"Can I court you?"
Hindi pa rin nagpoproseso sa utak ko lahat, kanina lang umamin ako sa kanya na gusto ko s'ya. Tinanong ko s'ya kung may chance ba kami. Tapos ngayon tatanungin n'ya ako kung pwede n'ya ba akong ligawan?
"Ano?" gulong-gulo na tanong ko "Baka naman kaya mo lang ako gusto ligawan dahil umamin akong may crush ako sayo. O kaya baka nagpapaapekto ka lang sa mga asar sa'tin nung parents mo. Baka naguguluhan ka lang talaga. Hindi mo ako pwedeng basta-basta nalang ligawan dahil don. Dahil for sure simula palang wala ka ng chance. Dapat pagliligawan mo ako, dapat yung handa ka talagang mahalin ako..." sunod sunod na sabi ko, kahit ako hindi ko maintindihan yung mga lumabas sa bibig ko dahil sa kaba. Napatigil lang ako dahil sa salitang sinabi n'ya.
"I like you, that's the reason why I want to court you" seryosong sabi n'ya "Nagpaalam lang ako para alam mo pero kung ayaw mo, liligawan at liligawan pa rin kita hanggang sa pumayag ka"
Ano daw? Hindi ko alam ang irereact ko dahil ngayon lang ako naging seryoso sa mga ganito. May nanliligaw naman sa akin pero wala lang para sa'kin yun, pero iba talaga pag si Ino. Ginayuma ba ako nito?
"Papayag ka ba o papayag ka ba?" basag n'ya sa panandaliang katahimikan
"A-Ano?" tanong ko pero tinaasan lang n'ya ako ng kilay "Pumapayag ako" sabi ko dahil wala naman akong choice. Masyadong weird yung sagot ko pero bahala na
"Sus crush mo lang ako eh, pwede namang 'o' yung piliin mo" pang-aasar n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin
"Sige yung 'o' nalang" nakangisi kong sagot kaya natataranta s'yang tumingin sa akin
"Hoy biro lang, saka 'pumapayag ako' yan yung una mong sagot. Bawal pabago-bago ng sagot dito" naiinis n'yang reklamo
"What? Ang bilis naman?" gulat na sagot nila pagkatapos kong sabihin na nanliligaw sa akin si Austin
"Walang mabilis doon, saka almost 5 months na din kaming magkakilala at almost 3 months na din kaming magkaibigan, duh" sagot ko sa kanila
"Walang mabilis kasi gusto mo rin" naiiling na sabi ni Daniel
"Grabe ka talaga parang hindi namin alam na balak mo sanang ligawan si Amethyst kaso tinarayan ka lang" natatawang kwento ko kaya padabog s'yang nag earphone.
"Dapat hindi ka muna pumayag, edi mag jowa na kayo ngayon?" inosenteng tanong ni Bea kaya tinawanan namin s'ya, hindi ko alam kung sinadya n'ya bang sabihin yun o hindi n'ya lang talaga gets "Why are you laughing guys, diba sinabi n'yang nagtanong si Austin kung pwede ba n'yang ligawan si Venice, then she answered yes.... so sila na" nalilitong paliwanag ni Venice, napailing nalang si Daniel sa kapatid n'ya at sinamaan kami ng tingin
"Gaga nagtanong lang kung pwedeng manligaw, nag yes si Venice para sabihing pumapayag s'yang magpaligaw. Court nga yung sinabi diba? Can I court you, buti sana kung Can you be my girlfriend" naistress na paliwanag ni Hazel
"Ay tumigil na kayo, alam n'yo namang hindi uso sa mga manliligaw ni Bea yung nagtatanong muna bago manligaw" singit ni PJ "Oh bakit ganyan ka makatingin sa 'kin" tanong ni PJ kay Daniel pero tinarayan lang n'ya ito
"Alam mo itong kuya mo okay naman pero maya-maya totopakin, tinalo ka pa sa kaartehan" mahinang sabi ni PJ kay Bea para hindi marinig ni Daniel
"Hindi ka na masanay" natatawang sagot ni Bea
"Oh Venice anong ginagawa n'yan dito?" tanong ni Margaret kaya nagtataka akong tumingin sa kanya "Ayon oh" sinundan ko yung daliri n'yang nakaturo sa kung saan
"Hala anong ginagawa ni kuyang pogi dito" gulat na tanong ni PJ habang nakatingin sa akin, tinanggal naman ni Daniel yung earphone na suot n'ya after n'yang makita kung sino yung tinutukoy nila
"Manliligaw nga ni Venice diba... Slow" sabi ni Bea kaya tinarayan s'ya ni PJ "INO, HERE" sigaw ni Bea kaya biglang lumiwanag yung mukha ni Austin
"Sino kaya sa atin yung slow" maarteng sagot ni PJ kaya natawa si Bea pero sinamaan nanaman nang tingin ni Daniel si PJ kaya napaiwas s'ya ng tingin
"Nandito pala kayo, tanong ako ng tanong kung saan-saan nila kayo tinuturo" nakangusong sabi ni Austin pagkalapit "Nilutuan ka pala ni mommy ng adobo" sabi sa akin ni Austin bago umupo sa tabi ko
"Sana all adobo" pagpaparinig ni PJ
"Gusto mo" tanong ko sa kan'ya kaya nakangiti s'yang tumango "Sige mamaya pagkatapos kong kainin yung laman" nakangiti kong sabi sa kan'ya
"Ang sama mo na Venice" malungkot na sabi ni PJ
"Huli ka na sa balita" pagbibiro ko sa kan'ya
"Naparito ka?" masungit na tanong ni Daniel sa pinsan n'ya kaya gulat na napatingin si Austin kay Daniel bago mag iwas ng tingin "Kung may balak kang ligawan sa mga kaibigan ko, umuwi ka na hindi ka pasado, sa 'kin palang" pananakot ni Daniel kay sinamaan ko s'ya ng tingin pero tinaasan lang n'ya ako ng kilay
"Kung makaasta parang hindi kamag-anak ah" singit ni PJ
"Easy bro, I do not need your opinion" seryosong sabi ni Austin
"Well, I am" seryoso ring sagot ni Daniel "Siguraduhin mong seryoso ka kay Venice, because I'll forget we're cousins when she cries because of you"
"I won't date her if I don't like her, Daniel" sagot ni Austin kaya napatingin ako sa reaksyon ni Daniel
What? Ang gulo din talaga ng topak ng lalakeng 'to, parang kanina lang wala sa mood tas ngayon ngingiti?
"That's good" nakangiting sabi ni Daniel "Excuse me, may kakausapin lang ako" paalam n'ya bago umalis
"Grabe muntik ng dumugo yung ilong ko sa inyo" pagbibiro ni PJ pero walang tumawa
"Kay Venice lang ba talaga 'to" tanong n'ya bago tumingin kay Austin
"Mmmmm..... yes" sagot ni Austin "Hanggang anong oras yung break n'yo?" tanong n'ya sa akin kaya napatingin ako sa relo ko
"May 30 minutes pa naman, tara lakad muna tayo..... alis muna kami" sagot ko sa kan'ya bago magpaalam sa mga kaibigan ko
Napapansin kong lahat ng babaeng dadaanan namin ay napapalingon sa kan'ya. Naka t-shirt na itim lang s'ya na may drawing na maliit na moon banda sa may gilid ng dibdib n'ya na pinaresan ng jogging pants habang naka rubber shoes.
"Bakit ba sila tingin ng tingin sa'yo" naiinis na tanong ko sa kanya kaya napalingon s'ya sa 'kin na may gulat sa mukha
"Aba malay ko, wala naman akong ginagawang masama kaya 'wag na mainit ang ulo mo" sagot n'ya kaya napatango nalang ako habang sinisipa yung boteng nakita ko sa daan.
"Bakit ganun kayo mag-usap ni Daniel kanina.... magkagalit ba kayo?" tangkang tanong ko sa kan'ya
"Hindi naman, dati naman kapag may nililigawan ako todo suporta s'ya pero ngayong ikaw na, ang laki ng galit sa'kin" natatawang sagot n'ya "Hindi kaya nagseselos?" tangkang tanong n'ya kaya natawa ako
"Magseselos? ganun lang talaga s'ya sa'min, para na kasi kaming magkakapatid sa grupo namin kaya normal lang na umakto s'ya ng ganun" paliwanag ko sa kan'ya "Hindi kaya loko-loko ka?" tanong ko sa kanya
"Mmmmmm..... siguro nga, yung mga nililigawan ko kasi dati trip trip lang.... parang dare ganun" nagkibit-balikat s'ya
"Edi dare lang din 'to?" parang may kirot pagkatapos ko s'yang tanungin
Ano kayang mangyayari kung sakali mang dare lang 'to... I already loves him and I'm willing na maging boyfriend s'ya. Kung sakali kayang mangyari 'yon, iiyak kaya ako gaya nang pag-iyak ng iba dahil sa isang relasyon.... Parang hindi ko yata kaya
"What the...." gulat na sagot n'ya "Narinig mo naman yata yung sinabi ko kay Daniel diba?" tanong n'ya kaya napatango ako
May lakas akong magmahal dahil alam kong kung sakali mang masaktan ako dahil sa pag-ibig alam kong nand'yan yung mga kaibigan ko para damayan ako.
"Kasi sabi mo..."
Hindi ko maintindihan yung sarili ko, sa tuwing nakikita kong masaya kami ready akong magmahal at masaktan. Pero sa tuwing naiisip kong maaaring hindi kami yung para sa isa't isa natatakot akong mahulog dahil alam kong hindi sa lahat ng oras nand'yan s'ya para saluhin ako. Alam kong may hangganan ang lahat ng ito.
Pero.... sa huli pa naman 'yon diba? Magiging masaya naman ako, magiging masaya kami kaya worth it yung iyak ko kung sakali.
"I think I like you" seryosong sabi ko sa kan'ya bago magpaalam dahil nag bell na