Nakabilog na kami habang naka indian sit. Inaantay pa namin si Bea, dahil kumuha pa s'ya ng sili. Kakain daw ng siling labuyo kapag hindi ginawa yung inuutos, o kaya pag hindi sumagot ng ayos.
"Let's start" sabi ni Bea pagkaupo, nilagay nya sa gitna namin yung siling labuyo na nakalagay pa sa platito.
"So ganto yung gagawin, bagsakan tayo ng kamay then kung sino yung naiiba 'yon yung unang magpapaikot ng bottle. Kapag ako yung natapatan, isa sa inyo yung magtatanong ng truth or dare. Tapos yung tinanong yung susunod na magpapaikot ng bottle, ganun lang rin yung gagawin hanggang sa matapos. Kapag hindi ginawa ng ayos yung pinapagawa, kakain ka ng sili. Walang iinom ng tubig hanggang hindi natatapos yung laro. Game na." paliwanag ni Bea
"Game" sagot namin bago pagpatong- patungin yung isang kamay namin. Nasa ibabaw ng kamay ko yung kamay ni Hazel pero inilipat nya sa baba yung sa kanya dahil si Austin pala yung nasa ibabaw nya !!
Nakailang ulit kami dahil pare-pareho kami palagi. Hanggang sa mag-bulungan na sila ng kung ano (unfair). In the end, si Margaret yung naiiba kaya s'ya yung unang magpapaikot ng bote.
"Grabe yang tingin mo te, parang ako yung target mo" natatakot kunyaring bigkas ni PJ pero inikutan lang s'ya ng mata ni Margaret.
Bago ipaikot ni Margaret, nagdadasal ako na sana hindi sa akin huminto dahil hindi pa ako ready. Pabagal ng pabagal na yung ikot ng bote kaya lalo akong kinabahan nung muntik ng tumigil sa akin. Buti nalang umikot pa ng onti kaya kay Hazel napahinto. Thanks !!
"Truth or Dare" tanong ni Margaret kay Hazel
"Dare" sagot ni Hazel, pota bakit hindi s'ya kinakabahan?
"Okay" sabi ni Margaret bago mag-isip "mhmmm, tawagan mo si Liam tapos sabihin mo 'i love you babe' " hindi siguradong sabi ni Margaret
"Basic." sabi ni Hazel bago magpipindot sa cellphone nya "teka nag riring pa, oh yan naka speaker pa...." nakangiting dagdag nya
"Oh Hazel, napatawag ka" sagot ni Liam sa kabilang linya
"Wala naman, may sasabihin lang sana ako" sagot ni Hazel habang nakatingin sa amin
Ang tapang mo Hazel !!
"Oh anong sasabihin mo? Akala ko pa naman nagtatampo ka dahil hindi mo sinasagot yung tawag ko sa'yo" sabi ni Liam kaya nag 'pst' ako sa kanya bilang tanong.
Tinakpan muna ni Hazel yung cellphone bago magsalita "Mamaya na kayo magtanong, istorbo"
"Nandito kasi ako ngayon kina Bea, medyo busy kami kaya hindi ko napansin na tumatawag ka pala. Sorry na" naka pout na sabi ni Hazel na akala mo'y nakikita s'ya ni Liam.
"Ano pala yung sasabihin mo" tanong ni Liam
Pota muntik pang makalimutan yung dare, harot pa kasi yung inuuna !!
"I love you babe" sabi ni Hazel habang nakangiti ng malawak
"I love you too" dinig naming tugon ni Liam !! "Yan lang ba yung sasabihin mo?" tanong ni Liam
"Oo, miss na kasi kita" malanding sabi ni Hazel
"Kakakita lang natin kahapon ah, miss mo agad ako" natatawang sagot ni Liam
"Eh ano naman ! Bakit hindi mo ba ako miss?" naka pout nanamang sagot ni Hazel
"Syempre miss din kita" natatawang sagot ni Liam
"Pota tama na yan, respeto sa single" singit ko dahil ilang minuto na silang nag-uusap
"Ay babe ba-bye na ha? Naglalaro pa kasi kami nila PJ" paalam ni Hazel kay Liam bago i-ended call.
"Hoy gaga ano yun?" tanong agad ni Margaret
"Tawag?" patanong na sagot ni Hazel kaya sinamaan namin sya ng tingin "Biro lang ano ba" sabi ni Hazel habang naka peace sign bago mag kwento.
Dalawang buwan daw pala s'yang niligawan ni Liam. Nung una daw sasagutin na sana agad nya kaso ang sabi naman ni Liam mas maganda daw kung makikita ni Hazel yung effort nya. Kaya ayun tumagal ng dalawang buwan. Dalawang linggo na daw yung nakalipas mula nung sinagot n'ya si Liam. Ang gaga kilig na kilig habang nagkukwento.
"Iikot mo na Hazel, respeto naman sa'min" sabi ni PJ kaya tinarayan lang sya ni Hazel
Habang kinakabahan ako, huminto kay PJ yung bote.
"Truth or Dare" tanong ni Hazel kay PJ
"Dare syempre" sagot ni PJ
"Halikan mo si Austin sa pisnge" sabi ni Hazel kaya sinamaan ko ng tingin si PJ
"Ano ba yan, ibahin mo nalang" sagot ni PJ habang nakatingin kay Hazel. Bakas ang gulat at kaba sa mukha ni Austin dahil sa sinabi ni Hazel
"Dare is a dare" nakangising sagot ni Hazel
"Kakain nalang ako ng sili, kaysa naman mabugbog ng babae" maarteng sabi ni PJ bago kumuha ng isang sili at kinagat
"Yan okay na yan, wag mo ng ubusin" sabi ni Hazel dahil kalahati yung nakagat ni PJ
"Gago ang sakit sa dila, buti nalang nalunok ko agad" pawisan na reklamo ni PJ
"Hindi mo nginuya?" tanong ni Bea sa kanya
"Ikaw kaya ngumuya ng sili te, try mo oh" sagot ni PJ habang inaabot kay Bea yung sili
"No thanks" mataray na sagot ni Bea
Nung inikot ni PJ yung bote huminto yun kay Daniel kaya tawang tawa si PJ.
"Truth or Dare" tanong ni PJ kay Daniel
"Truth" walang emosyong sagot ni Daniel
"Ay ang tapang ni kuya" mapang-asar na sabi ni PJ "Alam mo ba yung pangalan ni ateng nurse?" deretsahang tanong ni PJ kay Daniel kaya nagtatakang tumingin si Austin sa kanya
"Yung hinalikan n'ya sa hospital" sabi ni PJ kay Austin kaya napatango ito.
"Sabing hindi ko hinalikan" naiiritang sagot ni Daniel
"Edi hindi, o ano alam mo ba yung pangalan? Ano? " tanong uli ni PJ
"Amethyst" sagot ni Daniel habang namumula yung tenga
"Hala paano?" gulat na tanong ni PJ
"Basta, akin na yung bote" sagot ni bago agawin kay PJ yung bote
"Truth or Dare" tanong ni Daniel kay Bea
"Truth nalang kuya" sagot ni Bea
"Do you like your suitor?" tanong ni Daniel kaya parang nailang si Bea "Answer me"
"No" sagot ni Bea, nasabi na n'ya sa aming hindi nya talaga gusto yung manliligaw nya na wala na talagang chance yun pero hindi nya alam kung paano yung babastedin.
"Reject him, then" seryosong sabi ni Daniel bago inabot sa kapatid yung bote "He's not good for you" dagdag nito kaya tumango si Bea
Kay Margaret tumigil yung bote, kami nalang ni Austin yung hindi pa natatapatan.
"Truth or Dare" tanong ni Bea kay Margaret
"Dare" sagot ni Margaret habang binabasa yung isipan ni Bea
"Call Clark, then sabihin mong 'I miss you' " sabi ni Bea kaya walang pasabing kumuha ng sili si Margaret at kinain.
Nagreklamo pa s'yang maanghang daw, natural sili eh.
"Mas gugustuhin ko pang kumain ng sili kaysa sabihan ng ganyan yung lalakeng yun" naiiling na sabi ni Margaret bago kunin kay Bea yung bote
"Oh kayong dalawa nalang" nakangising sabi ni Margaret habang pinapaikot yung bote
"Truth or Dare" tanong ni Margaret kay Austin dahil ito yung natapatan
"Dare" walang emosyong sagot ni Austin habang nakatingin kay Margaret
"Kiss Venice" sabi ni Margaret kaya hinampas ko yung hita nya
"Where? cheek or lip?" tanong ni Austin habang tumatayo para lumapit sa akin.
"Gagawin mo talaga?" tanong ko sa kanya
"Sa lips" sagot ni Margaret kaya sinamaan ko s'ya ng tingin
"Gago ka talaga~ " hindi natuloy yung sasabihin ko dahil sa biglaang paglapat ng labi ni Austin sa labi ko !!!
"WAAAAAAAAA" tili nila pero nangibabaw yung boses ni PJ
"Nice may first kiss na si ate Venice" asar ni Bea kaya nagulat si Austin
Pwede namang kumain nalang s'ya ng sili, kaysa gawin yung inuutos ni Margaret.
"First kiss mo yun?" gulat na tanong n'ya habang nakaturo pa yung kamay sa akin
"Oo" naiilang na sagot ko
Ano nalang yung gagawin sakin ni mama kapag nalaman nyang may first kiss na ako sa edad na kinse !?
"Damn" dinig kong mura n'ya "s**t I'm sorry, I thought it wasn't your first kiss" sabi nya sa akin.
Sorry? First kiss ko yung ninakaw nya!!! Tapos sorry???
"Grabe ka naman kasi 'tol, nanghahalik ka basta basta" naiiling na sabi ni Daniel
"Because of her dare" sabi ni Austin habang nakaturo kay Margaret
"O sige na tanungin mo na ako" sabi ko kay Austin na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala na s'ya yung first kiss ko.
First kiss lang yan, dun nalang tayo sa last kiss.
"Ahmmm.... do.... do... " kinakabahang sabi ni Austin
"Ano na? Dodo? Dododo ka kay Venice" sabi ni PJ kaya inismiran ko sya
"Do...Do you like my kiss?" tanong ni Austin habang nakatingin kay Daniel
Wala man lang Truth or Dare? Gusto kong itanong yan kaso alam kong sa asaran nanaman mapupunta yun.
"Si Daniel ba yung hinalikan mo? Hoy Venice kung nagustuhan mo daw ba yung halik" pag-epal nanaman ni PJ
"Ano?" naiilang na tanong ko
Napaka straight forward naman ng taong 'to. Nakakailang !!
"Do you like my kiss" sabi nya habang nakatingin na sa akin.
"I don't know " bulong na sagot ko
"Bakit naman hindi mo alam?" tanong ni Daniel !!
Ano bang gusto nila? Magustuhan ko kahit nag loloading pa rin hanggang ngayon sa utak ko yung nangyari?
"That's good" sabi naman ni Austin habang nakangisi
"Huh?" tangkang tanong ko
He just shrugged !!