Chapter 17

1876 Words
Naabutan ko nalang 'yong sarili kong nasa loob ng kwarto ni Daniel. Siguro ngayong alam ko na yung kalokohan ng dalawa, siguro magdidiwang na sila sa saya dahil sa wakas! Hindi na nila kailangang magtago! Ang sakit! Gusto kong umiyak pero bakit walang balak lumabas na luha? 'I trusted you, pero bakit mo sinira yung tiwalang binigay ko' Narinig ko yung pagbukas ng pinto, pero pinagsawalang bahala ko nalang. Mali pala 'yong lugar na pinuntahan ko kasi naalala kong kahit anong gawin kong pag lock sa pinto, may susi pa rin sila. Gusto kong matawa dahil sa katangahan ko. "Sabi ko sa sarili ko, susubukan kong papasukin si Austin sa buhay ko dahil akala ko no'ng panahon na 'yon kakayanin ko 'yong sakit kung sakali mang may mangyaring masama sa relasyong plinano kong ingatan at alagaan" may pait na ngiti akong ibinigay sa kanila bago bumangon at harapin sila isa-isa "Sabi ko, sige bubuksan ko na yung puso ko para mahalin si Ino. Tatanggapin ko yung sakit na ibibigay ng isa sa relasyon namin dalawa. Kung ako ang may kasalanan, o kung ako ang mapagod. Sinabi kong baka sa panahon na 'yon nadala lang ako sa emosyon kaya ko nagawang mahalin ang isang Austino Mondragon. Pero kung s'ya, hahayaan ko s'yang magpaliwanag at linawin 'yong pagkakamaling nagawa n'ya" napasinghap ako dahil pakiramdam ko unti-unti nang babasak yung luhang kanina pa hindi lumalabas. "Nandito lang kami Venice, iiyak mo yan sa harapan namin dahil nandito kami para damayan ka sa problema mo. Gaya ng pagdamay n'yo sa akin nung ako 'yong nasa posisyon mo" malungkot akong napangiti dahil sa sinabi ni Hazel "Bakit gano'n? Bakit parang hindi ko kayang marinig kung ano man 'yong ipapaliwanag n'ya? Natatakot akong baka kapag naliwanagan ako, ay baka buksan ko uli ang puso ko at bigyan s'ya ng pangalawang pagkakataon" nagpupunas ng luha kong paliwanag "I know everyone is deserving to be given a second chance. But I was just scared, natatakot akong masaktan dahil hindi ako sanay, at wala akong balak masanay. Dahil kung mangyari iyon, baka maging manhid na itong puso ko" sabi ko habang nahawak-hawak yung puso ko para kahit papaano'y mapakalma ko Masaya ako dahil nailalabas ko 'yong mga gusto kong ilabas. Alam ko naman kasing kapag itinago ko sa kanila 'yong sakit na nararamdaman ko, alam kong lalo ko lang papahirapan 'yong sarili ko at 'yong mga taong nag-aalala sa nararamdaman ko. "Pagkatapos kong ibigay sa kan'ya yung mahigit dalampo't isa kong pinaka-iingatan ngayon n'ya pa nagawang magloko" alam kong lahat sila'y nagulat dahil sa sinabi ko "Nung nangyari 'yon, alam ko sa sarili kong ginusto ko 'yon dahil sa lalakeng mahal at hindi ako lolokohin ko binigay 'yon. Pero nagkamali pala ako" "Ang sakit... Ang sakit sakit... Para akong tinusok ng ilang libong karayom matapos kong makita yung paghalik sa kan'ya ng babaeng 'yon. Ni hindi n'ya manlang nagawang itulak. Para pa s'yang nanigas sa kinakatayuan n'ya tapos nabuhayan lang s'ya ng makita n'yang nandoon ako... Dapat talaga hindi ko binigay lahat eh, para kahit papaano may matira sa akin" nag-unahan nang mahulog yung mga luha ko, lumabo na rin yung paningin ko dahil sa luhang nagtitipon-tipon sa mata ko. "Pero wala, pakiramdam ko ubos na ubos na ako" Nanatili na akong tahimik at tahimik na umiiyak. Naramdaman kong lumapit sa akin si Daniel, at hinawakan yung kamay ko. "I can't believe na may nangyari na sa inyo, how? when? where?" kalmadong tanong n'ya pero alam kong nagagalit s'ya. "Yung how, nakakahiya namang i explain. When? Nung naglasing ka. Where? sa condo ni Ino" isa isa kong sagot, bago lumingon kay Bea na ngayo'y nakaiwas na ng tingin "Pero-" "Nilasing kasi ako ni Margaret, tapos hinatid naman kami ni Bea do'n sa condo ni Ino" pigil ko sa sasabihin n'ya "Saka wag mo nang sisihin yung dalawa dahil hindi naman nila kami pinilit o sinabihan na gawin 'yon. Desisyon namin ni Austin 'yon" walang emosyong sabi ko nang makita ko ang pagsama ng tingin ni Daniel sa dalawa na ngayo'y nakatungo na "I'm sorry, I was drunk that time, I'm really sorry talaga Venice" Margaret said before approaching me so Daniel stepped back so she could sit next to me "Ahmmm" Bea looked at her older brother before turning to me "I'm sorry din, nagmamadali kasi ako, baka kung anong gawin ni kuya sa bar. Nakakahiya" Bea said before coming over to me and hugging me, gano'n din ang ginawa ni Margaret. Yumakap na rin sina PJ at Hazel kaya natatawa ako na naiiyak. "Hoy ano 'to Daniel, ayaw mo? umiiyak yung isa mong prinsesa tapos nakatayo ka lang d'yan!" sigaw ni PJ kaya napatingin ako kay Daniel nung binitawan na nila ako "Kuya I'm sorry" biglang sabi ko bago lumapit sa kan'ya at yinakap s'ya "I'm sorry" "Shhhh.... I understand, nagalit lang talaga ako pero naiintindihan ko" bulong n'ya bago ako yakapin pabalik After we talked, we went downstairs because Daniel had bought a cake. Bea took six plates while PJ mixed apple juice. Sinabi ni Bea na baka daw bukas pa ng hapon makauwi si dila mama dahil pumunta pa ang mga ito sa Laguna. "May nangyari talaga sa inyo?" tanong ni Margaret, tinanguan ko lang s'ya "Dinugo ka na ba ngayong buwan?" "Hindi pa, sa 15 pa yung araw ng regla ko. Normal kasi ako magregla" sagot ko sa kan'ya "Hoy kadiri naman kayo, nasa hapag tayo. Na-imagine ko tuloy bigla na regla ni Venice yung apple juice" sinamaan namin ng tingin si PJ pero nag peace sign lang s'ya "Sabi mo normal ka mag regla? Eh 21 na kaya ngayon" It's impossible!!! Hindi pwedeng hindi ako niregla nung 15... Baka naman nagbago lang yung araw kung kailan ako magkakaroon... Posible ba yon? Oo posible yon!!! "Baka naundlot lang, tinatakot mo naman si Venice" sabi ni Daniel bago tignan ng masama si PJ "Tumahimik ka kung ayaw mong umuwi na walang saplot" bulong nito pero narinig ko "Ay Daniel, kung ikaw ba naman ang maghuhubad, bakit hindi?" natatawang sagot n'ya pero tumahimik din ng makitang seryoso si Daniel "Gumamit ba kayo ng proteksyon or uminom ka ba ng pills after nyo mag s*x?" hindi mapakaling tanong ni Hazel "OMG try mo kaya mag-take ng pills ngayon? meron naman yata si mommy" sabi ni Bea bago tumayo pero pinigilan s'ya ni Margaret na katabi lang n'ya "Bea halos mag-iisang buwan na 'yon kaya malabo nang tumalab yun" naiiritang sabi ni Margaret kay Bea "Eh hindi ko naman kasi alam eh, akala ko pwedeng magtake kahit anong araw" naka pout na sabi ni Bea kaya napailing nalang sila We were talking when suddenly their door bell rang. "May inorder pa kayo?" tanong ko sa kanila pero umiling lang sila "Sino naman kaya 'yon?" tangkang tanong ko sa kanila pero nagkibit-balikat lang sila "Tanungin mo yung tinidor mo, baka sakaling kilala n'ya kung sino yung nasa labas" pabirong sagot ni PJ pero tinarayan ko lang s'ya at tumayo para buksan yung pinto. "Sino naman kaya 'to" bulong ko bago buksan yung pinto I was stunned at my position when I saw who was outside. What is he doing here. Gusto kong kutusan yung sarili ko dahil nakalimutan kong alam pala n'yang posibleng narito ako. Pero hindi naman siguro ako ang hinahanap n'ya, baka si Bea o kaya si Daniel. Baka masyado lang talaga akong feeling-era "Daniel may naghahanap sa'yo!" sigaw ko at akmang tatalikod na nang bigla n'ya akong hilahin palapit sa kan'ya. "Hindi si Daniel ang kailangan ko, please let me explain" nagmamakaawang sabi n'ya pero nanatilinh blanko yung emosyon ko "You don't have to explain if you're referring to Miel kissing you" walang emosyong sagot ko "Makakaalis ka na may ginagawa pa kami, masyado ka nang nakakaistorbo" dagdag ko pero hindi s'ya nagpaawat "Pero paano na yung nangyari sa atin nung gabing yon? Paano na yung apat na taon nating relasyon? Itatapon mo nalang basta-basta nang dahil lang sa nakita mo!?" nagulat ako sa pagsigaw n'ya pero hindi ko pinahalata Hindi, pero kung iyon ang makabubuti para sa ating dalawa. Gagawin ko "Oo gano'n nga! Saka pwede ba huwag mo akong sigawan dahil ikaw at yung kapatid ng kaibigan mo naman ang may kasalanan. Kayong dalawa ang may kasalanan. Kung meron man akong kasalanan, iyon ang hindi pagpayag na magpaliwanag ka!!" sigaw ko sa kan'ya pabalik "Kinausap kasi ni Leo si Miel na aalis na silang dalawa dahil nga pupuntahan pa kita. Nagalit si Miel dahil pwede namang daw ikaw nalang yung pumunta dahil nga busy kami-" "busy sa paghaharutan" putol ko sa sasabihin n'ya "Pwede ba makinig ka muna!? Busy kami dahil may mga dapat kaming ireview, nagwalk-out si Miel kaya sinundan ko s'ya dahil iyon ang gusto ni Leo na gawin ko! Damn it! Habang kinakausap ko s'ya nagulat nalang ako nang halikan n'ya ako!" "At nagustuhan mo naman kasi nasarapan ka, tama ba?" sabat ko kaya natigilan s'ya "Magkaiba kayo ng course kaya bakit kayo sabay nag review, huh? Tayo nga parehong medical students pero ni isang beses hindi naman ako sayo nagpaturo dahil alam kong hirap ka na kasi nga di ba palagi mong sinasabing marami kang dapat basahin, which is totoo naman kasi alam ko yun-" "Hindi ko nagustuhan Venice! Bakit ba ang hirap mong umintindi!" nagulat ako sa sigaw at sa sinabi n'ya "Ang hirap umintindi? Austin hindi ako mahirap umintindi! Sadyang hindi ko lang talaga matanggap na hindi mo s'ya pinigilan habang hinahalikan ka n'ya! Pwede mo s'yang itulak na nagpapahiwatig na hindi mo 'yon gusto! Pero hindi! Hindi mo yun ginawa! Siguro nga kung hindi mo pa ako nakita? Siguro tumugon ka na sa halik n'ya! Normal lang namang tumulak ng tao kapag hindi mo nagustuhan yung ginagawa sa'yo, hindi ba? Pwede mo s'yang itulak o pigilan! Pwede mo s'yang sigawan at pagalitan! Pero ano!? Bakit!? Bakit tinulak mo lang s'ya nung nakita mo akong parang tanga na nakatitig sa inyong dalawa!?" sigaw ko sa kan'ya "Alam mo!? Nagsisisi na akong pinayagan kitang magpaliwanag. Pwede kang magpaliwanag na walang salitang makakasakit sa damdamin ko! pero lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para iwan ka talaga ng tuluyan!" "Venice huwag mo namang gawin sa'kin 'to, pwede pa naman nating maayos 'to" akmang hahawakan n'ya yung kamay ko ng ilayo ko ito "Taon-taon! Buwan-buwan! palagi ko sayong sinasabing nagseselos ako kay Miel, pero hindi mo manlang magawang iwasan!Hindi sa pinagdadamot kita, pero sadyang nagseselos lang talaga ako sa inyong dalawa" nanghihinang sabi ko at pinigilan s'yang lumapit sa akin "Tama na please? Please tama na, itigil na natin 'to. Natatakot na akong masaktan Ino!" sabi ko habang pinapakalma yung sarili "Simula ngayon magsimula ka nang wala ako, at mamumuhay ako ng wala ka sa tabi ko. Kalimutan na natin yung nangyari sa atin nung gabing 'yon, dahil isang pagkakamali yung nangyaring iyon" sabi ko bago s'ya talikuran "Oh sige itigil na natin 'to. Pero sa araw na magtagpo tayo uli at hindi kita nakitang may kasamang iba. Bubuoin ko uli yung relasyon nating dalawa. I will love you to the end" bumagsak yung luha ko dahil sa sinabi n'ya I smiled looking at him "Kung tayo ang para sa isa't-isa, tayo ang para sa isa't-isa" sabi ko bago tumalikod at nanghihinang pumunta sa mga kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD