Kanina pa nila ako tinatawanan, nandito na kami sa bahay nila Bea. Nasa kwarto kami ni Daniel, dahil magulo yung kwarto ni Bea.
"Nice meeting you again" panggagaya ni Daniel sa sinabi ni Austin sa'kin kanina.
Nakwento na kasi ni PJ sa kanila. Sinabi ko sa kotse na wag na nilang sabihin kaso sinabi pa din nila. Mga epal.
"Nye, nye, nye" parang bata kong akto
"Hoy Venice, may jowa ka na't lahat isip-bata ka pa din?" saway sa akin ni Hazel
"Jowa? Sino?" nagtatakang tanong ko
Ako? May jowa? Bakit di ko alam?
"Si Austin" sabay sabay nilang sagot
Depota! Austin pa nga.
"Pag ako talaga nahulog dun tas hindi ako sinalo,kayo yung sisisihin ko" seryosong sabi ko
Totoo naman, kasi sabi nila sa pang aasar asar na ganyan, yan yung rason kaya nagkakagusto tayo sa taong inaasar lang sa'tin. Mahirap yan, lalo na't wala kang kasiguraduhang sasaluhin ka ng taong inaasar sayo.
"Ito naman, akala ko ba di mo sya type" sabi sa akin ni PJ
"Wala akong sinabing hindi ko s'ya type" sabi ko "At lalong wala akong sinabing type ko sya" dagdag ko dahil nag-tilian sila
"Guys see, hindi ako sanay sa ganyang love love na yan, ang katulad ko madali lang mahulog. Kaya paano naman ako? Kung sakaling ma inlove ako?" dire-diretsong sabi at tanong ko sa kanila.
"Si PJ kasi pasimuno eh" singhal ni Hazel
"Bakit ako nanaman 'te?" gulat na tanong ni PJ
"Umayos kayo mamaya, may bisita ako" saway sa amin ni Daniel
"Bisita?" patanong na sabi ko sa kanya
"Hindi ba kami bisita? Bisita din kami uy" sabi ni PJ gamit yung lalakeng boses kaya nagulat kami habang natatawa
"Kami yung bisita, ikaw yung bwisita" seryosong sabi ni Hazel
"Sa ganda kong 'to? Inggit ka lang te" mataray na sagot ni PJ kaya nagtawanan kami
Sasagot pa sana si Hazel kaso may biglang nag doorbell kaya tumahimik nalang kami.
"Venice ikaw na magbukas dun, para naman may pakinabang ka" naka cross arm na sabi sakin ni Daniel !!
Para may pakinabang? Gago 'to ah!
"Bakit ako !?" singhal ko pero umiwas lang s'ya ng tingin habang nakangisi
Mapang-asar na Daniel.
"Ay sige ako nalang, baka mamaya pogi yan" presinta ni PJ bago lumapit sa pinto "aray naman babe, ako na nga yung nagmamabuting loob oh" reklamo nya dahil binato s'ya nang unan ni Daniel
"Venice ikaw na, bilis minsan ka nalang mautusan dami mo pang reklamo" naka taas na kilay na sabi sakin ni Daniel.
"Opo kuya" naiirita kong sabi habang nakangiti. Okay mukha na akong timang
Pagkalabas ko sa kwarto narinig kong nag-aaway si PJ at Daniel, pero hindi ko nalang pinansin. Habang pababa ako nang hagdanan narinig kong nagtilian sila dahil siguro may sinabi o ginawa si Daniel kay PJ.
"TEKA LANG PO" sigaw ko dahil nag doorbell nanaman yung bisita ni Daniel.
"Eto na bubuksan na nag-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil sa mukhang bumungad sa akin.
Pisteng Daniel, kaya pala !!!
"Oh you again" nakangisi nyang bungad
"Hindi ako 'to Mr. Austin" mataray na sabi ko bago umakyat at bumalik sa kwarto pero bago yun sinabihan ko muna syang antayin nya si Daniel na bumaba
"Tang ina naman oh, kaya pala eh, pero bakit ngayon pa kung kelan nandito ako. Pota nakakairita naman kayo, sinadya nyo ba 'to? Uuwi na ako bahala kayo jan" bungad ko sa kanila pagkapasok ko sa kwarto ni Daniel.
Dumapa ako sa kama, dahil sa hiya. Gago anong itsura ko kanina? Bakit pangit ba? Werdo? Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa mga iniisip.
"Bumaba ka na dun, nag-aantay na yung bwisita mo" naka-pout na sabi ko kay Daniel, ang mga gago tawang-tawa.
"Ang sama mo girl, bwisita talaga? Bahay mo 'to? Bahay mo?" natatawang sabi ni PJ
"Kuya loko loko ka talaga, bakit pinapunta mo dito si Ino" sabi ni Bea kay Daniel
Ino?
"Kilala nyo na talaga siya?" gulat na tanong ko sa kanila
"Oo, actually second cousin namin si Ino" sabi ni Bea kaya nagtataka akong tumingin sa kanya "Ganto kasi yun, yung mommy ni Ino tapos si Mommy mag-pinsan, kaya second cousin kami" pag-chika ni Bea
"Hoy Venice bumaba ka na daw, kanina ka pa tinatawag ni tita" tawag sa akin ni Hazel, tapos na kasing magluto si tita, tapos lunch time na din.
Nagugutom na ako pero ayaw kong bumaba dahil paniguradong aasarin nila ako !!
"Busog pa ako" sabi ko habang nanonood
Hindi na s'ya nagsalita, siguro dahil bumaba na s'ya. Ako lang mag-isa sa kwarto ni Daniel, dati dito din ako natutulog kasama sila Bea. Mas malaki kasi yung kwarto ni Daniel kaysa sa kwarto ni Bea. Kaya tuwing nag oover night kami, dito kami.
Nagulat ako dahil may kumatok uli, di ba obvious na ayaw ko bumaba?
"Sabing ayaw kong makita si Austin bakit ba ang-" natigil ako sa pagsasalita dahil si Austin pala yung kumakatok !!
Narinig n'ya ba???
"Kakain na" bungad nya
Pumasok uli ako dahil ayaw ko nga kumain
"Busog pa ako" seryosong sabi ko sa kanya pero ang totoo lalabas na talaga yung puso ko sa kaba
"Baba ka o hahalikan kita"
"Huh?" parang tangang tanong ko
Syempre mas gusto ko yung hahalikan, duh !
"Bumaba ka na" sabi nya habang naka-taas yung kilay
"Ah oo, kakain na nga" dali dali kong pinatay yung tv.
Nauna s'yang naglalakad habang nasa likod nya ako na nag-iisip kung narinig nya ba !
"Austin?" tawag ko sa kanya kaya tumigil s'ya sa paglalakad, muntik na akong masubsob dahil sa biglaang pag tigil nya
"Why?" tanong n'ya habang nakatingin sa akin !
May dumi ba ako sa mukha?
"May narinig ka ba kanina?" nahihiyang tanong ko.
"Saan?" nagtatakang tanong nya
"Yung ano... yung bago ko buksan yung pinto" nakaiwas na sabi ko "pwede naman yata tayong mag-usap habang naglalakad hehe" naiilang na dagdag ko
"Oh! Yung ayaw mo ako makita? Don't worry uuwi na din ako after kumain" seryosong sagot nya bago naunang maglakad
Pagkaupo sa lamesa, napansin ko yung tingin nila. Tingin na nang-aasar ! pero hinayaan ko nalang muna dahil iniisip ko yung sinabi sakin kanina ni Austin.
Uuwi sya dahil alam n'yang ayaw ko s'yang makita?
Napailing nalang ako sa naiisip ko, wala lang yan Venice.
"Kamusta naman kayo? Tagal nyo ding hindi nakapunta dito" sabi ni tita Sarah habang nakain kami
"Okay lang naman po" sagot nila PJ
"Oh eh ikaw Venice, kanina ka pa tahimik tapos ayaw mo pa kumain. Sawa ka na ba sa luto ko?" naka pout na sabi ni tita Sarah sa akin
Napatingin ako kina Hazel pero tinaasan lang nila ako ng kilay.
"Ah okay lang naman po tita, busog pa po kasi ako kanina eh" napansin ko yung pagtawa nila sa sagot ko. Mga gago makisama kayo
"Mommy ipakilala mo naman si Ino sa kanila" nakangising sabi ni Bea
Hindi ko alam kung mainit ba talaga o sadyang kinakabahan lang ako. Gusto kong sapakin si Bea dahil kilala naman namin si Austin !! Okay hindi namin kilala yung pagkatao nya pero alam na namin yung pangalan nya.
Imbes na pansin o tapunan ko sila ng tingin, nakatutok lang yung atensyon ko sa kinakain ko. Bahala na sila mag-usap usap, nakakahiya naman kay tita Sarah kung aalis nalang ako bigla. Baka lalong makahalata.
Omg? Makahalata? Ano namang mahahalata nila? Eh wala naman akong gusto kay Austin? Gago may sinabi ba silang may gusto ka kay Austin?
Gulong gulo na ako nyeta !!
"Oo nga pala Austin mga kaibigan nila Bea" panimula ni tita, ang pormal ah? "Si Margaret, PJ, Hazel at Venice nga pala" pakilala ni tita sa amin isa-isa.
"Hello" bati nila kay Austin, pero hindi nalang ako kumibo
"Ay Austin ito pala si Venice, tandaan mo ha? V. E. N. I. C. E. Venice" sinamaan ko ng tingin si PJ dahil sa sinabi nya
Parang mga di kaibigan ah? Laglagan na ba?
"PJ shhhh... wag nyo ngang asarin yan si Venice" saway ni tita pero tinawanan lang nila "Si Austin, pamangkin ko" pakilala ni tita kay Austin
"It's okay lang tita, ang cute nya kasi pag-inaasar" singit ni Austin sa usapan kaya nagtilian sila. Nakakahiya kay tita Sarah
Pero.... ano daw? cute ako? I need air. Gosh!
"Oh sige kumain na kayo d'yan, may gagawin lang ako" paalam sa amin ni tita bago tumayo
Nag-uusap usap sila habang nakain pero gaya ng kanina tahimik uli ako. Buti hindi na nagtanong pa si tita kung bakit tahimik ako ngayon.
Nag presintang maghugas sina PJ at Hazel. Ako na yung nagpunas ng lamesa, at naglagay ng tubig sa pitsel. Habang inaayos naman nila Daniel yung sa sala dahil balak daw nilang mag truth or dare mamaya. Para naman daw may magawa kami.
"Let me help you" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Austin sa harapan ko
"Hindi okay na, patapos na din naman" sabi ko sa kanya
"Hoy Austin kami ang tulungan mo dito hindi yan si Venice, ang dali dali lang magpunas ng lamesa" sabi ni PJ kaya napailing nalang ako
"He's right" sang-ayon ko sa sinabi ni PJ habang nakatingin kay Austin
"He's right, he's right ka pang nalalaman te, nakakadiri" medyo pasigaw na sabi ni PJ kaya natawa ako
"You look better when you smile" sabi ni Austin bago pumunta kina PJ
Ano daw?