Chapter 2

1386 Words
Nag-uusap usap kami dito sa loob ng classroom namin habang hinihintay si Margaret na kanina pa hindi bumabalik. I'm worried. "Guys I think kailangan kong sundan si Garet" nag aalalang sabi ko sa kanila "Kalma Venice hindi kana ba nasanay na laging matagal bumalik si Garet" natatawang sabi ni PJ, kaya medyo natawa si Daniel, nakita kong seryoso din sina Hazel dahil alam kong alam nila kung bakit ako kinukutuban sa maaaring gawin o mangyari kay Margaret "I know, pero iba kasi yung kutob ko" seryosong sabi ko sa kanila, kaya natahimik sila ni Daniel. "Kahapon ~" "Nagulat ako, nagulat kami dahil alam nyo naman na kahit anong pikon ni Garet hindi nya tayo sinasaktan or what, pero kasi kahapon bigla nyang tinulak si Venice" mabilis na paliwanag ni Hazel kaya naputol yung sasabihin ni Bea "WHAT?" gulat na tanong nung dalawa, we're just nod "How" tanong ni Daniel sa akin "Ahmm~Omg" hindi natuloy yung sasabihin ko dahil nakita ko sa labas si Margaret kasama yung isa naming teacher "MARGARET!" sigaw ko kaya nagtayuan yung mga kaibigan ko, nakuha din namin yung atensyon ng mga kaklase namin dahil don. "What happened Garet" dali dali kaming lumapit kay Margaret na magulo yung buhok. "It's nothing guys" nakangiting tumingin sa amin si Margaret, pero alam kong pilit, alam naming pilit "She needs to spend in hospital first, para magamot yung sugat nya. Napakalaki ng sugat sa kanyang braso" nagmamadaling paliwanag nung teacher namin. Naiwan kaming tulala. "What happened to you Margaret" nasabi ko nalang habang nakatingin sa papalayong Margaret "I told you guys" nanghihinang sabi ko, gusto kong isisi sa sarili ko kung bakit nangyari ito. "It's my fault" dagdag ko bago bumalik sa loob ng classroom namin "Venice" sigaw nila, pero kahit anong tawag nila hindi ko na sila muling nilingon. "Anong nangyari kay Margaret, Venice" "Totoo bang nag laslas sya?" "Poor Margaret " Sunod sunod na tanong at komento nila pagka upo ko. Wala akong pinansin sa kanila ni isa. Napatingin ako sa labas nakita kong nag uusap usap sila, pero wala muna akong paki alam sa ngayon. Bumaba ang tingin ko sa bag ni Margaret, gusto kong pakialamanan ito pero iniisip ko pa din yung privacy nya. Hanggang sa napag desisyunan ko na buksan nalang ito. "Ano ba talagang nangyari sayo Garet" bulong ko habang nakatingin sa hawak kong bag Tumingin ako sa mga kaklase ko na busy sa kani-kanilang ginagawa, may iba na nag aalala habang nakatingin sa akin alam kong si Margaret yung iniisip nila. Maayos ang pwesto ng bawat notebook ni Margaret, inisa isa ko ang kanyang notebook sa pag asang may makikita ako na kung ano, pero nabigo lang ako. Binuksan ko din yung folder na dahilan kung bakit nya ako naitulak. Tanging mga drawing lang ang nandito, may litrato din akong nakita dito kung di ako magkakamali ito yung pamilya nya. Kinuha ko ito, makikita mong masaya sila sa litratong ito. Pero ibang iba sa tunay nilang koneksyon. Inayos ko na ang mga gamit niya at ibinalik sa bag. Napatigil ang pagbabalik ko ng gamit nya ng may makita akong pinagbabawal dalhin dito sa paaralan. Hindi ko ito napansin nung una dahil napadikit ito sa bondpaper, may nakasulat din sa baba dahilan para maluha ko. "BLADE?" sigaw ni Daniel "Bakit ka may blade Venice" tanong ni Hazel, dahilan para maagaw nanaman namin yung atensyon ng iba Hindi ko alam na nandito na pala sila uli. "Hindi 'to akin" sabi ko at pinakita yung bag na hawak ko "Jusko akala ko naman susugatan mo din yung sarili mo dahil lang sinisisi mo yung sarili mo kung bakit nangyari kay Margaret yun" gusto kong matawa sa bilis ng pagsasalita ni PJ pero alam kong seryoso sya "Bakit ko naman gagawin yun?" tanong ko kunyari sa kanila "By the way, read it" sabi ko sa kanila, at inabot yung papel na pinagdikitan nung blade. "I'm tired so I want to end my life" basa nila sa sulat "Is she's crazy?" hindi makapaniwalang tanong ni Daniel "Damn !! Ano bang nangyayari sa kanya" bulyaw ni Daniel "Kuya no she's not, maybe she has a problem kaya nagawa nya yan. Don't be mad at her" pagpapakalma ni Bea kay Daniel, yeah nakalimutan kong sabihin na magkapatid sila. "Agree Daniel" sabi ni PJ, napatingin sa amin si Daniel kaya nakangiti kaming tumango ni Hazel "I have a plan" suggested ni Bea "What is it?" tanong ni Hazel Nandito na kami sa labas ng kwarto ni Margaret, bibisitahin namin sya ngayon. Kakatok na sana ako ng may marinig kaming nag uusap sa loob. "Guys nandito na yung parents nya, pano na yan" bulong ko sa kanila "Edi pakinggan natin sila, duhh" sinamaan namin ng tingin si PJ dahil sa kayang sinabi "ANO BANG PUMASOK JAN SA KOKOTE MO AT GINAWA MO 'TO !? NAKAKAHIYA KA MARGARET !! ANO NALANG YUNG IISIPIN NG IBA, NA HINDI KA NAMIN BINABANTAYAN, NA HINDI KA NAMIN INAALAGAAN !? MAG ISIP KA NGA HINDI KA NA BATA" dinig naming sigaw ni tito Rony, daddy ni Margaret "Hon, calm down" sabi ni tita Riza, mommy naman ni Margaret "PANO AKO KAKALMA KUNG ITO ANG BUBUNGAD SA'KIN PAGDATING NATIN DITO SA PILIPINAS, HUH !?" sigaw nanaman ni tito Rony "WHY DAD!? TOTOO NAMAN DIBA? TOTOO NAMANG NAPAPABAYAAN NYO NA AKO, AH HINDI, HINDI NAPAPABAYAAN DAHIL WALA NAMANG KAYONG PAKI SA'KIN NAPAPANSIN NYO LANG NAMAN AKO SA TUWING MAY HINDI KAYO NAGUSTUHAN SA GINAWA KO. NANDYAN LANG KAYO SA HARAP KO SA TUWING SESERMONAN NYO AKO !!! NI HINDI NYO NGA NAKIKITA YUNG MAGAGANDANG GINAGAWA KO DAHIL ABALA KA JAN SA f*****g BUSINESS MO !! " umiiyak na sigaw ni Margaret "How dare you to talk to me like that Marga" mahina pero gigil na sabi ni tito Rony "Well, I don't care" sagot ni Margaret kaya nakarinig kami ng malakas na sampal "RON ANO BA BAKIT MO NAMAN GINAWA YUN SA ANAK MO" sigaw ni tita Riza "Hiwalayan mo na yung nobyo mong walang pakialam sa'yo" sabi nung daddy ni Margaret "Wala na kami, wag ka nang mamroblema jan" barumbadong sagot ni Margaret "Kausapin mo yang anak mo, hina high blood ako" dahil sa sinabi ni tito Rony, dali dali kaming lumayo sa pintuan at nagkunwaring kararating lang. "San kaya dito yung room ni Garet?" kunyaring tanong ni PJ "Daniel, babe alam mo ba?" tanong ni PJ kay Daniel kaya sinamaan sya nito ng tingin "Oo, doon" sagot nito habang nakaturo sa pinto ng kwarto ni Margaret Napatingin sa amin si tito Rony paglabas nya kaya nagkunwari kaming nagulat. "Hi tito, bibisitahin po sana namin si Garet" kinakabahang sabi ko kay tito Rony "Okay, aalis na ako may gagawin pa ako" nakahinga ako ng maluwag dahil sa sagot nito sa'kin "Bye tito, ingat po" sabi nila Bea habang kumakaway pa. "Grabe nakakatakot talaga si tito" dinig kong bulong ni Hazel pagkaalis nung daddy ni Margaret *KNOCK, KNOCK, KNOCK* Pinagbuksan kami ni tita medyo maga pa yung mata nya, siguro dahil galing s'ya sa iyak. "Marga, pagpasensya mo na yung daddy mo ha?" sabi ni tita kay Margaret, gusto ko munang lumabas dahil hindi dapat talaga namin naririnig 'to. "Palagi naman" sagot ni Margaret habang nakatingin sa mommy nya. "Ahm tita bibili lang pala kami ng prutas for Garet" paalam ni PJ, siguro dahil sa atmosphere dito Tumango naman si tita, napatingin kami kay Margaret bilang paalam. Ngumiti sya ng maliit kaya lumabas na kami "Grabe dapat hindi tayo nakikinig dun eh" sabi ko sa kanila habang naglalakad "Ang gwapo" bulong ni PJ kaya kami napatingin sa kanya "Saan?" tangkang tanong ko Tinuro nya yung lalakeng nabili ng watermelon, actually may itsura nga sya siguro kaedad lang din ni Daniel yan. Mas matanda kasi ng dalawang taon sa'min si Daniel, ang rason pa nya kaya daw sya ng stop ng pag-aaral dahil gusto nyang mabantayan si Bea. How's sweet. "Mas gwapo pa din yung babe mo" sabi ni Bea kay PJ habang nakatingin kay Daniel "Tahimik ka yata?" tanong ni Hazel "Isn't obvious?" malamig na tanong nito, nagkatinginan kaming apat dahil... "Badtrip si kuya" natatawang sabi ni Bea. Habang nabili kami hindi mawala yung tingin ko sa lalakeng tinuro ni PJ, hindi ko naman sya 'type' pero parang kusang nalingon yung ulo ko sa gawi nya. "Baka matunaw" bulong ni Daniel kaya tinarayan ko sya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD