"Habang hindi pa lumalabas yung birthday boy, ilagay n'yo muna sa lamesang ito yung mga regalo n'yo" biglang sabi sa mic nung isang kaibigan ni Austin, iilan lang kami dito, hindi nakapunta si Margaret dahil may emergency daw s'ya. Si Hazel naman hindi rin nakadalo dahil may sakit yung mama n'ya walang mag-aalaga sa kapatid n'ya kasi nasa baguio naman yung papa n'ya dahil sa trabaho nito.
"Hindi ka kakain habang wala kang nilalapag sa lamesang ito" nakangisi n'yang dagdag habang nakaturo sa lamesang sinasabi n'ya kaya umangal yung isang lalake
"f**k you Shan" sigaw nung kaibigan pang isa ni Austin doon sa nagsasalita sa mic
"William my friend, wala ka lang kasing dalang regalo" sabi noong Shan kay William kaya nagtawanan kami. Sanay na rin siguro sina tito Paul at tita Rea sa kanila kaya nakikitawa na rin ang mga ito
Si Bea, PJ at si Daniel lang yung kilala kong bisita ni Austin. May lima pa itong bisita na puro lalake pero hindi ko na kilala.
"Pogi talaga ng bebe mo, Venice" bulong ni PJ kaya pinandilatan ko s'ya, tawa tawa lang s'yang kinausap si Bea sa tabi n'ya
"Oh umayos na kayo mga bro, nandito na ang birthday boy" saway ni Shan sa mga kaibigan n'ya nung makitang nasa labas na nang pinto si Austin.
"Good Evening everyone" napaglarong bungad ni Austin habang palapit sa amin
"Ang tagal mo naman mag-ayos pre, tinalo mo pa yung babae" natatawang sabi nung William bago batiin si Austin "Happy Birthday Austino"
Umupo s'ya sa gitna na parang hari, may limang upuan sa kaliwa n'ya at may lima rin sa kanan n'ya. Nasa kaliwa n'ya yung isa n'yang kaibigan, at yung mama naman n'ya yung nasa tabi n'ya sa kanan. Ako yung nasa dulo habang pinaggigitnaan ako ni Daniel at PJ na katabi naman ni Bea.
"Happy Birthday day Ino, Happy Birthday Ino, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy -" naputol yung pagkanta namin dahil biglang nagsalita yung kaibigan n'ya.
"Pre what's wrong with you, kanina ka pa palingon-lingon" sabi nung kaibigan n'ya kaya naman sinamaan s'ya nito ng tingin habang tinaas yung gitnang daliri nito.
"I think hinahanap ng baby ko si Venice" dinig kong sabi ni tita Rea kaya napaiwas ako ng tingin at nagkunwaring kinakausap si Daniel na ngayo'y may mapang-asar na tingin.
"Hoy kausapin mo ako dali" naiilang na sabi ko kay Daniel pero nginisian n'ya lang ako. "Sabing kausapin mo ako eh" nakangusong dagdag ko
"Oh Venice, come here..." tawag sa akin ni tita Rea, sinamaan ko muna ng tingin si Daniel at PJ dahil sa tingin nila, habang nanghihingi naman ako ng tulong kay Bea kahit alam kong walang magagawa 'yon.
"Go Venice" sabay na sabi ni Bea at PJ habang palapit ako kay tita Rea kaya lalo akong kinabahan
"Hi tita, Good Evening po" nakangiti kong sabi kay tita Rea noong makalapit ako sa kan'ya. Nakita ko pang nakatitig sa akin si Austin pero hindi ko muna s'ya pinansin.
"Jake palit kayo ng upuan ni Venice, please" sabi ni tita Rea doon sa kaibigan ni Austin na nakaupo sa tapat n'ya. Agad akong nagsalita noong malaman ko kung anong balak ni tita.
"Ahmmm tita" tawag ko dito kaya nakangiti s'yang bumaling ng tingin sa akin "Im okay naman po sa pwesto ko sa dulo" sabi ko dito kaya napasimangot ito. Gusto kong kutusan yung sarili ko dahil bigla akong nahiya lalo na't nasa akin yung atensyon ng mga kaibigan ni Austin.
"Jake alis" gulat akong napatingin kay Austin dahil sa sinabi n'ya, may mapang-asar na tingin naman 'yong kaibigan n'ya dahil sa sinabi n'ya
"Ang sakit mo naman magsalita, don't worry aalis na ako" nakangusong sabi ni Jake kaya nilapitan ko s'ya
"Ah Jake, d'yan ka nalang, babalik na ako sa upuan ko" nahihiyang sabi ko dito kaya narinig ko 'yong tawanan noong mga kaibigan ni Austin
"Jake dito kana, baka nag ka world war 3 pa pag hindi ka umalis d'yan" natatawang sigaw ni Daniel
"Someone jealous"
"Woahhh!!!"
"Tita ang anak n'yo nagbibinata"
"Jake babe, dito kana sa tabi namin ni Daniel baka umuwi kang duguan"
"Kids shut up" natatawang saway ni tito Paul bago bumaling sa anak n'ya "Ino yung baso baka mabasag, manipis lang yan" nagtawanan sila at inasar uli si Austin dahil sa sinabi ni tito Paul
"Enjoy Venice" bulong sa akin ni Jake bago pumunta kila Daniel.
"f**k you Jake" singhal ni Austin kay Jake pero tinawanan lang s'ya nito.
Hindi ko na sila pinansin at tahimik lang akong umupo sa tapat ni tita Rea..
"I'm Leo Romero" pakilala noong katabi ko kaya ngitian ko s'ya.
"Venice, Venice Ortega" nakangiting pakilala ko
"Aba kanta na, nagugutom na ako" biglang sabi ni Austin kaya napatingin ako sa kan'ya.
Badtrip yung birthday boy.
"Happy Birthday Ino, Happy Birthday Ino, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday Ino" kanta namin bago sindihan ni tita Rea yung kandila na nasa cake.
"Hawakan mo, iihipan ko" sabi sa akin ni Austin
"Ha?" tanong ko sa kan'ya pero itinuro lang n'ya yung cake na. Nakangiti kong kinuha yung cake kahit nanginginig yung kamay ko dahil sa kaba at hiya. Buti nalang pala walang babaeng bisita si Austin kundi ako at si Bea, kasi pag nagkataon baka umuwi ako na parang galing sa labanan.
"Wish before blow out the candle, Ino" sabi ko sa kan'ya habang hawak yung cake.
"Yeah !!! Kainan na" sigaw noong mga kaibigan n'ya pagkatapos ihipan ni Austin yung kandila.
Masaya kaming kumain at nag-usap usap. Napailing nalang ako dahil lahat kami ay tinanong ni tita Rea tungkol sa lovelife namin. Yung mga kaibigan ni Austin ay nagkunwaring mag- ccr pero hindi muna sila pinayagan ni tita hanggang hindi pa daw sila nakakasagot o natatanong. Pagkatapos naming kumain, nagkanya kanya na kami. May mga gustong mag-inom, pumayag naman si tita at tito pero sinabi n'yang huwag daw magpakalasing ng sobra.
Humiwalay muna ako sa kanila dahil tatawagan ko pa si mama.
"Hello ma" sabi ko noong sagutin n'ya yung tawag.
"Kamusta naman, sinagot mo na?"
Bago talaga ako pumunta dito, nagpaalam muna ako kay mama na balak ko ng sagutin si Austin. Mas gusto ko yung s'ya yung una kong sasabihan dahil alam kong magiging masaya s'ya. Simula noong umuwi kami ni Austin galing park, inintindi ko lahat ng sinabi ni mama. Totoo naman yung sinabi n'ya.
Walang perpektong relasyon, dahil lahat ng relasyon dumadaan sa sakit.
"Hindi pa, kinakabahan ako" natatawang sagot ko kay mama.
"Oh sige, mag enjoy kana d'yan. Tawagan mo ako kapag pauwi ka na" sabi n'ya "Ingat" dagdag n'ya bago ibaba yung tawag.
Napabuga nalang ako sa hangin. Handa na ba talaga ako? Bahala na.
"Hey" gulat akong napalingon kay Austin
"Ahmmm... pwede ba tayong mag-usap?" naiilang na tanong ko sa kan'ya
"Sige" nakangiti n'yang sagot
Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Dapat bang deretsuhin ko s'ya, o mag explain muna sa kan'ya kung ano na yung nararamdaman ko.
"Marami na talaga sa aking nanliligaw. Hindi tulad mo, yung iba agad kong hindi pinayagan. Ayaw ko kasi pumasok sa isang relasyon lalo na't wala akong kasiguraduhan sa patutunguhan" nakangiti kong sabi sa kan'ya
"Hindi ko alam kung totoo bang gusto nila ako o balak lang talagang ligawan. May mga lalake kasing nanliligaw kahit hindi naman nila mahal yung babae. Pero nagulat nalang talaga ako dahil pumayag akong magpaligaw sa'yo" natatawang dagdag ko pero nanatili s'yang tahimik
"Sana kapag binigay ko na yung sagot na gusto mong marinig mula sa akin. Sana hindi mo pagsisihang ako yung napili mo, I never experience na magmahal, kung oo man, pagmamahal lang 'yon bilang isang kaibigan o pamilya" nakatingin sa mata n'yang sabi ko
"Hindi ko sinasabing maging perpekto ka para sa akin, pinapangunahan na kita. Saka pwede bang kapag sawa kana sa relasyong meron tayo, pwede bang sabihin mo agad? Natatakot lang kasi talaga na baka kung kailan mahal na mahal na kita, doon ka naman makahanap ng iba. Basta kahit gaano kasakit, sabihin mo agad sa akin, ayaw ko kasing magmukhang tanga Austin" sabi ko habang pinupunasan yung luha ko.
"Venice-"
"I love you, Austin" nakangiting sabi ko sa kan'ya kaya natigilan s'ya
"Ano?" hindi makapaniwalang tanong n'ya kaya natawa ako
"I said, I love you"
"I love you, Venice" sabi n'ya bago ako yakapin "So you're finally my girlfriend?" tumango ako bilang sagot.
"Halika sa kanila" nagmamadaling sabi n'ya bago ako hinila papunta sa mga kaibigan n'ya
"Guys" kuha n'ya sa atensyon ng mga ito, napatigil sila sa pag-iinoman at paglilinis ng lamesa na ginamit namin kanina
"Meet my girlfriend" nakangiting sabi n'ya kaya naghiyawan yung mga nandito, nakita ko ring nakangiti sila tita kaya ngitian ko sila pabalik. "Venice Ortega"
"Nice bro"
"Congrats"
"Woahhh"
"Sana all"
Natawa ako dahil sa kan'ya-kan'ya nilang sigawan.
Handa na akong magmahal, at handa na rin akong masaktan.