Chapter 8

1332 Words
"You're already together na?" biglang tanong ni Bea pagkatapos kong sabihin sa kanila yung sinabi sa akin ni Austin na gusto daw akong makita nung mommy n'ya Ilang araw ko din pinag-isipan kung sasabihin ko ba sa mga 'to dahil alam kong aasarin nanaman nila ako "Not yet... I mean hindi, we're just a friends" sagot ko sa kanila pero ang tumatak talaga sa utak nila ay yung 'not yet' na sinabi ko "Hindi pa? So may balak ka?" pang-aasar ni Hazel habang ka chat si Liam "Pwede ba? Tigil-tigilan n'yo ako" singhal ko sa kanila bago ibalik yung atensyon sa libro "WOKEY" mapang-asar pa din na sagot nila "Mabait ba o masungit?" tanong ko kay Bea at Daniel pero nginisian lang nila ako at nagkibit-balikat "Hoy ayusin n'yo kasi yung sagot, hindi ako nakikipag biruan" naiinis na sabi ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako "Sa'min naman mabait, pero pagdating sa iba? Ayaw ko nalang mag talk" seryosong sagot ni Bea, hindi ko alam kung seryoso ba talaga s'ya o nagseseryoso lang para pakabahin ako... Well, oo gumagana "Bahala na nga" sabi ko sa kanila habang nagbabasa "Sorry guys I'm late, grabe ang hirap naman kasi nung essay na 1000 words" naka pout na sabi ni Margaret habang inaayos yung gamit n'ya Nagpagawa kasi ng essay yung teacher namin sa English, after n'yang mag chika nang 30 mins, bigla nalang s'yang nagpagawa ng essay. Chika chika tapos kapag mauubusan na nang time bibiglain kami sa gagawing activities. "Okay lang yan, baka naman kasi masyado mong ginalingan, ako kahit wrong grammar okay na basta 1000 words" natatawang sabi ni PJ kaya napailing nalang ako sa kanya "Ano palang topic n'yo kanina habang wala ako?" tanong n'ya habang nagpapaayos ng buhok kay Bea "Grabe talaga tong si Bea hindi mo makikitaan ng kapangitan, laging nakaayos" natatawang sabi ni Margaret kaya inasar s'ya ni PJ "Sadyang pangit ka lang talaga te.... oy biro lang" bawi ni PJ sa asar n'ya dahil binato s'ya ng suklay ni Margaret "Wala naman kaming topic" sagot ko sa tanong ni Margaret "Diba?" pinanlakihan ko sila ng mata dahil natatawa sila "Oo wala daw talaga" natatawang sabi ni Daniel, napansin ko din na palagi nang wala dito si Daniel, nakakasama pa naman namin s'ya pero hindi na gaya nung dati. Nung una iniisip ko na baka may date lang sila ni Trisha o baka nagkikita sila pero hindi eh, nakikita namin dito si Trisha kasama yung kaibigan n'ya. Amethyst, huh? "Epal ka?" nakataas kilay na singhal ko kay Daniel, pero nagkibit-balikat lang s'ya!!! Gago ampota, buti nalang may itsura s'ya "Tama na guys" saway ni Hazel kaya napalingon kami sa kanya "May date pala kami ni Liam sa Sunday" kinikilig na kwento ni Hazel "Sana all" sabay naming sabi ni Margaret "Nakiki sana all ka ateng? Diba nga imi-meet mo na yung mother-in-law mo?" asar ni PJ kaya nagtatakang tumingin si Margaret sa akin sinamaan ko si PJ ng tingin "Sabi sakin ni Austin gusto daw akong makita nang mommy n'ya, nag agree naman ako kasi nakakahiya naman kung irefuse ko" sabi ko kay Margaret kaya tumango-tango s'ya habang may nang-aasar na ngiti "Baka manghihingi na nang apo" sabat naman ni Bea habang naka peace sign Simpleng damit lang yung napili kong suotin, peach color na crop top dress na tinernuhan ko ng white heels na 2 inches medyo nakintab pa dahil sa kulay. Pinlantsa pa ni mama yung buhok ko tapos nilagyan n'ya nang dalawang black plain clip yung gilid ng buhok ko. Balak pa sana ni mama lagyan ng make-up yung mukha ko pero tumanggi ako, sinabi kong ako nalang yung maglalagay. Naglagay lang ako ng powder tapos light red na lipstick, nag eyebrow na rin ako dahil kinukulit ako ni mama. "Tayo kana dali, tignan mo yung sarili mo sa salamin" sabi sa akin ni mama pagkatapos n'ya akong ayusan. Maganda si mama mag-ayos kaya hindi na kataka-taka na maganda yung itsura ko ngayon. "Ganyang-ganyan ako nung dalaga ako, kaya hindi ko pwedeng sabihin na hindi maganda" natawa ako sa sinabi ni mama "Oh yung bag mo, naayos ko na yung laman n'yan tignan mo nalang kung may kulang pa ba" sabi sa akin ni mama bago iabot yung sling bag ko na light pink. "Ano ba yan ma, para namang may date ako, para namang sa ibang bahay na ako uuwi" nakapout na reklamo ko kay mama habang nagpupunas ng fake na luha "Tumigil ka nga jan, masaya lang talaga ako dahil may lalake nang magpapakilala sa'yo sa pamilya nito. Kung nandito lang sana yung papa mo, alam kong magugustuhan din nun si Austin. Mabait na bata" nakangiting sabi ni mama habang nililigpit yung blower na ginamit namin. "Pinakilala din naman ako ni Daniel at PJ sa pamilya nila, pero hindi ka naman ganyan ka drama " singhal ko kay mama bago icheck kung may nakalimutan bang ilagay si mama sa bag ko "Oh s'ya sige na, baba na ako. Tawagin nalang kita pag nandito na yung prince charming mo" mapang-asar na sabi ni mama bago isara yung pinto Nag scroll scroll lang ako sa f*******:, tapos tinignan ko lang yung mga bagong post sa i********: nung mga finollow ko. Hanggang sa tumunog yung cellphone ko Austinfox followed you Nagulat ako sa notification ko sa i********:, paano n'ya nalaman yung username ko? Siguro nakita lang n'ya dahil mahilig ako mag react sa mga post nila Bea. "Venice nandito na si Austin" biglang sabi ni mama pagkabukas n'ya ng pinto kaya pinatay ko na yung cellphone ko. "Tara na" bungad ko sa kanya "nakakailang naman yang tingin mo Ino" pagbibiro ko sa kan'ya bago magpaalam kay mama Habang nagda-drive s'ya hindi ako mapakali dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam yung ugali nung mama n'ya. "Ano bang nangyayari sa'yo... ako yung nahihirapan eh" magkasalubong na kilay na tanong ni Austin habang nagmamaneho "Paano ba naman kasi, nung nakaraang araw ko pa iniisip kung anong attitude ba yung meron sa mommy mo. What if masungit? Ayoko naman nun, maba bad shot ako" deretsahang sabi ko sa kanya kaya natawa s'ya "Mababad shot huh?" napaiwas ako ng tingin dahil sa panggagaya n'ya "Bakit ba ayaw mong mabad shot?" nakangising tanong n'ya pero nakatikom lang yung bibig ko "Siguro..." nag-iisip kunyaring hula n'ya "Siguro ano?" matapang na sagot ko, mas okay na din 'to para matahimik na ako "Hmmmmm..." nag-iisip na sagot n'ya "Tanga ang manhid naman nito, crush kita, oo" sabi ko bago isandal yung ulo sa bintana habang nakatingin sa labas dahil sa hiya Bibig mo 'te, walang preno. "Huh?" gulat na tanong n'ya bago itigil yung sasakyan "paki ulit nga" sabi n'ya habang hinaharap yung mukha ko sa kanya "C-Crush kita" kinakabang sabi ko kaya ako nautal !!! "Crush, huh?" nakangisi n'yang sabi bago ilapit yung mukha n'ya sa mukha ko kaya hindi ako makahinga ng maayos "Crush lang" hirap na sagot ko dahil sa kaba na baka mahalikan nanaman ako. Nagulat ako nung bigla n'yang hawakan yung labi ko habang natatawa bago paandarin uli yung kotse. "Porket crush kita, pagsasamantalahan mo na agad ako" reklamo ko sa kanya habang nagda-drive s'ya "Pagsamantalahan?" tanong n'ya kaya tumango ako tapos natawa s'ya "Hindi ko gagawin 'yon, pero kung sakali man mas gusto ko yung handa kana" nakakalokong sabi n'ya kaya napaiwas ako ng tingin "Huwag kang paasa" singhal ko kaya natawa s'ya Ano nalang yung mukhang ihaharap ko sa mga kaibigan ko pagkatapos ng kagagahang lumalabas sa bibig ko ngayon. "You're ready?" tanong n'ya pagkatigil namin sa garahe nila "Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kanya, para naman aware ako sa itsura ko ngayon "Hindi" natatawang sagot n'ya habang tinatanggal yung seatbelt n'ya "Ayos lang ba yung mukha ko? Yung damit ko, kaaya-aya ba? Baka bigla nalang akong sigawan nang mommy mo" kinakabahang sabi ko sa kanya "Ano bang sinabi sa'yo nung mga pinsan ko?" natatawang sabi n'ya bago lumabas "She will like you, trust me" sabi n'ya pagkatapos akong pagbuksan nang pinto
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD