"AHHHH" nagulat ako sa tili nung mommy ni Austin matapos n'ya kaming makita, nakatago lang ako sa likod ni Austin dahil sa kaba "Bakit ngayon lang kayo, kanina ko pa kayo hinihintay" nakataas kilay na sabi nang mommy n'ya habang naka hawak sa baywang
"You scared her, mom" sabi ni Austin habang kinukuha ako sa likod n'ya
"Oh Venice, right?" tanong sa akin nang mommy n'ya
"Yes po, tita" kinakabahang sagot ko bago tumingin kay Austin, nanghihingi ng tulong pero tinaasan lang n'ya ako ng kilay at umalis
"Rea, tita Rea" pagpapakilala n'ya habang inaalalayan ako umupo sa sofa "Pwede ring mommy" nakangiti n'yang dagdag kaya nasamid ako sa sarili kong laway
" tita Rea nalang po hehe..." kabadong sagot ko sa kanya "Ahmmm, na saan po yung daddy ni Austin?" tanong ko dahil may nakita akong frame na magkakasama sila
"Naliligo, hindi kasi s'ya naligo kahapon kaya pinaligo ko na s'ya ngayon lalo na't makikita na namin yung daughter-in-law namin" nakangiting sabi ni tita Rea kaya namula ako
Daughter-in-law?
"Kahit naman hindi ako maligo, mabango pa din ako" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Ito siguro yung daddy ni Austin dahil halata naman, magkamukhang-magkamukha sila
" Iha ikaw na ba si Venice?" nakangiting tanong n'ya sa akin kaya naiilang akong tumango " Daddy Paul" pagpapakilala n'ya
"Nice meeting you po, tita Rea, tito Paul" sabi ko sa kanila dahil nakalimutan ko pala yun kanina
"Ayaw mo ng daddy?" natatawang sabi ni tito Paul kaya napaiwas ako ng tingin " 'di bali na, alam ko namang tatawagin mo din kaming mommy't daddy ni tita Rea mo" dagdag nito na lalong ikinapula ko
"You two, tumigil na kayo pulang pula na si Venice sa pinag-sasabi n'yo" seryosong sabi ni Austin
"Ewan ko sayo Ino, ang bagal mo tinalo ka pa nang pagong" nagtatampo kunyaring sabi ni tita Rea
"Tama na yan, kumain na tayo galing pa kayo sa byahe" natatawang sabi ni tito Paul
Tahimik lang ako at minsa'y natatawa habang nagkukuwento sila tita Rea at tito Paul. Palagi din silang nagtatalo kaya napapailing nalang si Austin.
"Venice you know ba na lagi kang binabanggit ni Austin sa amin, lagi ka n'yang kinukuwento" tinaasan ko ng kilay si Austin dahil sa sinabi sa akin ni tita Rea
"Crazy mommy, you always asking me if kamusta na ba si Venice, kung ano na yung favorite dish n'ya. Nababanggit ko lang naman s'ya kapag nagtatanong kayo" depensa ni Austin kaya napanguso ako. Talaga lang huh?
"Your so defensive son" natatawang komento nang daddy n'ya
"No, I'm not, I'm just saying the truth" naiinis na sagot ni Ino bago ibalik yung tingin sa pagkain
"Venice may jowa ka na ba?" nasamid ako sa biglaang tanong ni tita Rea kaya agad akong inabutan ni Ino nang tubig
"Sabihin mo meron, ako...arayy" natatawang bulong ni Ino kaya kinurot ko s'ya sa hita
"Boyfriend po?" naiilang na tanong ko kaya nakangiti lang s'yang tumango "Wala po, wala pang balak" agad na sagot ko dahil sa kaba
Hindi na nga ako kinabahan nung una dahil mabait naman pala yung mommy ni Ino 'nasaan na yung sinabi ni Bea na pagsa iba daw ayaw nalang n'ya mag talk? sabi na eh pinapakaba lang ako nung gagang yun' pero oo mabait nga pero bakit naman ganito yung topic? ganto rin ba yung nararamdam ni Ino kapag si mama yung kausap n'ya?
"Tamang tama wala pang girlfriend si Ino" nabulunan si Ino dahil sa sinabi nang daddy n'ya kaya tawa tawa ko s'yang inabutan agad ng tubig bago bumulong
"Nirereto ka yata sa'kin ni Daddy, ahmmm I mean tito" mapang-asar na bulong ko dahil nakabawi din sa wakas
"Dad" pikon na pigil ni Ino sa daddy n'ya na ngayo'y inaasar na s'ya
"Bakit totoo naman ah" nakangising sagot ni tita kay Ino bago bumaling sa akin "Bakit naman wala ka pang boyfriend Venice? wala ka bang nagugustuhan sa manliligaw mo?" tanong ni tita
"Wala po, hindi ko sila type" natatawang sagot ko bago isubo yung natitirang kanin
"Si Ino ba?" tanong ni tita kaya nagtataka ako sa kanyang tumingin "Si Ino ba pasok sa type mo?" paliwanag n'ya kaya nakangiti ako
'Crush ko nga po eh' pero imbes na 'yon yung isagot ko "Pwede naman po" nakangiting sagot ko habang nakatingin kay Austin na mahigpit yung hawak sa baso
"Mom" Ino warned her, pero natawa lang si tita
"Pumunta muna tayo sa garden" bulong sa akin ni Ino nung nakita n'yang tapos na ako kumain kaya tumango ako para iwas din sa tanong "Excuse us, magpapahangin lang kami" sabi ni Austin habang hinihila yung upuan ko para tulungan akong makatayo
"Sure son" natatawang sagot ni tito, pipigilan pa sana kami ni tita pero may binulong sa kan'ya si tito kaya hindi na n'ya kami pinigilan
Hinihintay ko si Austin dahil kumuha s'ya nang juice sa loob, sinabi ko namang kahit huwag na dahil okay naman na ako pero kumuha pa rin s'ya. Siguro para na rin mapagsabihan n'ya yung mommy at daddy n'ya dahil kanina ko pa napapansin na gusto n'yang pagalitan yung dalawa pero hindi n'ya lang magawa dahil siguro alam n'yang may bisita sila, at ako 'yon.
Napagdesiyunan ko nalang munang magpatutog dahil naiinip na ako dito. Kukuha lang naman ng juice pero ang tagal.
"At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito" damang dama ko yung mensahe ng kanta habang sinasabayan ko ito
" Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago" iniisip ko palang na paano kaya kung magkaro'n ako nang boyfriend kaso hindi kami yung tinadhana, mamahalin ko pa kaya s'ya kahit alam kong masaya na s'ya sa iba?
"Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa. Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli"
Habang kinakanta yung banda dito napapailing nalang ako dahil isang katangahan ang ganon. Hanggang sa huli? syempre masasabi mo lang yan kapag hindi ka pa nakakamove on pero alam ko namang mababago yan kapag nahanap mo na yung totoong para sa'yo. Yung taong sasaktan at paiiyakin ka, pero s'ya yung taong nakatadhana sa iyo.
"Siguro nga'y nararapat lang ika'y limutin na-" napatigil ako sa pagkanta dahil nasa harapan ko na pala si Austin
"Singing while waiting, huh" nakataas kilay na sabi n'ya habang nakatingin sa akin
"Kukuha lang naman ng juice, pero ang tagal tagal" bulong ko dito na parang batang pinagalitan ng nanay
Saka ano namang masama kung kumanta ako, hindi naman gaanong masama yung boses ko.
"May sinasabi ka?" tanong n'ya habang sinasalinan ng juice yung baso naming dalawa
"Paki mo" mataray na sabi ko bago patayin yung tugtog
"Bakit ba galit ka nanaman? Sinabi ko lang naman na nakanta ka habang nag-aantay kung anu-ano na yung pinagbubulong mo d'yan" tangkang tanong n'ya
"Ang tagal mo naman yata?" pag-iiba ko ng topic
"Hinanap ko pa sila mommy" sabi n'ya bago mag-iwas ng tingin
"Ah okay" sagot ko bago sumimsim sa baso
"Ang ganda pala ng boses mo" sabi n'ya habang nakatingin sa'kin nag-sabi lang ako ng 'thanks' tapos nanahimik ulit
"Ang tahimik mo" sabi n'ya habang tumatawa "Kantahan nalang kita, teka kukunin ko lang yung gitara" sabi n'ya bago umalis para kunin yunh gitara n'ya.
After 10 minutes nakabalik na s'ya, nagpaliwanag pa s'ya kung bakit s'ya natagalan kaya natawa ako sa kanya
"Ano bang title nung kinakanta mo kanina?" tanong n'ya sinearch ko naman yun sa YouTube para mapakinggan n'ya "Ay alam ko pala yan" natatawang sabi n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin
Magsasalita pa sana ako kaso nagsimula na s'yang magtipa ng gitara.
"Sa t'wing puso'y nag-iisa
Mayro'ng himig na kumakatok sa pinto ng aking alaala
'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikita" mabagal at mahina yung boses n'ya pero talagang mapapatahimik ka dahil sa lamig ng kanyang boses habang kumakanta
"Ang alaala mo'y tila bago
Sa panaginip ko ay naro'n ka
At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago
Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli"
Napangiti ako ng mapait, iniisip kong sana para sa'kin yung kantang 'yon kaso ayaw ko namang umasa dahil una sa lahat nagpresinta lang s'yang kumanta. Walang meaning. Kung aasa naman ako, baka masaktan lang ako sa dulo. Kaya ayaw kong pumasok sa isang relasyon dahil alam kong masasaktan lang ako.
Pero bakit parang handa akong masaktan kung si Ino yung dahilan? Kabaliwan
"May chance ba tayo?" curious na tanong ko kaya napatigil s'ya sa pagkanta at nagtatakang tumingin sa akin 'wala ba?' "Okay 'wag mo ng sagutin, di pa ako ready" sagot ko bago magcellphone
Hindi pa ako ready masaktan Ino.
"Chance?" tanong n'ya kaya napaangat ang tingin ko at tumango
"Meron" sagot n'ya "kung papayagan mo akong manligaw" dagdag n'ya na ikinagulat