Dito muna kami matutulog dahil umuulan ng malakas, yung sundo ni Margaret hindi daw makadaan dahil mataas yung tubig. Buti nalang nagdala ako ng damit, kaming tatlo nila Margaret at PJ yung dito muna matutulog. Si Hazel? malapit lang naman kina Bea yung bahay kaya nakauwi sya. Nagchat pa s'ya sa gc na dito din daw s'ya matutulog nung nalaman n'yang dito kami matutulog.
Uuwi din sana si Austin dahil malapit lang din daw yung bahay nila dito kaso sabi ni tita umalis daw yung nanay ni Austin kaya dito nalang muna s'ya pina-stay. Tadhana nga naman.
"Venice tulungan mo ako dito" sabi ni Margaret habang nakaturo sa may maliit na lamesa ni Daniel.
Inaayos muna namin yung kwarto ni Daniel dahil dito namin balak matulog. Nung una nagdadalawang isip pa s'ya kung papayagan ba kaming galawin yung gamit n'ya o hindi, pero nung pumasok si tita at sinabihang pagbigyan kami pumayag na din s'ya.
Naglatag kami sa sahig dahil may inabot sa aming kutson si tita, okay naman kami sa banig nalang pero sabi ni tita dapat yung may foam nalang daw dahil baka sumakit lang yung likod namin.
Dati naka banig lang kami dito sa sahig dahil wala namang extra na kutson sila Daniel pero sabi ni tita bumili daw sila ng kutson na manipis para naman daw may maayos s'yang maipapahigaan sa bisita n'ya.
Nag-open muna ako ng messenger para ichat si Hazel kung papunta na ba s'ya dito o hindi. S'ya kasi yung pinaka unang umuwi kanina, eh sakto nung pauwi na sana kami saka bumuhos yung ulan kaya sinabi nalang ni Margaret kay kuya Nelson na huwag nalang tumuloy.
Tinawagan ko muna si mama dahil nakalimutan ko palang sabihin na hindi ako makakauwi ngayon.
"Oo anak alam ko na" bungad ni mama pagkasagot n'ya ng tawag
"Na ano ma?" nanghuhuling tanong ko habang natawa, nasabi na siguro sa kanya ni tita Sarah
"First kiss mo pala yung pamangkin ni Sarah" natatawang sabi ni mama kaya nagulat ako
"Ano ma!?" gulat na tanong ko kaya napalingon sila Daniel sa akin "Sinong nagsabi?" dagdag ko habang kagat-kagat yung daliri
"Oh s'ya sige na, buti nalang linggo bukas" dinig kong sabi ni mama
"Okay po, babye, I love you" paalam ko dahil dumating na si Hazel
"Sige, ingat kayo d'yan " sagot ni mama bago patayin yung tawag
"Hoy gago kayo sinong nagsabi kay mama na may first kiss na ako !?" inis na inis na tanong ko habang nakatayo sa harapan nila
Napansin ko yung gulat sa mata ni Austin dahil sa sinabi ko pero hindi ko nalang pinansin.
"Alam na ni tita? OMG baka magalit sa 'kin yun" kinakabahang sabi ni Margaret
Ayun magagalit? Parang inaasar pa nga ako kanina. Gusto kong sabihin yan pero hinayaan ko nalang s'yang kabahan dahil kasalanan naman n'ya talaga!!
"Hoy PJ umamin kana" sabi ni Daniel kay PJ kaya tinaasan s'ya ni PJ ng kilay
"Hoy Daniel ang sama talaga ng ugali mo" naiinis na sagot ni PJ
Wala ba talagang aamin???
"Ano na kasi, di naman ako magagalit eh, gusto ko lang talaga malaman kung sino" sabi ko bago umupo sa tabi ni Austin dahil do'n nalang yung may malawak na space.
Kumatok si tita kaya pinagbuksan s'ya ni Daniel. Akala ko dahil kakain na yun pala dahil may sasabihin s'ya.
"Hey Venice, I heard your screaming. Ahmmm.... nadulas lang kasi ako kanina" nagulat ako sa sinabi ni tita
Nadulas?
"I was going to tell Camille na hindi ka makakauwi kaso nagtanong s'ya kung ano daw yung ginawa n'yo dito. Then sinabi kong naglaro kayo kaso nadulas ako, nasabi kong 'Austin kissed you' I'm sorry talaga baby" sabi ni tita bago ako yakapin, ang sweet talaga ni tita ang cute n'ya kaya swerte sina Bea at Daniel dahil s'ya yung naging nanay nung dalawa
Pero isa lang talaga yung umulit-ulit sa utak ko na sinabi ni tita Sarah.
'Austin kissed you'
"Tita pa'no mo nalaman?" gulat na tanong ko
"PJ told me" naka pout na sabi n'ya "I'm sorry talaga Venice" sabi ni tita habang yakap ako
Nakita kong natatawa sila dahil sa asta ni tita ngayon. Alam naman nilang pag si tita Sarah yung may gawa o kasalanan mabilis mawala yung galit ko dahil ang cute n'ya talaga mag-sorry.
"Mom parang hindi ka naman papatawarin ni Venice" natatawang sabi ni Bea habang sinusuklay n'ya ng kamay yung buhok ni tita.
"Siguro nga tita nung nalaman n'yang ikaw yun, nawala agad yung inis n'ya " sabi naman ni PJ kaya tinitigan ko s'ya
Gago ka ha!!
"Tita oh ang sama ng tingin sakin ni Venice" sumbong ni PJ kay tita kaya natawa si tita
"Oh wait, baka sunog na yung sinaing ko. Tatawagin ko nalang uli kayo pagkakain na" sabi ni tita bago lumabas
Wala ako sa kanilang pinapansin, naiinis pa din ako. Grabe ano nalang yung sasabihin ko kay mama bukas pagkauwi ko. Papalayasin na ba ako? Hindi, hindi ako papalayasin kasi narinig ko pa yung tawa n'ya kanina habang sinasabi n'ya sa akin yun. Nanay ko ba talaga yun?
Nandito ako sa kwarto ni Bea, gusto ko munang mapag-isa. Bahala silang magsaya dun, wala akong paki. Akala ko ba kasi okay lang sakin yung first kiss pero bakit parang hindi pa din talaga.
Nagtalukbong ako ng kumot dahil biglang may kumatok sa pinto. Nung wala na akong marinig na katok inalis ko yung kumot sa katawan ko pero napaatras ako dahil nakaupo na sa kama si Austin!!! Kahit s'ya din siguro nagulat, pero mas nagulat ako. Piste !!
"H-Hey" kinakabahang sabi ko sa kanya habang nakahawak sa kumot.
Gago !! Bakit ba kasi s'ya nandito !!!
"Tita Sarah please me na ako nalang daw yung tumawag sa'yo kasi kakain na. I knocked before ako pumasok dito dahil wala namang nasagot, I thought natutulog kana" sabi n'ya bago tumayo "About the kiss, sorry talaga" dagdag n'ya bago lumabas
Pagkaalis n'ya nakahinga na ako ng maluwag.
Naririnig ko silang nag-uusap usap habang papalapit ako sa hapag-kainan.
"Anong sabi Austin, kakain daw sya, o kakain daw sya" dinig kong tanong ni tita
"I don't know, basta ang sinabi ko kakain na" sagot ni Austin habang nakuha ng kanin
"Okay dadalhan ko nalang s'ya ng pagkain sa...." napatigil sa pagsasalita si tita nung makita nya ako kaya nginitian ko sya "Venice kumain kana dali, nagluto ako nang sinigang alam kong favorite mo 'to" sabi ni tita habang inaalalayan akong umupo
Medyo naiilang ako dahil alagang alaga s'ya ngayon, no, hindi lang s'ya dahil pati si PJ kusang nilagyan ng kanin yung plato ko. Tapos si tita naman ang daming ulam na nilagay sa kanin ko!!!
Gusto kong ma-touch dahil ang sweet nila ngayon sakin pero parang pang isang linggo naman na kainan yung binigay nila sakin!!!
"Mommy tama na yan, hindi na yan mauubos ni Venice" natatawang sabi ni tito Mark?
Jusko nandito pala si tito Mark, bakit ba kasi nagdrama drama pa ako kanina. Nakakahiya!!
"Tito !? " Gulat na tanong ko habang nakaturo pa sa mukha n'ya
"Venice bakit? Lalo ba akong gumuwapo kaya hindi mo ako nakilala agad?" natatawang biro ni tito
"Ah-eh hehe wala po" pilit na tawang sagot ko "ay opo, opo lalo ka hong naging pogi" naiilang na sagot ko !! Gagi ano nanamang pakulo yan Venice
"HAHAHAHAHAHHAHAHAHA" tawa ni tita Sarah kaya napanguso si tito "Grabe ka naman Venice, okay lang naman magsabi ng totoo kaysa naman paasahin mo ang tito Mark mo" natatawa pa ding sabi ni tita kaya natawa na din kami
"Tara sa kwarto" napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi ni tito kay tita
"Dad kadiri naman kayo, nakain kami oh" singhal ni Bea habang nakatingin ng masama sa daddy nya
"Let's go sweetie " nakangising sabi ni tita kay tito bago sila umalis sa kusina
Creepy
"Let's go sweetie " panggagaya ni PJ habang nakatingin kay Austin
Mga impakto !!
"Biro lang naman Venice, baka mabasag yung baso n'yan dahil sa hawak mo" nang-aasar na sabi ni PJ
Punyeta naman talaga oh!!!