Kung dati linggo linggo nadalaw dito si Austin, ngayon naman araw araw na. Palagi pa s'yang may dala kaya minsan hindi n'ya ako nakakausap dahil alam n'yang naiinis ako sa kan'ya. Si mama naman todo tanggap, hindi man lang magawang mahiya.
"Halos tatlong buwan ng nanliligaw sa'yo yung tao, makikitaan mo talaga ng efforts bakit hindi mo masagot-sagot" biglang sabi ni mama habang kumakain kaming dalawa
"Ma, hayaan n'yo muna akong makapag isip isip" sagot ko sa kanya
"Alam kong natatakot kalang Venice, normal lang ang masaktan pag nagmamahal ka. Normal na 'yon sa isang relasyon. Kung hindi kayo hindi kayo, pero sana naman huwag mong sayangin yung efforts nung tao."
Ngayon lang naging seryoso si mama sa ganitong usapan, dahil dati palagi n'ya lang akong inaasar tungkol sa meron kami ni Austin.
"Maaaring hindi s'ya yung para sa'yo hanggang dulo, pero hayaan mo naman s'yang maging bahagi ng mundo mo"
'Hanggang dulo' Paano kung ang gagawin lang ni tadhana ay yung maging parte ng buhay namin yung isa't isa.
Buong araw akong nakakulong sa kwarto ko, narinig ko pang tinatawag ako ni mama dahil nandoon daw si Ino pero hindi ako lumabas dahil ayaw ko pa ngayon.
"Venice papasok ako ha" dinig kong sabi ni mama sa labas ng pinto, nung wala s'yang narinig na pagtutol pumasok na s'ya.
"Nasaan si Austin ma" tanong ko sa kan'ya
"Nakaalis na" simpleng sagot nito
"Tingin mo ma kung sakaling nandito pa si papa magugustuhan n'ya si Austin para sa akin?" tanong ko sa kan'ya kaya medyo nagulat s'ya
"Oo naman, bakit mo natanong" sabi ni mama sa akin
"Wala naman po" mahinang sagot ko sa kan'ya "Ano palang hinahanap mo d'yan sa cabinet ko ma" tangkang tanong ko dahil parang namimili s'ya ng damit
"Suotin mo yung kwintas na 'to Venice, ang tagal mo din nitong tinago" sabi ni mama bago iabot sa akin ang isang box
Ito yung regalo sa akin ni papa nung graduation ko, simula nung nawala s'ya hindi ko na muling sinuot dahil lalo lang akong nasasaktan
"Panigurado nagtatampo yung papa mo" malungkot na sabi ni mama kaya pumayag na akong suotin 'yon. "Ito pala yung dala ni Austin kanina, sabi n'ya suotin mo daw ito bukas... may date daw kayo" nakangiting sabi ni mama bago ibigay yung paper bag napangiti ako nung makita yung laman
Balak n'ya talaga akong idate bukas kaso sinabi kong hindi ako pwede dahil wala naman akong susuotin. Reason ko lang yun para walang date na maganap pero hindi ko alam na bibilhan n'ya pa ako ng damit para lang matuloy talaga.
Naalala ko noong Valentines Day, medyo nagtaka ako sa mga kaibigan ko dahil 'HIMALA' bibigyan nila ang ng bulaklak, pero sinabi nilang pinabibigay lang pala 'yon ni Austin tapos pinapunta nila ako sa labas ng gate. Nakitang kong may hawak na bulaklak si Austin kagaya ng bulaklak na pinaabot n'ya kina Daniel. So korni.
Maaga kaming kumain ni mama ng hapunan para daw mahaba yung tulog ko. Susunduin daw kasi ako dito ni Austin nang maaga, nag alarm pa si mama at hinanda yung gamit n'ya para bukas. Napapailing lang ako habang ginagawa n'ya 'yon, dahil halatang mas excited pa s'ya kaysa sa akin.
Nagising ako dahil sa malakas na tunog. Alarm. Matutulog pa sana ako kaso naalala kong may date pala kami ngayon. Alas-cinco palang pero nakita kong may luto na si mama pagkababa ko. Pinakain n'ya muna ako, hindi pa nga ako nakakapag toothbrush pero hinila na n'ya ako paupo.
"Ma....I need to brush my teeth first" singhal ko sa kanya, natawa naman s'ya dahil napansin din n'ya kung gaano s'ya ka excited.
Isang cup lang ng kanin yung nilagay ni mama sa plato ko tapos hindi pa siksik yung kanin kaya napaka kaunti lang no'n para sa akin. Ang dahilan pa ni mama lalaki daw yung t'yan ko kapag kumain ako ng madami. Pagkatapos ko kumain nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago maligo.
"Umupo ka na dito dali aayusan na kita" bungad sa akin ni mama pagkalabas ko sa cr, may sariling cr kasi yung kwarto ko tapos doon ako naliligo.
Ni cleanser muna ni mama yung mukha ko bago nilagyan nang foundation. Brown na eyebrow yung ginamit ni mama dahil yun daw yung bagay para sa damit na susuotin ko. Nilagyan n'ya din ako ng eye liner tapos mascara. Pinapink n'ya din ng kaunti yung pisngi ko. Tapos may nilagyan n'ya ng parang brown yung banda sa gilid ng ilong ko para daw lumabas yung tangos ng ilong ko. Ang ginamit n'yang lipstick sa akin ay yung waterproof na red para daw hindi mabura kapag kumain kami.
"Akina yung kwintas, isusuot ko na sa'yo" sabi sa akin ni mama pagkatapos ayusan yung mukha ko "Ang ganda mo talaga" natatawang puri ni mama
Naka wave ng kaunti yung buhok ko, balak ko sanang i ponytail kaso sabi ni mama mas maganda daw pag nakalugay. Simpleng dress na pink yung napili n'ya, buti kasya sa size ko. High stiletto na skin color yung pinartner ko sa damit ko. Nagdala ako ng maliit na sling bag para paglagyan ng cellphone at wallet ko.
"Malapit ka na mag debut, si Austin kunin mong escort" natatawang sabi ni mama kaya napairap nalang ako
"Alam mo ma, masyado kang desisyon" pagbibiro ko, guguluhin n'ya sana yung buhok ko kaso naalala n'yang s'ya yung nag-ayos non
"Bumaba kana doon, nag text sa akin si Austin malapit na daw s'ya" nagtataka akong napatingin kay mama, paano n'ya nalaman yung number ni Austin? Ako nga hindi ko alam "Hiningi n'ya sa akin yung number ko, dati pa" dagdag ni mama dahil napansin n'ya yung reaksyon ko
"Okay?" sabi ko bago bumaba
Muntik na akong mahulog sa hagdanan dahil sa gulat, buti nalang napahawak ako sa handrail.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kan'ya
"Is that how the visitor should be treated?" nakangisi n'yang sagot, buti nalang talaga ikaw yung bumili nitong suot ko ngayon
"You look gorgeous with your pink dress" sabi n'ya kaya nagpasalamat ako... pero wait....
"Paano kung hindi ito yung suot ko, it means pangit ako?" nakataas kilay na singhal ko sa kanya
"Mmmmm... mas maganda ka pa rin kapag wala kang ayos" sabi n'ya na ikinapula ko
"Tama na nga yang pangbobola mo, alis na tayo" natatawang sabi ko sa kan'ya
"Hindi mo man lang ako pupuriin?" sabi n'ya gamit yung malungkot na boses
Napatingin ako sa suot n'ya at sa suot ko. Naka t-shirt lang s'ya na itim at light blue na jeans tapos naka white sneakers lang s'ya. Pero kahit na gano'n lang kasimple yung suot n'ya mapagkakamalan mong artista dahil sa dating n'ya.
"Dapat pala nag pantalon nalang din ako" reklamo ko sa kan'ya pagkatapos kong tignan yung suot n'ya
"Hindi ka ba sanay sa ganyang damit? Si Rainier yung pumili n'yan" sabi n'ya sa akin
"Sino si Rainier?" tangkang tanong ko sa kanya dahil ngayon lang n'ya 'yon nabanggit sa'kin
"Kaibigan ko" simpleng sagot n'ya kaya napatango nalang ako
"MAMA AALIS NA KAMI" sigaw ko para marinig ni mama
"Teka teka" dali daling sabi ni mama "Picture muna kayo" nakangiting dagdag n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin
"Aalis na kami, ma" sagot ko sa kan'ya pero tinarayan lang n'ya ako
"Sure po" singgit ni Austin kaya sinamaan ko s'ya ng tingin
"Ang layo naman, para kayong mga tangang nagkakahiyaan pa, di na kayo nga bata" reklamo ni mama dahil sa pwesto namin ni Austin...
Sinadya ko talagang magkalayo kami para mairita si mama, masyado s'yang teenager kung umakto. Gulat akong napatingin kay Austin nung hunigit n'ya yung bewang ko. Pilit na ngiti yung binigay ko habang nakatingin sa camera.
"Ma patingin nga" biglang sabi ko kay mama pagkatapos n'ya kaming picturan dahil alam kong nakuhanan n'ya yung posisyon namin kanina lalo na yung itsura ko !!!
"Teka ipapasa ko lang muna kay Austin, baka burahin mo" mataray na sagot sa akin ni mama bago hiniram yung cellphone ni Austin para buksan yung bluetooth. "Oh ayan tignan mo na.... ang cute n'yo" sabi ni mama sa akin bago bumaling kay Austin
Yung unang picture nakatingin lang ako sa camera, hindi naman pangit yung itsura ko dun pero mukha lang ako mataray. Yung sunod nakangiti ako na parang natatae kaya binura ko 'yon. Napatigil yung kamay ko sa picture na nakatingin ako kay Austin habang nakatingin naman s'ya sa camera. Parang wallpaper s'ya sa movie or teleserye... omg ang ganda nito...
"Ma isend mo nga 'to sa akin, bilis" dali dali kong sabi kay mama pagkatapos kong tignan yung mga picture
"Gandang ganda sa sarili ah?" pang-aasar ni mama kaya tinaasan ko lang s'ya ng kilay... parang kanina ikaw yung hindi makapaniwala sa itsura ko ah?
Habang nasa byahe kami nag open muna ako ng i********: ko, hindi naman ako mahilig sa mga social media nagamit lang ako kapag wala akong magawa.
"Follow back mo ako" napalingon ako kay Austin dahil sa sinabi n'ya, oo nga pala hindi ko pa s'ya napa follow back
"Okay na" sabi ko sa kan'ya pagkatapos ko s'yang ifollow back...
Gulat na gulat ako sa huling post n'ya dahil ito yung picture kanina habang nakatingin ako sa kanya... my favorite picture...
'morning love'