MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA CHAPTER 1: WEREWOLF

1377 Words
MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA Chapter 1: Werewolf YMIERA's POV: Tahimik lang akong naglalakad pauwi sa aming bahay ni Henrico nang may marinig akong mga atungal ng tao. Ganitong oras nagawa pa nilang magsisigaw ng kung anu-ano. Ano na bang nangyayari sa mundo? "Tsk." Napalingon agad ako sa direksyon ng palengke sa kaliwang bahagi ko. Malapit lang ang pamilihan sa bahay namin kaya minsan magigising na lang ako sa mga ingay ng mga nagsisigawang tao. Hindi dahil sa nang-aakit sila ng bibili sa pwesto nila. Kundi sa mga mapagsamantalang mga magnanakaw na mabilis ang mga kamay na sumekwat ng tinda nila. Kahit na anong galing nila sa pagiging alerto, may mga mas mautak pa sa kanila. Puro galit ang rumerehistro sa mga mukha ng tindera/o at mga mamimili. May iilan ang natatakot pa sa kung sinong nilalang ang tinataboy nila. “Halimaw! Isa siyang halimaw!” “Kunin ninyo! Baka isa siyang salot!” “Napakalaking aso naman niyan! Nakakatakot!” “Tawagin si Mayora! Kailangan nating paslangin ang halimaw!” “Dali!” “Huwag magmabagal! Makakawala ito!” “Paikutan ninyo!” Mga sigawan ng mga tao habang pilit na kinukuha ang higanteng aso na nanghihina habang pinipilit pa rin na makalayo sa mga tao. May sugat ito sa ulo. Hanggang ngayon ay dumadanak pa rin ang dugo nito paibaba sa kaniyang abuhing balahibo. Alam kong hindi ito galing sa mga tao. Wala naman akong nakikitang kahit sino ang may hawak ng patpat o itak para lang harasin ang higanteng ito. Nakaramdam ako ng awa sa taong-lobo na 'yon. Alam kong hindi siya totoong aso, walang aso na ganito kahigante. Mas malaki pa siya sa mga napapanood kong huge dogs sa sine. Ako lang ang naniniwala sa mga hindi kapani-paniwalang mga nilalang sa mundo. Alam ko kasi na ganon din ako. Pero hindi katulad nila, 'yon pa ang inaalam ko sa buhay ko kung sino ba ako at ano ang tunay na. . . "Awuu!" Malakas na alulong ng taong-lobo matapos siyang hambalusin ng isang matandang babae gamit ang payong nito. "Halimaw ka! Dapat sa iyo ay namamatay!" Galit na galit na sigaw nito sa asong nahihirapan na. Hindi na ako nakatiis sa aking nakikita. Nagmadali na akong tumakbo sa direksyon ng mga taong ito. Napansin agad nila ang presensiya ko dahil lahat sila ay napalingon sa gawi ko. May ilan pa ang napalayo lalong-lalo na ang mga pumapalibot sa asong nagpapalabas na ng maraming hininga. "Anong karapatan ninyong saktan ang isang kawawang aso?" Seryosong tanong ko sa mga ito nang hindi na tinatapunan ng tingin ang nasa ibaba ko. "Hindi siya aso, Ymiera! Isa siyang—" hindi ko na agad pinatapos pa ang sasabihin ni Mang Kanor. Ang tindero ng isda na palaging tatlo ang panyo ang gamit. "Kapag ikaw ba sinabihan ko ng duwende, hindi ka ba magagalit?" Pabalang ko namang sabat sa sinasabi niya. "Magkaiba pa rin iyon, Ymiera. Isa siyang halimaw!" Ulit nito. "Halimaw? Alam ko narinig ko, pero halimaw ba talaga siya? Kung isa siyang halimaw dapat sinaktan na niya kayo, dapat sinakmal na niya kayo isa isa. Huwag kayo basta-bastang manghuhusga ng mga aso na hangad lang ay tulungan ninyo. Ano bang gagawin niya rito sa mataong lugar? Hindi ba't humihingi siya ng atensyon ninyo para sa sugat niya? Alam ninyong wala akong pake sa kahit sino, hindi ako namamansin ng mga pinaggagawa ninyo. Pero kalabisan na ito. Hayaan ninyong ako na ang kukuha sa aso, pagmamasdan ko nang mabuti kung isa nga ba siyang halimaw. At kapag totoo ang inyong nasa isipan ay hahayaan ko kayong patayin ito. Maliwanag ba?" Mahabang paliwang ko sa mga ito na ikinalingon pa nila sa isa't isa. Ang kanilang mga mukha ay napalitan ng pagkagulat at pag-alala. "Paano ka?" Tanong naman ni Aling Daisy na ikinatango ko na lang. "Huwag kayong mag-alala sa akin. Hindi ako basta-bastang namamatay sa mga halimaw sa mundo. Kaya ako na ang bahala rito, at kayo naman ay mag-asikaso na para makauwi na sa mga mahal sa buhay ninyo. Hindi ninyo ba alam na malapit na ang curfew? " Pagpapaalala ko sa kanilang mga dapat gagawin kaya natataranta silang bumalik sa kani-kanilang tindahan. Ako naman ay napailing na lang sa mga nakikita ko. 'Ganon ba talaga ako kagaling manlinlang? Well, I'm glad. ' Napaluhod na ako sa harapan ng asong ito na patuloy pa rin ang paglabas ng dugo sa ulo. Dahan-dahan kong inilapit ang aking kaliwang kamay sa lugar na walang sugat. Akala ko ay magwawala ito kapag hinawakan ko siya pero hindi. Nakita ko itong nakatitig na sa akin. Kita ko sa kaniyang asul na mga mata ang pagmamakaawa. "Aalis tayo. Gagamutin ko 'yang sugat mo. Pero kaya mo bang lumakad? O bubuhatin pa kita? " Tanong ko rito at naghihintay nang sagot pero ginawa na lang niya ang gusto ko. Tumayo siya sa pagkakasalampak sa sahig at pilit na iginagalaw ang mga paa para makapaglakad pa. Napangiti naman ako nang tipid sa nakikita ko. "Tulungan na lang kaya kita," suhestiyon ko rito na mabilis naman niyang ikinaatras sa matinding gulat. Hindi niya ata inaasahan na lalabas iyon sa bunganga ko. Pero wala na siyang kawala pa, kung ano ang gusto ko, gagawin ko. "Huwag kang lumayo. Ay! Sinasabi ko na nga ba, ako na muna ang magiging paa mo. Higante ka nga, pero si Ymiera ito na hindi mo kilala." Pag-iintindi ko sa taong-lobo na ito matapos mapasalampak na naman sa sahig dahil sa tigas ng ulo. Katulad sa mga asong nakakarga ko, ganon din ang ginawa ko sa kaniya. Akala niya ay mahihirapan ako sa pagbuhat pero halata sa kaniya ang matinding gulat na nagawa ko siyang buhatin na parang wala lang sa akin. Maski ang mga tao sa paligid ay narinig ko pa ang singhapan at ang pagbulong ng mga kung anu-ano. Hindi naman negative. Puro positive ang naririnig ko. Kaso hindi ko na iyon pinansin pa. Naglakad na ako palayo sa pamilihang ito. Habang nakaalalay sa taong-lobo na sobrang laki talaga na pati ang dinadaanan ko ay hindi ko na makita pa. Nakatabon kasi ang kaniyang balahibo. Hanggang sa pag-uwi namin sa bahay ay medyo nangangawit na ang dalawa kong kamay. Sakto na wala si Henrico sa bahay kaya solong-solo ko ang limang araw. Hindi ko alam kung nasa'n iyon, ang mahalaga ayokong makita ang pagmumukha ng lalaking walang ginawa kundi ang ipakita na wala akong kwentang ampon. 'E di wow!' "Dito ka muna sa sahig. Kailangan kong kumuha ng tubig panglinis sa sugat mo para malinis na kita. Maliwanag ba?" Tanong ko rito sa taong-lobo na ito pero hindi na rin ako naghintay pa ng sagot niya. Tumalikod na ako para pumunta sa banyo ko rito sa kwarto ko rin at naghanap ng panyo na p'wede gawing pampunas. Hindi ko sinabi sa kaniya na alam ko na ang pinagmulan niya. Ayokong mailas siya sa akin o hindi kaya ay lumayo. *** "Ayan, tapos na. Medyo hindi bagay sa iyo na may benda ka." Usal ko nang matapos ko na siyang gamutin at lagyan ng bandage sa may ulo niya. Pansin ko rin na nakatitig lang siya sa mga mata ko. Animo'y sinusuri hanggang kaloob-looban ko. Pero hinahayaan ko na lang siya. Hindi rin naman niya malalaman kung sino bang talaga ako, dahil maski ang may-ari ay walang alam sa tunay na pagkatao niya. "Dito ka muna magpalipas ng buong gabi. Masyadong malamig sa sahig kaya sa kama ka na lang—oo nga sabi ko nga, gusto mo talaga rito." Tanging naisabi ko na lang dahil hindi pa ako tapos magsalita nang mabilis na siyang tumalon sa kama ko at ipinatong ang kaniyang ulo sa aking tiyan. Nakahiga na rin kasi ako habang nakatuwid ang aking katawan sa kama kaya malaya niyang naihiga ang kaniyang ulo. "Matulog ka na. Alam kong hahanapin ka pa bukas ng kapangkat mo." Wala sa sariling usal ko na ikinaangat niya ng ulo sa gulat ata. "H-how?" Tanong nito sa pagkautal ang boses. Akala ko mananatili lang siyang tahimik buong gabi. "Well, sa akin muna kung bakit. Matulog ka na, inaantok na ako." Tanging naisagot ko na lang at saka wala pa sa minuto ay dinapuan na ako ng antok. "You're different." Dinig kong sabi niya bago ako tuluyang makatulog. To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD