Chapter 7

1351 Words
Naglilinis ako ng bahay dahil pinapapunta dito ni mama si Austin. Simula nung malaman n'yang si Austin yung unang halik ko, linggo linggo nalang n'yang pinapapunta dito yun. Masyado s'yang desisyon eh. Medyo okay na kami ni Austin, nawala na yung ilang sa amin dahil palagi na din naman kami nagkikita. "Oh Ino pasok ka dali, pinagluto ka uli ni Venice" bungad ni mama kay Austin "Alam mo ba kinukulit ako n'yan kanina, sabi n'ya magluto naman daw kami para may mapakain sa'yo, naku sigurado ba kayong walang namamagitan sa inyo" nagulat ako sa sinabi ni mama, wala naman akong sinabing ipagluto si Austin s'ya nga yung nangulit sakin kanina. Binabaliktad ako ng sarili kong ina. "Hoy mama, wala naman akong sinabing ganyan, sabi ko nga tinapay at juice nalang pwede na kay Austin eh" reklamo ko pero tinarayan n'ya lang ako "We're just friends lang po tita" magalang na sagot ni Austin Friends, huh? "Tumigil ka d'yan Venice asikasuhin mo na ang bisita mo, ako na yung maglilinis d'yan" sabi sakin ni mama kaya napapadyak nalang ako sa inis "Ay d'yan nagsimula yung nanay at tatay ko sa friends friends na yan, tignan mo ako ngayon buhay na buhay" natatawang sabi ni mama kay Austin kaya napairap nalang ako sa hangin Sinamahan ko sa kusina si Austin, busog na ako pero sabi ni mama sabayan ko daw kumain si Austin kaysa naman daw titigan ko lang habang kumakain yung tao !!! Minsan napapaisip ako eh, nanay ko ba talaga yun? Dejok mahal ko talaga si mama kahit tinutulak ako sa iba. "Oh eto, may kamay ka naman ikaw na maglagay ng pagkain d'yan sa plato mo" walang emosyong sabi ko habang nilalapag ko yung plato at tinidok sa harapan n'ya Hindi ko alam kung bakit ang pangit nanaman ng ugali ko ngayon lalo na nung sinabi n'yang magkaibigan lang daw kami. Pota magkaibigan eh hindi pa nga kami nag-uusap tungkol d'yan "Ang init naman ng ulo mo, pati nanay mo inaaway mo" natatawang sabi n'ya pero inismiran ko lang s'ya "Wala ka nang paki dun, tara kumain na tayo" badtrip na sabi ko kaya nagsimula na s'yang kumuha ng palabok "Bakit ba badtrip ka ngayon? Nung huli naman nating kita okay naman tayo ah" curious na tanong n'ya habang kumakain kami Dahil sa just friends na sinabi mo kaya ako na badtrip "Ano na bang meron sa atin?" biglaang tanong ko kaya napangisi ako nung nabulunan s'ya "oh tubig ano ba yan, dahan dahan lang kasi sa subo" singhal ko sa kanya "Meron sa atin?" tanong n'ya sa akin pabalik habang umiinom ng tubig, tumango ako sa kanya "Oo, kasi sabi mo kay mama magkaibigan tayo" nakita ko yung pag ngisi n'ya dahil sa sinabi ko "Don't tell me, mas gusto mo yung higit pa dun?" nakangisi n'yang sabi, nang-aasar kaya sinamaan ko s'ya ng tingin "Hindi ah" agad na sagot ko "I mean, hindi pa kasi tayo nakakapag usap tungkol dun" sabi ko sa kanya "Pero kung gusto mo akong maging kaibigan, ayos lang para naman madagdagan yung kaibigan ko" nakangiti kong saad Tumango lang s'ya at hindi na umimik. Maghuhugas na sana ako ng plato kaso sabi n'ya s'ya nalang daw dahil nakikain lang naman s'ya. Pumunta muna ako sa sala, magcecellphone sana ako kaso bigla akong kinausap ni mama "I like him for you" kinikilig na bulong ni mama na kung umasta akala mo'y teenager "Ewan ko sa'yo ma, magkaibigan lang kami" sabi ko kay mama habang pinapalitan ng punda yung unan sa sofa. Totoo naman magkaibigan na kami, yun yung pinag-usapan namin kanina. "Sige sabi mo eh, pero kapag nanliligaw na sa'yo sabihin mo agad sakin ha?" sabi ni mama bago pumunta sa kwarto para dun naman maglinis. God !! Sakto nung pagkaalis ni mama saka naman na dumating si Austin. Buti nalang kasi kung hindi baka kung ano-ano nanaman yung masabi ni mama. "Upo ka dito, manood ka ng tv, drama nalang panoorin mo wala kaming Netflix" sabi ko sa kanya habang pinapagpag yung sa tabi ko "Hindi naman ako pala nood" sagot n'ya bago umupo sa tabi ko "Aba edi wag, ako? manonood ako maganda daw kasi yung palabas na 'to" pag chika ko sa kanya, dahil ang weird naman kung tahimik lang kami dito hindi nagpapansinan, nasan na yung magkaibigan dun "Maganda nga" nakangisi n'yang sabi habang nakatingin sa tv, kaya taka akong napatingin sa kanya "Huh?" Akala ko ba hindi s'ya manonood Saka ko lang narealize kung bakit n'ya nasabi yun, nung una kasi naka dinner date yung dalawang bida hanggang sa mauwi sa bedscene ang king ina !!! "Hoy akin na nga yang remote" reklamo ko dahil inagaw n'ya yung remote na dapat gagamitin ko panglipat ng channel "Manood na tayo, sabi mo maganda yan" sabi n'ya, halatang nang-iinis. May sinabi nga akong maganda pero ayoko manood ng ganyan lalo na 'pag kasama ko yung hindi ko naman masyado close "Ano kayang feeling n'yan, noh?" nagulat ako sa tanong n'ya, pota mukha bang may experience ako? "Aba malay ko, gago" singhal ko kaya napalingon s'ya sakin habang natatawa "Try kaya natin?" nakangisi n'yang tanong "Gago ang bastos" reklamo ko bago tumayo at iniwan s'ya sa sala Bakit ba laging ganyan yung lalakeng yan? Napaka ano, sakin pa talaga tinanong. Hindi na ako magtataka kung 'di na virgin 'yun. "Venice binibiro kalang naman " sabi n'ya habang nakasunod sa akin Nakakainis naman, parang walang respeto sa 'kin !! Lalo lang akong nainis nung maisip ko yung salitang 'walang respeto' "Hoy Ino" first time kong tawag sa nickname n'ya "Aminin mo nga sa 'kin virgin ka pa ba?" curious na tanong ko sa kanya, napaiwas s'ya ng tingin pero alam kong natatawa s'ya sa tanong ko "Anong nakakatawa?" naiinis na tanong ko sa kanya dahil nakita ko yung pagpipigil n'ya ng tawa "Grabe ka naman sa 'kin, I am 17, still a virgin, but if you want, why not?" seryosong sabi n'ya pero nung narinig ko yung huli n'yang sinabi uminit uli yung ulo ko "Pwede ba?" nanggigigil na singhal ko dahil hinawakan nanaman n'ya yung kamay ko para pigilang umalis "Gusto ka daw makilala ni mommy" seryosong sabi n'ya kaya nagulat ako Ako? Gustong makita ng nanay n'ya? Katapusan ko na ba? Pinapalamon ko naman yung anak n'ya ah? Bakit? May kung anong bang nabanggit si Austin na ikakasira ko? Mabait naman ako ah? "Ako?" tanging sabi ko dahil sa kaba pero tumango lang s'ya Siguro nagbibiro lang s'ya, oo tama, nagbibiro lang s'ya. "Seryoso ba? Walang halong biro? Bakit daw? Mabait naman ako ah? Hoy? Bakit nga da~" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil tinakpan n'ya ng kamay n'ya yung bibig ko kaya inis ko yung tinggal "Pwede ba kumalma ka? Isa-isang tanong lang" reklamo n'ya sa akin pero ngumuso lang ako sa kanya para itago yung kaba "Bakit mo ako ipapakilala eh hindi mo naman ako jowa" reklamo ko sa kanya dahil sa inis. "Sisihin mo si Bea, napaka daldal nabanggit n'ya kay mommy na dito ako nagpupunta tuwing naalis ako sa bahay" naiiyamot na sabi n'ya kaya tumahimik nalang ako "Anong gagawin ko?" tangkang tanong ko sa kan'ya kaya inis s'yang napatingin sa akin "Edi pumunta ka" sabi n'ya habang nakatingin sa malayo "Mabait ba yung mommy mo?" tanong ko habang nagkakalikot ng daliri "Mabait siguro" seryosong sagot n'ya kaya kinabahan ako lalo Siguro? Hindi s'ya sigurado? "Siguro" patanong na ulit ko sa sinabi n'ya, tumango lang s'ya bilang sagot Pupunta ba ako? Sa susunod na linggo pa naman, may ilang araw pa ako para mag handa. Bakit ba kasi siguro yung sagot n'ya pwede namang oo nalang. "Arghhh" reklamo ko habang hawak yung ulo kong nautog sa ulunan ng kama ko Kanina pa ako hindi makatulog dahil sa sinabi sa 'kin ni Austin kanina. Bakit ba kasi ganun yung sagot n'ya, bwesit naman. Tinatawagan ko si Bea para tanungin sana kung mabait ba yung nanay ni Austin, pero hindi naman nasagot. Tulog na yata, si Daniel naman pinapatayan ako ng tawag. Siguro may idea na yung mokong na 'yon "Bahala na si tadhana" bulong ko bago pumikit
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD