“I'm just using you, Ymiera. Huwag mong isipin na minahal talaga kita!” Seryosong wika ng lalaki sa babaeng nakatingin lang dito na akala mo ay nanonood lang ng isang nakakabagot na eksena.
“Are you done? Then, go. Isa ka lang sa mga lalaking pinaniwala kong minamahal ko. Hindi ako pumapatol sa pandak at maliit ang kapatid, tandaan mo 'yan.” Mapanglait na usal niya sa lalaking ito na namumula na ang mukha dahil sa inis.
“Hindi ako pandak, Ymiera. Sadyang matangkad ka lang sa akin! At hindi maliit ang alaga ko!”
“Whatever.” Walang gana niyang sagot saka napaismid pa sa harapan ng lalaki. “Wala ka na bang sasabihin? Umalis ka na pwede? Baka masapak kitang an**al ka.” May pagbabantang turan niya na ikinagalit ng lalaki bago tumalikod sa kaniya habang nagpapadyak pa ang mga paa sa lupa.
Siya si Ymiera Galea Dawn. Ang living badass girl sa lugar na tinatapakan niya.
Wala siyang pake sa kung anong lumalabas sa bunganga niya kahit na masakit pa ito ay wala siyang dahilan para pigilan ang ninanais niyang sabihin.
Wala na siyang magulang. Inampon siya ng tumatayong amahin niya ngayon kahit na alam niyang wala itong choice kundi kunin na lang siya.
Alam ni Ymiera na hindi siya ordinaryong tao lamang. Habang lumalaki siya ay may nakikitaan siyang kakaiba sa sarili, lalong-lalo na sa ugali.
Kaya lahat ng pumapasok sa buhay niya ay pinaglalaruan niya, pinapaniwalaan na mahalaga o mahal niya ito hanggang sa dumating na sa punto na malalaman niya ang totoo.
Wala sa bokabolaryo niya ang salitang pagmamahal. Para sa kaniya ay isa itong kasinungalingan na nagmumula pa sa imp***no.
Hanggang sa isang araw ay malalaman na lang niya na ipinagbili siya ng amahin sa napakamalaking halaga sa hindi kilalang tao.
Ayaw niya sanang sumama sa mga ito ngunit nang banggitin ang lugar na pagdadalhan sa kaniya ay wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.
‘Were Wood City’, lugar na karamihan sa mga tao ay walang kaalam-alam na nag-e-exist pa pala ito.
Maliban na lang kung isa ka sa kanila, mga taong-lobo na tahimik na namumuhay malayo sa mga tao.