"Saang lugar ba maganda mag-date" gulat akong napatingin kay Austin dahil sa sinabi n'ya habang nagda-drive
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya "Ang lakas ng loob mong magyaya nang date pero hindi mo pala alam kung ano yung gagawin?" nagsimula nang uminit yung ulo ko dahil sa sinabi n'ya...
"I'm sorry, hindi ko pa naman kasi nararanasan makipag-date" namumulang sabi n'ya habang nakatingin sa daan
"Sa park nalang" walang emosyong sabi ko kaya napatingin s'ya sa akin saglit pero binalik din agad yung tingin sa daan.
"Bakit sa park?" naiinis akong lumingon sa kan'ya
"Edi wag, ikaw na magdesisyon" sabi ko sa kan'ya bago itext si mama
To: Dangerous Animal
Mama, ang lakas mag-yaya ng date nitong kasama ko pero wala pa pala s'yang alam kung saan n'ya ako dadalhin
Naiinis na text ko sa kan'ya lalo lang akong nainis nung makita yung reply n'ya. Dapat talaga hindi na lang ako nag text.
From: Dangerous Animal
That's bad, try mong sabihin na sa hotel nalang kayo... Enjoy sweetie
Gusto kong ibalibag yung cellphone dahil sa inis, pero napailing nalang ako dahil sa sunod na reply n'ya
From: Dangerous Animal
I've changed my mind Venice, bata ka pa pala. Umayos ka baka iseduce mo naman si Austin
"Peste nga naman talaga oh" sabi ko matapos paulit-ulit basahin yung huling text ni mama.... Ako pa talaga, huh?
"It's a date Venice, dapat ienjoy natin kaso mukhang bad trip ka naman" malungkot na sabi ni Austin.... omg bakit parang nang-aakit
"I'm not" mabilis na sagot ko kaya natawa s'ya "Bakit hindi ka na nagda-drive? tangkang tanong ko sa kanya
"Lutang" dinig kong bulong nito, sisigawan ko pa sana s'ya kaso lumabas na ito para pagbukas ako ng pinto.
"Ohhh" biglang lumabas sa bibig ko dahil sa tanawing nakita ko.... Malawak yung lupang pwedeng latagan ng tela o kamot. May mga bisikleta na pwedeng gamitin, tapos may mga paninda sa paligid yung nakakalat. Hindi gaanong madami yung tao dito ngayon, may mag couple pero karamihan family bonding.
"Tara dito tayo bilis" biglang sabi ko sa kan'ya habang nakaturo doon sa cotton candy na nakita ko. "Gosh kung alam ko lang na sa park tayo pupunta sana hindi nalang ako nag dress" reklamo ko sa kan'ya dahil nahihirapan akong tumakbo
"Huwag ka kasing tumakbo......" hindi ko masyadong narinig yung iba n'yang sinabi dahil pahina iyon nang pahina
"Gusto mo?" tanong ko sa kan'ya habang kinukuha yung wallet ko sa sling bag.
"Oo, pero ako na yung magbabayad" sabi n'ya bago iabot yung pera doon sa lalakeng nagtitinda "Dalawa po" nakangiti n'yang sabi dito
"Anong flavor, iho?" tanong sa kan'ya nung nagtitinda
"Pink po yung sa'kin" singit ko kaya natawa yung lalake tapos napailing si Austin
"Pink at blue po" sagot ni Austin bago ako higitin palapit sa kan'ya
"Ang cute n'yo namang magjowa" gulat akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon
"M-magjowa po?" nauutal na tanong ko sa matanda
"Ay hindi ba? bagay kasi kayo" nakangiting sabi nito sa akin habang palipat-lipat yung tingin sa aming dalawa ni Austin
"Malapit na po mangyari yan lola" natatawang sabi ni Austin kaya inikutan ko lang s'ya ng mata
"Nanay nandito ka lang pala, hinahanap ka na ni mama" biglang singit ng isang dalaga na sa tingin ko ay katorse anyos palang "Ate... Kuya... pasensya na po sa lola ko" nahihiyang sabi nito bago alalayan yung lola n'yang bumalik sa kung saan sila
"Thank you po" dinig kong sabi ni Austin kaya kumiwanag yung mukha ko dahil hawak na n'ya yung cotton candy ko
"Omg haha" parang batang sabi ko kaya napailing sa akin si Austin "Picture dali" request ko sa kan'ya bago ibigay sa kan'ya yung phone ko.
Nakailang take kami habang hawak yung cotton candy gamit yung iba-ibang post. Nagtaka ako dahil umalis saglit si Austin tapos may kinausap itong lalake na sa tingin n'ya ay inutusan nitong kumuha ng litrato nila.
Nakahawak sa baywang 'ko si Austin habang nasa kanang kamay naman n'ya yung cotton candy n'ya. Nung una nakatingin lang kami sa camera habang nakangiti tapos nilipat ko sa gitna namin yung cotton candy ko pero gulat akong napatingin sa kan'ya nung kinagatan n'ya yung cotton candy ko.
"Thank you po" sabi ko sa lalakeng kumuha nung litrato sa amin nagsabi sya ng 'welcome' habang nakangiti bago bumalik sa kasama n'yang babae
"Burahin mo yung huling take d'yan" singhal ko sa kan'ya dali dali n'ya iyong binura kaya naman medyo naging okay ako.
"Sa 'kin na yung phone ko, try kaya naman nating mag bike?" sabi ko habang nilalagay sa bag yung cellphone
"Sige, pero ubusin muna natin 'to" sabi n'ya habang nakaturo sa cotton candy ko, may upuan doon kaya nag stay muna kami don habang inuubos yung cotton candy...
"S'ya nga pala, bakit mo naman pinost yung picture natin sa i********: mo" maya mayang tanong ko kaya napalingon s'ya sa akin
"Ayaw mo ba? sige buburahin ko nalang mamaya" malungkot na boses na sabi n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin
"Gusto syempre, kaso baka naman-" hindi ko natuloy yung sasabihin n'ya dahil sa madilim n'yang tingin sa cotton candy na akala mo'y may kasalanan sa kan'ya "Anyway may f*******: ka" pag-iiba ko ng topic
"Meron pero hindi ko na ginagamit, inoopen ko lang pag may ipopost ako, gano'n" paliwanag n'ya kaya napatango ako, kahit ako din naman... Naka off yung f*******: ko pero naka on naman yung messenger ko... kung hindi lang ako kasali sa gc nila Bea baka hindi na ako nagamit ng social media kaso simula nung naging magkakaibigan kami palagi na akong nag-oonline para naman hindi ako KJ.
"Anong name mo" tanong ko sa kan'ya habang binubuksan yung cellphone ko at nagpunta sa f*******:.
"Austino Fox Mondragon" tumango lang ako dahil kailangan ko pang mag sign in sa f*******: bago ko 'yon magamit. "I already sent a friend request to you... akala ko ayaw mo lang talaga ako accept pero hindi ka rin pala nagamit ng facebook.... Same us" natatawang sabi n'ya habang sini-search ko yung name n'ya
"Hoy grabe ka bakit hanggang dito sa sss ang dami mong followers.... oh naka 2K reacts pa yung sa profile mo" gulat na sabi ko sa kan'ya na may nanlalaking mata... "Oh ayan inaccept na kita" natatawang sabi ko sa kan'ya bago patayin yung DATA... hindi na ako nag-abalang tignan yung notification ko dahil paniguradong notif lang 'yon sa mga post nila Hazel na naka-tag ako.
"Hindi ko naman mga kilala 'yan" naiiling na sagot n'ya "Tara na do'n" turo n'ya sa may mga bike na naka-hilera
Habang nagbabayad si Austin para sa ilang minutong paggamit sa bike na napili n'ya ngayon lang sumagi sa isip ko na mahihirapan akong magbike kasi naka dress pala ako.
"Baby Venice katabi mo lang ako, kaya huwag mo na akong isipin" nakangising bungad sa'kin ni Austino
Did he called me 'baby' ??
Siguradong pulang pula na ako dahil sa sinabi n'ya "Alam mo ba?" nakataas kilay na tanong ko sa kan'ya
"Na ano?... na gwapo ako?... baby matagal na" lalong nag-init yung mukha ko dahil sa huli n'yang sinabi
"Ewan ko sa'yo" singhal ko sa kan'ya kaya natawa s'ya "Ayaw ko na palang mag bike, naka dress lang ako" sabi ko sa kan'ya habang nakatingin sa bike na irentahan n'ya
"No problem, may bilihan naman dito ng damit" gulat akong napatingin sa kan'ya "Malapit lang 'yon dito, pipili lang tayo ng damit tapos susuotin na natin" nakahawak sa baba n'yang dagdag "Don't worry malinis yung mga damit doon, nalabahan na nila, ganoon yung ginagawa nila para kapag may nagbalak na magpalit ng damit, magbibihis nalang tapos komportable pa" mahabang paliwanag n'ya
"Ang daldal mo" natatawang sabi ko sa kan'ya kaya bagya s'yang umiwas ng tingin... NAHIHIYA...
Plain pink t-shirt yung pinili kong kulay. Hindi sana s'ya magpapalit pero pinilit ko s'yang magpalit para pareho kami ng t-shirt. Bumili na rin ako ng pantalon dahil naka cycling short lang ako. Habang naghihintay sa labas, may nakita akong pamilyar na mukha pero agad ko ring tinago yung mukha ko ng mapalingon sa gawi ko 'yon.
"Ano tapos ka na" natatawang tanong ko kay Austin pagkatapos n'yang magpalit ng damit. "Lalo kang gumwapo, maiinlove na yata ako sa'yo nito" dagdag ko kaya napaiwas s'ya ng tingin tapos nakita kong namumula yung tenga n'ya
"Magpalit ka ng sapatos" hindi n'ya pinansin yung sinabi ko "Eto regalo ko na 'to sa'yo" turo n'ya sa rubber shoes na puti
Pagkatapos kong magpalit ng sapatos bumili rin si Austin ng paper bag lagayan ng damit namin. Gulat s'yang napatingin sa akin dahil sa biglaab kong paghila sa kan'ya sa loob ng cr. May mga tao naman sa loob kaya hindi dudumi yung utak ng mga nakakita.
"A-Anong ginagawa natin dito?" kinakabahabang tanong n'ya kaya napailing ako sa reaksyon n'ya
"Picture?" sabi ko habang nakaturo sa may malaking salamin "Dali umayos ka habang wala pang nadaan" sabi ko sa kan'ya bago ko pindutin yung bilog. Naka ilang kuha ako dahil ang ganda ng view lalo na yung sa likod namin makikita talaga sa salamin yung mga bulaklak na nakapalibot sa dingding.
"Ahmmm.... ilang taon ka na ba" tanong ko sa kan'ya habang naglalakad, bitbit pa rin namin yung bike
15 minutes lang kaming nagbike dahil kapag may nadadaanan kaming pagkain humihinto kami roon upang bumili tapos mauuwi sa selfie.
"19" sagot n'ya kaya napatango ako "Next week na yung 20th birthday ko" dagdag n'ya kaya napalingon ako sa kan'ya
"Invited ba ako? May handaan ba? dapat meron kasi may kakain na magandang bisita" biro ko na ikinatawa n'ya
"Oo invited ka, close friends at mga pinsan ko yung imbitado" natatawang sagot n'ya "Pwede mo ring isama yung mga kaibigan mo, kaunti lang naman yung bisita ko" sabi n'ya kaya tumango ako
"Sige, anong date ba? Kasi seven days yung meron sa isang linggo" tanong ko sa kan'ya bago magbilang "16,17,18,19,20,21,22" natatawang pagbibilang ko habang naglalakad
"March 22, that's my birthdate, babe" sabi n'ya bago kumindat at umalis para bumili ng ice cream