag nila? Tinataas taasan ng kilay ni Bea yung dalawa na hindi makatingin ng diretso sa kanya. Tahimik na ngayon si Hazel, siguro nasigawan na nya yung dalawa kanina. Lagi nalang ganito yung eksena tuwing may gagawing kalokohan yung dalawang bading. "What's up Garet !" bati ni PJ kay Margaret na kanina pa nakatingin sa malayo. "Akala ko ba kasi trip trip lang uli, gaya nung mga nauna mong naging boyfriend pero bakit parang ---" pagbubukas ng topic ni Hazel. Na uusap usap kami habang nakatingin sa boyfriend ni Margaret. Aksidenteng napatingin sa gawi namin yung boyfriend nya, nakita ko yung pagtaray nilang lahat. Blanko lang yung emosyong makikita kay Daniel, pero sa amin? Wag nyo nang alamin. "Kasi nga nahulog sya, sino ba namang hindi mahuhulog kay Clark, baka nga pati si Venice nagkagusto jan eh" sabat naman ni Bea, aba loko to ah. "Ako tigil tigilan nyo ako jan sa ganyan ganyan na yan ha" sabi ko sa kanila bago ibalik yung mata sa libro "So ano na nga Garet ? Mahal mo na ba talaga? " tanong ni Hazel kay Margaret na naiilang tumingin sa'min "O- Oo" sagot nito na kinaingay namin "Yun sabi na ba eh" sabi ni Daniel "Halata ba?" tanong nito sa amin Nagkatinginan kaming lahat bago sumagot ng sabay sabay. "Halatang halata" sagot namin na ikinapula ng pisngi nya. "Oh bakit ako lang yung trip nyo ngayon? Yan oh si Venice wala pang na kukwento sa'tin" biglang sabi ni Margaret, kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. "Ano nanaman yun?" kunyaring tanong ko sa kanila "Sus wala to girls parang hindi natin to kaibigan, ayaw sabihin kung sino yung crush nya" sabi ni PJ habang gamit yung nagtatampong boses. "Bakit ko naman sa inyo sasabihin ha!? Bigyan nyo ko ng rason" isa isa ko silang tinignan sa mata "Kasi gusto namin malaman, unfair kasi yung kami kwento ng kwento sayo, tapos ikaw wala ka man lang nakukwento sa'min." nakangising saad ni Daniel Kasalanan ko bang madaling mahalata kung may gusto kayo. "Tama para fair naman" sagot ni Hazel at Bea. "Oh anong gusto nyong malaman?" kunyaring tanong ko sa kanila "Kung sino yung crush mo ngayon" sagot ni PJ "Gusto nyo talagang malaman?" kunyaring nahihiyang tanong ko sa kanila, gusto kong tumawa ng malakas dahil sobrang interesado talaga sila "Oo, oo" sabay sabay nilang sagot "Crush ko si..." pabitin kong sabi "Si..." patanong nilang ulit sa sinabi ko "Si Lee Min-Ho. Crush ko si Lee Min-Ho" sabi ko bago tumawa ng malakas "Tsk unfair mo" reklamo nila "Guys don't worry kung may crush o nagugustuhan man ako, sasabihin ko agad sa inyo, okay?" para naman silang tangang may pa hawak hawak pa sa dibdib na akala mo na touch sa sinabi ko. "Talaga?" tanong ni PJ na ikinangiti ko. "Oo, promise" sagot ko sa kanila. "Change topic na nga" biglang saad ni Hazel kaya napalingon kami sa kanya "Ay siguro gusto ni baby Hazel pag usapan yung love life nya" biglang sabi ni Daniel gamit yung mapang-asar na boses. Eww "Omg ka girl, so ano na ngang namamagitan sa inyo" natawa kami sa reaksyon ni PJ habang nagtatanong, kilig na kilig na sya kahit wala.pa "HOY MGA PUNYETA KAYO, BAKIT SA'KIN NANAMAN" napapikit ako dahil sa biglang pagsigaw ni Hazel, napatingin din sa amin yung mga dumadaan at malapit lang sa pwesto namin. "Kalma" natatawang sabi ni PJ "Kamusta na kayo ni Liam" basag ko sa ilang minutong katahimikan. Hindi talaga ako pala tanong pero medyo naging interesado ako sa pagitang meron kina Hazel at Liam. "Ouch" daing ko dahil biglang inagaw ni Hazel yung librong hawak ko at nagkunwaring nagbabasa "Kamusta na kayo ni " ulit kong tanong sa kanya Pinanlakihan ako ng mata ng gaga bago tumingin sa kasamahan namin na kanina pa pala nag-aantay ng isasagot ni Hazel. "Kami ---" "f**k ! Wait nakalimutan kong magkikita pala kami ni Sanya, balak nya palang mag pa salon ngayon" biglang sabi ni Daniel habang nakatingin sa cellphone kaya naputol yung sasabihin ni Hazel. "Geez, may basketball pala ngayon si Hunter, buti nalang nakita ko sa post nung kaibigan nya" sabi naman ni PJ "It's okay lang, para kami munang magaganda yung magkakasama ngayon" saad ni Margaret kaya parang nasaktan naman itong si Pj "OMG ka girl, biro lang noh basta sabihan mo si Daniel mamaya na pupunta tayo sa bahay nila ha? Pwede naman siguro Bea noh?" nakangiting sabi ni Margaret, tumango lang si Bea dahil busy sya sa binabasa nya "Okay, see yah later" sabi ni PJ at isa isa nya kaming bineso Pagkaalis nila PJ at Daniel, napatingin kami kay Hazel na kanina pa tahimik. "Isang himala~why?" kakanta sana si Bea, pero hinampas sya ni Hazel "Tigilan nyo na ako,pwede" kalmadong saad ni Hazel, natahimik kami kasi alam naming kapag seryoso sya, seryoso sya. Tumango lang kaming tatlo, at bumalik sa kanya kanyang ginagawa. Nagbabasa ako while nag ccellphone sila. I closed my book. "Lakad lakad naman tayo, nakakangalay umupo" basag ko sa katahimikan "Sure" mabilis na sagot ni Bea "Good Idea" komento ni Hazel Napatingin kami kay Margaret na naka earphone kaya hindi siguro narinig yung sinabi ko. Kinalabit ko sya, kaya napatingin sya sa akin. "Lakad tayo?" tanong ko sa kanya, napatingin sya sa amin na naka ready na "Geez, wait ayusin ko lang yung gamit ko" nagmamadali nyang sabi, habang nililigpit nya yung notebook at dalawa nyang libro, lumipat yung tingin ko sa isang folder. "Ohhh, what's this" tanong ko, huli na sya naka react dahil bubuksan ko na sana yung folder ng hablutin nya sa'kin yun. "Wait, May I see?" sabi ko tapos inagaw uli yung folder, napalakas yung hablot nya kaya nahulog yung mga papel na nakalagay doon. "Akin na nga yan,umalis ka jan ako na dito" sabi nya bago ako itulak Medyo nagulat ako, dahil first time nya magsalita at umakto ng ganun sa'min. "Ahh-okay" medyo nauutal kong sabi dahil nag loading pa sa utak ko lahat ng nangyari. Pumunta ako kina Bea na hindi din makapaniwala sa inakto ni Margaret. "Siguro wala lang sya sa mood" sabi ni Bea Umupo muna uli kami, habang hinihintay si Margaret. "Sorry may gagawin pa pala ako ngayon, sorry talaga ha" sabi sa amin ni Margaret habang nakatingin sa akin, napaiwas ako ng tingin kaya nagsalita sya. "Sorry kanina Venice" tanggap ko yung sorry nya, pero hindi ko talaga matanggap yung ginawa nya "No,it's okay" Alam kong may dahilan sya kaya nagawa nya yun, alam kong bawat isa sa amin ay may tinatago at hindi pinapaalam sa iba. Bagay na kinaiingatan nila. Sila nga ba talaga ang may tinatago? O ako na hindi ko matanggap ng totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD