Nagkatinginan muna kami ni Daniel bago tumingin nang nagtatanong kay Hazel. I'm a little nervous! Kung magsalita kasi si Hazel parang ang laki nang kasalanan ko sa kan'ya na natuklasan n'ya. Naguguluhang sinundan namin ni Daniel si Hazel dahil ayaw naman n'yang sabihin kung ano yung dapat kong ipaliwanag. "You look pale. Baka naman iba yung gustong sabihin ni Hazel hindi yung iniisip mo, kaya wag kang kabahan" bulong sa akin ni Daniel para hindi ako kabahan "I'm here" sabi n'ya bago hawakan yung kamay ko Nando'n lahat sila sa lamesa, nanonood sa tablet si Luna habang kumakain naman ng orange si Keon na tinutulungan ni Bea. Hindi mo mahahalatang pitong taon palang si Keon dahil namana n'ya sa ama n'ya yung laki n'ya. "Sit Venice" utos ni Hazel kaya napatigil si Bea sa pagpapakain sa ana

