"Kayo na munang bahala kay Marga, kakausapin ko pa yung daddy nya" paalam sa amin ni tita Riza
"Sure po, no problem" sagot ni Hazel
"Sige tita, ingat po kayo" sagot naman ni Daniel
"Salamat" dinig kong bulong nya habang nakangiti bago lumabas ng kwarto
Nagbalat muna ako ng orange na binili namin kanina, medyo naiilang kami dahil narinig namin yung hindi dapat marinig. Pisteng PJ kasi, napaka chismoso.
Naka upo si Margaret sa kama nya, habang naka upo naman sila Daniel,Bea at Hazel sa sofa. Nasa tabi ni Margaret si PJ.
"Don ka muna sa sofa, ako yung nagbalat ng orange eh" nakanguso kong sabi kay PJ
"Pabebe ka girl, yuck !" parang nandidiring sabi ni PJ kaya natawa ng bahagya si Margaret
"Oh kainin mo muna to, hindi yan maasim tinikman ko na" sabi ko bago iabot yung orange
"Wala naman akong sinabing maasim ah" pilit na tawa ni Margaret
"Inunahan lang kita noh" mataray kunyaring sabi ko
Habang kumakain si Margaret, alam kong napansin nyang tahimik kami pero hindi nalang sya kumibo.
"Why did you do that" basag ni Daniel sa katahimikan
Hindi sumagot si Margaret at nagkuwaring walang narinig habang kumakain
"Answer me" seryosong sabi ni Daniel
"Kuya kalma, mamaya na natin yan pag usapan. Akala ko pa naman kaya kayo nandito para kamustahin ako" naka pout na sabi ni Margaret
"Oh sige na nga~" napahinto sya sa pagsasalita ng may maalala "Wait" sabi nya kaya taka kaming tumingin sa kanya. "Bakit kayo nagtatanong eh alam ko namang narinig nyo yung usapan namin kanina" naka cross arm na sabi nya habang nakatingin sa amin
"HOY ANONG TINGIN MO SA 'MIN CHISMOSA !?" sigaw ni PJ
"Siguro?" patanong na sagoy nya "Kasi habang nag uusap kami ni dad naririnig ko yung bulungan nyo sa labas" dagdag nya habang nakaturo sa pinto
"Si PJ yung pasimuno" sagot agad ni Hazel
"Anong ako? si Bea kaya yun" turo ni PJ kay Bea
"Nanisi pa nga" naiiling na komento ko
"Wala ba 'tong kinalaman kay Clark?" tanong ni Daniel
"Of course wala noh, wala na kong pakialam sa kanya, nakakadiri bakit ko ba pinatulan yun" maarteng sagot ni Margaret
"Sus parang nung nakaraang araw umamin kang mahal mo na sya ah" nag-aasar na sabi ni PJ
"Eww, kadiri ka girl wag mo nang ipaalala" nandidiring sabi ni Margaret kaya natawa kami
Nananahimik ako nang biglang banggitin ni PJ yung pangalan ko !!!
"May nakitang pogi si Venice kanina habang nabili kami" sinamaan ko sya ng tingin pero nginisian nya lang ako.
Nakakairita !!
Nang-aasar na lumingon sa akin si Margaret!!
"Ganto kasi yan Garet dahil si Venice yung wala pang pinapakilala sa'tin, ako nalang yung magpapakilala sa inyo kung sino yung crush ni Venice" sabi ni PJ kay Margaret, nagbubulungan pa sila kung sino ba talaga yung mag kukwento kay Margaret na parang hindi ko naman naririnig.
"Desisyon ka?" mataray na sabi ko sa kanya
"Wag ka ng maarte 'te, gwapo naman" natatawang sabi sakin ni Hazel
"Grabe kanina makatitig eh, kulang nalang lapitan nya si kuyang pogi" asar ni PJ, kung ano mang tawag dun, naaasar lang ako
"Oo be, buti nalang talaga tinuro mo yun kasi kung hindi baka hanggang ngayon hindi pa natin kilala yung the one ni Venice, grabe s'ya lang pala yung hinahanap ko" makahulugang sagot naman ni Bea, kaya tinaasan ko sya ng kilay
The one, huh !?
"Ewan ko sa inyo, ni hindi ko nga alam yung pangalan nun eh" naasar na sagot ko sa kanila
"Ay don't worry be, sa susunod tatanungin ko na para sa'yo" malanding sabi ni PJ
Natigil sila sa pang-aasar sakin, nang kumatok yung nurse. Pinagbuksan ito ni Daniel. Hiyang hiya ng tumingin samin si Daniel dahil pigil na pigil kaming tumawa. Nagbubulungan sila sa gilid habang tumayo muna ako dahil ichecheck pa yung sugat ni Margaret.
Napansin kong naiilang o kinakabahan yung nurse kaya hindi muna kami nag-ingay. Namumula pa nga, don't tell me na kinilig sya?
"Kita ko yun ah" bulong ko kaya namula yung dalawa nyang tenga.
"HAHAHAAHAHAHHAAHAHHA" tawa namin pagkalabas nung nurse
"Tang ina Daniel, bakit mo naman hinalikan?" pang-aasar ni Hazel
"Don't worry, hindi ko sasabihin sa girlfriend mo" sabi naman ni Bea habang nakangisi, nang-aasar din.
"Babe ang sakit naman nun, bakit lumalandi ka sa iba sa harap ko mismo" mangiyak-ngiyak na sabi ni PJ pero halatang nang-aasar
"Gago kayo hindi ko naman nahalikan" pikon na singhal ni Daniel.
"OMG !! Don't tell me na nanghihinayang ka?" Sigaw ni Hazel
"Gago, ampota" naiinis na sabi ni Daniel, bago umupo sa tabi ni PJ
"Lubayan mo ako Niel, nagseselos ako" sabi ni PJ, pero sinamaan lang sya ng tingin ni Daniel
Dahil wala kaming mapag-usapan inasar nalang namin si Daniel na kanina pa pikon na pikon.
"Grabe kinakabahan ako habang bini-bp ako nung nurse ang kingina pulang pula sya, gwapo mo daw kasi" natatawang sabi ni Margaret bago uminom ng tubig
"Hindi ko type, mukhang siopao" dahil sa sinabi ni Daniel naibuga ni Margaret yung iniinom nya
"Tissue" sabi nya kaya dali dali tumayo si Daniel para bigyan ng tissue si Margaret
"Ang sakit sa ilong" sabi nya habang tumatawa-tawa
"Anong siopao dun? Ang sexy sexy kaya" sabi ni Bea
"Saan banda Beatriz?" nakataas kilay na tanong ni Daniel
"Mas sexy pa kaya yun kay Trisha sabi ni Bea" nang-aasar nanamang sabi ni Hazel
Natatawa ako dahil kanina pa talaga tahimik si PJ, pinanindigan nya talagang hindi nya papansinin si Daniel.
"Hoy wala kaya akong sinabi, kuya sinungaling yan" gulat na sagot ni Bea
"Tama na pwede ba? Inaantok ako ang ingay ingay nyo" singhal ni Margaret
"Matutulog ka pa? Pauwi ka din mamaya oh, 30 minutes nalang" natatawang sabi ni PJ
Isang linggo na matapos yung insidente ni Margaret. Nagchat sa gc si Bea, pinapapunta kami sa bahay nila dahil may ibibigay daw yung mommy nya. Nagpasundo ako kay Margaret dahil may kotse naman sya. Una sa lahat ayoko mag commute pag mainit ang panahon, isa pa ayoko din sumakay ng jeep ng walang kasama. Hindi ako sanay.
Pababa na ako nang biglang mag vibrate yung cellphone ko, nagchat si Margaret malapit na daw sila. Nagwawalis sa sala si mama ng maabutan ko sya.
Nagdala na din ako ng damit dahil baka may biglang lakad. Ganyan pa naman sila, papapuntahin kami dun pero aalis din pala.
"Mama pinapapunta ako ni Bea sa bahay, may bibigay daw si tita Sarah" paalam ko kay mama, agad syang pumayag dahil magkaibigan naman sila ni tita Sarah, nakabihis na din ako kaya dapat pumayag talaga sya
"O sige, magpahatid ka na din pag gabi ka na makakauwi, madaming loko sa daan" sabi ni mama habang nagsasapatos ako.
"Opo ma kasabay ko naman si Margaret magpapahatid nalang din ako sa kanya mamaya, nandyan na yata si Margaret sige ma alis na ako, bye po" paalam ko kay mama nang may bumusina sa labas
"O sige ingat kayo" nakangiti nyang sabi habang kumakaway
"Let's go na po kuya" sabi ni Margaret kay kuya Nelson, pagkapasok ko sa kotse nila.
"Susunduin din daw natin si PJ, tinatawagan ko si ate Althea yung sumagot, tulog pa daw yung totoy nila" natatawang bungad ni Margaret
"Nakabihis na daw ba?" tanong ko, si PJ yung palaging late sa amin kaya sanay na kami
"Ewan siguro maliligo palang" sabi ni Margaret
Mga sampung minuto nandito na kami sa tapat ng bahay nila PJ. Agad syang umupo sa unahan.
"Grabe buti ginising ako ni ate" sabi nya habang nagsusuklay
"10 a.m. na tulog ka pa din?" natatawang sabi ni Margaret
"Madaling araw na yan natutulog eh" naiiling na sabi ko
"Wag kang KJ te, ganyan talaga pag may kabebe time. Palibhasa di mo ranas eh" mataray na sagot nya sa'kin
"Sakit naman nito" naka pout na sabi ko, natatawa lang si Margaret habang nakikinig sa amin ni PJ
"Uy kuya teka wait" biglang sabi ni PJ kay kuya Nelson nila Margaret
Nagtatanong kaming tumingin sa kanya ni Margaret .
"Diba ayun si kuyang pogi" turo ni PJ sa lalakeng nakain ng kikiam.
"Oo nga ayan yun" sagot ni Margaret, hindi ko masyadong mamukhaan kasi nakatalikod sya banda sa amin.
"Kunyari bibili tayo, dali halika na dito" yaya sa amin ni Margaret
"Kuya wait lang ha? Hahanapan lang namin ng bebe si Venice" paalam ni PJ kay kuya Nelson, natawa naman si kuya Nelson kaya hinila ko na sya.
Nakakahiya !!
Habang naglalakad kami, pabilis ng pabilis yung t***k ng puso ko.
BAKIT GANTO YUNG NARARAMDAMAN KO !?
"Kuya fishball nga po tatlong lima, tapos tatlong kikiam" sabi ni Margaret,bago kami binigyan ng tig-isang stick ni PJ.
"Uy kuya anong name mo?" Nagulat ako kay PJ dahil sa biglaang pagtatanong nya dun sa lalake, napatigil tuloy ako sa pagtusok ng kikiam
"Austin" normal na sagot nung lalake
"Ay Venice nga pala, kaibigan ko" biglang paghila sa akin ni PJ, para ipakilala kay Austin
"Ah-eh, h-hi" kinakabahang sabi ko
"Hello, nice meeting you again" nakangisi nyang sabi
Ano daw? Again?
"Huh?" kinakabahang tanong ko
"Mmmm- ikaw yung tingin ng tingin sa 'kin last week diba?" nakahawak sa babang tanong nya
"Hindi, hindi ako yun" sagot ko bago hilahin paalis si Margaret at PJ
Narinig ko pa yung tawag ni Austin pero hindi ko na pinansin.
Pota napansin nya pa yun?